34: SCARED

126 11 2
                                    







KATE'S POV

Weeks have passed..

May field trip sina Kelsey ngayong araw na ito at gusto ko sanang sumama kaso hindi sila pwedeng magsama ng guardian. Ang mga guro na daw ang bahala sa kanila at naninigurado silang ligtas sila.


Pero hindi pa din ako mapakali dahil malalayo sa akin ang anak ko. Pupunta sila sa ibang lugar na hindi ako kasama. Panatag ang loob ko minsan dahil sa eskuwelahan lang naman ang punta ni Kelsey.


"Anak, huminahon ka nga. Uuwi din naman sila mamaya hindi naman 'yon camping." Rinig kong sabi ni papa habang ako ay kanina pang pabalik-balik ng lakad sa office niya.


"A'right. Come here." Natigil naman ako at nilingon si papa, tinapik niya ang sofa sa tabi niya kaya naman ay nagpakawala ako ng hangin at umupo sa tabi niya.



"You know what.. I didn't expect you to handle being a mother in that age of yours." Manghang wika ni Papa sa akin. Bahagya naman akong natawa sa kaniya.


"Papa, may isip na ang inaalagaan ko. Kung baby pa yan baka doon ko maranasan ang paghihirap ng isang ina." Paliwanag ko sakaniya. Nawala naman ang mga ngiti sa kaniyang labi.


"Alam mo bang sabik na sabik ang mama mong alagaan ka, palakihin ka at turuan ng mga bagay-bagay ultimo ang pagpupuyat dahil sayo ay nasasabik siya. Hahaha,.. Ganoon niya gustong maranasan ang paghihirap ng isang ina.. Alam mo bang sa bawat oras na tinititigan ka niya ay umiiyak siya sa saya. Ganon ang nakikita ko sayo Kate. Parehas na parehas kayo ng mama mo."


Nakaramdam naman ako ng pangungulila dahil sa mga sinabi njya. Inakbayan ako ni papa at isinandal ako sa sakniya.


"Pero.. Lahat ng bagay ng gustong gawin ni mama ay ginawa niyo papa. Inalagaan at pinalaki niyo ako.. Tinuruan ng mga bagay-bagay at sa tingin ko ay pati na din ang pagpupuyat.." Natatawa kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya din.


"Naging Ama at Ina ka sa akin papa at yun ay ang gusto kong pagsalamatan." I sincerely said. Hinalikan naman ako ni papa sa ulo habang ako ay niyakap ito.




~•••~


Pagtapos ng paguusap namin ni papa ay gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ako masiyadong praning di tulad kanina.



Napagdesisyunan ko naman pumunta sa puntod ni mama na tinanong ko pa kay papa.. Medyo nagtaka pa ako nung tanungin ko siya hindi ito mapakali at parang nagdadalawang-isip pa pero nasabi naman niya sa akin.


Nang mahanap ko ang pangalan ni mama na nakaukit sa lapida ay umupo ako sa damuhan at hinimas ang lapida.



Keily Suarez


"Hi Mama... Pasensiya na kung ngayon na lang po ulit ako nakadalaw. Mama alam niyo po ba na hanggang ngayon ay nasasabik pa din akong makilala at makita ka kahit na alam kong impossible na.. Huwag kayong magtampo kay papa dahil siya po ang gunawa ng mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa. Inalagaan niyo ako sa loob ng siyam na buwan. Maraming salamat sa lahat mama nagpapasalamat ako noong inalagaan niyo ako sa loob ng tiyan mo lalo na ng isinilang niyo akong malusog."


Bigla naman tumulo ang mga luha ko.."But I'm still hoping to say this words in front of you. Hugging you.. Kissing you.. I love you so much, Mama."


Nagtuloy-tuloy naman ang mga luha ko dahil sa pangungulila.. Hanggang ngayon ay naiingit pa din ako sa mga taong nakakasama ang kanilang mga magulang. Kaya naman ay gusto kong iparamdam kay Kelsey na may Nanay siyang gagabay sa kaniya, aalagaan, poprotektekhan siya at  higit sa lahat mamahalin siya ng buo.


Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon