Chapter12: Kiko.

726 24 9
                                    

(Hello! Nung dumating si bernard sa buhay namin ni eka, Nawala yung iab kong readers. Seriously? Salamt sa mga nagstay, Patay na si fem. Keep that in mind! Sana magusuthan niyo yung update :))

Tinalikuran ko na yung lalaki tapos pumunta na ko sa next class ko, fifteen minutes pa yung break pero pumunta na ko dun. Ayoko na kasing maulit yung nangyari kanina sa Math in Business ko. Nakakahiya. Tsaka ayoko ng sungitan pa yung bearbrand na yun.. Hindi naman kasi talaga ko masungit, Ang kulit kulit kasi niya kaya nakakairita. Ayoko talagang magsungit T.T Siguro iniisip nun ang sungit sungit ko.. Ee kasi naman.

kakakita ko pa lang nung room ko at papasok pa lang ako nung biglang may humawak sa kamay ko..

-Ericka..

I'll know that voice anywhere.. Kanina badtrip lang ako ngayon nasasaktan na naman ako. All of a sudden, nanlambot yung tuhod ko.. Naiintindihan ko naman na hindi na ako yung mahal niya eh, Pero hearing him call me ericka, hurts. Inipon ko yung sarili ko, humarap sa kanya at ngumiti.

-Ki... Mikko. Bakit?

-Pwede ba tayo mag usap?

-Wag na kiko..

-Pero...

Hawak pa rin niya yung kamay ko. Gusto kong bitawan pero hindi ko mabitawan.. Alam ko mali pero i want to stay like these hanggang mamaya. Gusto ko lang syang hawakan hanggang sa maalala niya ko pero mali..

-Please ki.. please mikko.. Wag..

Ayoko syang makausap kasi ayokong gumuho yung bagong buhay na pilit kong tinatayo mag isa.. Kung dati kasama ko syang itayo to, ngayon mag isa na lang ako.. bibitawan ko na sana siya kaso may dumating kaya instead na ako ang bumitaw, naunahan niya ko. Bigla kasing dumating si nathalie. Pagkadating na pagkadating niya, tumalikod na ko at dumiretso sa room ko.

Sinubsob ko yung mukha ko sa desk ko, trying to help myself from crying. Inilipad ko na lang sa iba yung isip ko. Pero wa epek. Hindi nga sya yung naiisip ko pero si fem naman. Si fem.. FEEEEEEEEEEEEM!! Naririnig mo ba ko? Magpakita ka naman sakin oh.. Kahit isang beses lang.. gustong gusto na kitang makita fem.. Please.. Kahit isang be..

"Sya yan pare.."

Sa gitna ng pag eemote ko, nakarinig ako ng pamilyar na boses. Tulog ka ericka.. Wag mo silang papansinin. ibinalik ko na lang yung isip ko sa pagiisip kay fem. Feeeeeem!! Gusto na kitang mayakap.. Gusto na kitang makasama.. Kailan mo ba ko kuku *poke*

-_______________-

Ayoko sa lahat kinakalabit ako. Hindi ko na lang pinansin yung kumakalabit sakin dahil alam kong yung lalaking yun lang rin naman yun. Pinilit kong ibalik yung paglipad ng isip ko ky fem pero hindi ako makapagconcentrate.. Panay ang kalabit sakin at nababadtrip na ko..

-ANO BA!????

O_________________O

Kung di nga ba naman ako sinuswerte oh. Tss. yung professor pala namin yun..

-Who gave you the right to talk to a proffesor like that? And who gave you permissions to sleep inside the classroom?! I believe it's your first day today and yet you are already showing your louziness and disrespect to the teachers. Stand and explain yourself!

Tumayo naman agad ako at nagsorry ng nagsorry, Pero ang sama sama pa rin ng tingin sakin nung professor namin. Nakakahiya.

-I don't need you in my class. Get out and leave!!

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon