Chapter67: Choice

272 18 10
                                    

Add the supremes on facebook!

____________________

(Ericka)

I stayed at my room matapos naming magusap ni Chase. Sobrang hindi ko lang akalain na kaya niyang gawin sakin yun. I felt so betrayed. Para bang lahat na lang ng pinapaniwalaan ko… hindi pala totoo.

Pero kahit gano pa kasakit, hindi ko alam kung bakit pero pilit ko syang inintindi. Pinilit ko sa sarili ko na kailangan ko syang intindihin. Si Bernard yun eh… mahal niya ko. ALam kong ginawa niya lang yun dahil mahal niya ko.

The next morning, I tried acting as if nothing happened. As if wala kong nalaman. Pinaghanda ko pa ng breakfast nun si chase tapos dumiretso ko sa guess room to call him. Tulog pa rin sya tapos ewan… I felt broken with what I saw.

Nagkalat yung bote ng alak sa tabi ng kama niya. Tapos tulog sya habang hawak hawak yung picture naming dalawa. Ang gulo gulo ng kwarto. I felt a lump rise through my throat pero I tried to control myself. Pinili mo to Ericka… deal with it.

Niligpit ko muna sandali yung kwarto niya tsaka ko sya ginising.

“Baby…”

He didn’t move. Halatang antok na antok sya at puyat.

“Chase… baby..”

Maya maya lang nagising sya. Pagkakita niya sakin ngumiti sya.. pero maya maya lang, napasimangot sya. It’s as if naalala niya lahat ng nangyari.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon