chapter 31: The square

650 23 7
                                    

Chapter 31:

it was just a simple kiss, walang gumagalaw. nakahawak yung dalawang kamay niya sa pisngi ko. Gulat ako sa pangyayari kaya mulat pa talaga ko pero bawat segundong lumilipas, nararamdaman ko yung tibok ng puso naming dalawa. Unti unting bumaba yung kamay niya sa may waist ko pulling me closer to him at yung kamay ko naman, napatong ko na sa balikat niya.

It was still a simple kiss. Magkadikit lang ang labi namin pero it really felt good. unti unti syang bumitaw sa halik.. tinitigan niya kong mabuti tapos hinawi niya yung buhok ko sa muka ko.. Tapos.. bigla niya kong niyakap.

-Aish.. hindi ko alam kung pano nangyari to pero gabi gabi ka na lang nasa isipan ko. Lagi na lang. pilit kitang nilalabas sa isipan ko pero hindi ko magawa..

*dugdug dugdug*

-hindi man malinaw kung ano yung nakaraan natin pero eka.. Mahal kita.

Ang higpit higpit ng yakap niya sakin... Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko rin sya. Pero naisip ko si nathalie.

-Si.. si nathalie..

-hin..hindi ko alam.. Mahal ko rin sya pero...

'mahal ko rin sya'

his words felt like a knife.. Ang sakit lang pakinggan. ALam kong matagal ko ng hinihintay na sabihin niyang mahal niya ko pero... mahal niya si nathalie.. Sila pa rin ni nathalie.. Kahit saang angulo.. Talo ako.. hindi pa rin sya sakin..

Bigla ko syang naitulak.

-Stop playing with my feelings..

Blanko kong sinabi yun.. Unti unti na ring tumitila yung ulan. Nakatingin rin lang sya sakin habang gumagawa ng move para makalapit ulit. hindi pwede.. ayokong makasakit. Mahal ko sya pero ayoko ng ganito.

-Eka.. sandali lang.. teka..

-KIKO ANO BA!?  *huk*

Great.. now i'm crying.

-wag ka namang umiyak oh..

nilapitan niya ko at niyakap ulit.. Nakakapanlambot ng tuhod. gusto ko syang ipagtulakan pero hindi ko magawa. napayakap na rin lang ako sa kanya. hinahaplos haplos niya yung buhok ko.

-Sorry..

Maya maya lang tumila na yung ulan pero pareho kaming basa. Nakaupo lang kami sa sulok habang nakaakbay sya sakin.

-May tao ba jan?

Bigla na lang kaming may narinig na nagsalita sa may tapat ng pinto. agad agad kaming tumayo ni kiko, nakita kami nung janitor. Pinagalitan niya kami ng onti pero dahil nga sa itsura naming basang basa, pinaalis niya na lang kami. Bumalik kami sa auditorium pero wala ng tao.

Bigla akong napasimangot..

Nasan si bernard? Wala ba syang pakielam? Hindi ba niya ko hinanap?

Pagdating nmin sa may parking lot, may nakita kong anino. nakaupo sya sa bench. medyo madilim na kasi gabi na nga at masyado pang maulap. Hindi ko maaninag yung mukha niya pero habang palapit kami ng palapit, pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko.

-Chase..

napalingon sya samin. medyo basa rin sya ng ulan. Bakit sya nandun? Hinihintay niya ba ko?

-uy pare..

Lumapit sa kanya si kiko. Tumayo si chase at napatingin sa kamay namin. Magkahawak nga pala kami ng kamay. Pabalik balik ang tingin niya sa kamay namin at sa mukha ni kiko. Nakakatakot sya. Parang gusto niyang manuntok.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon