Chapter2: Before and After

1.2K 34 14
                                    

(Erick's Pov)

Natulog ako sa tabi ni eri habang hawak hawak ko yung kamay niya. Nakahead down lang ako. Ayoko sanang matulog kasi baka bigla syang magising pero hindi na rin kaya ng katawan ko. Anim na buwan ng ganito yung sitwasyon. Dalawang buwan syang tulog bago ibigay sa kanya ni jonel yung puso niya at ngayon, Apat nabuwan na ang nakakaraan pero hindi pa rin sya gumigising. Apat na buwan na kaming naghihintay sa kanya.

Ilang beses na ring ininsist nung mga doctor na baka wala na daw pag asang magising sya pero hindi kami sumuko.. kahit umabot pa to ng ilang taon, hindi kami titigil, hindi kami susuko hanggang hindi tumitigil yung pagtibok ng puso niya. Bigla na lang bumalik lahat nung sakit nung naramdaman kong gumalaw ng onti yung kamay ni eri. Pagtingin ko, nakamulat sya.

-yaya... mami.... YAYA!! TAWAGIN MO YUNG DOCTOR!!!

nagmadali naman si yaya at tinawag yung doctor.. Mabilis silang nagdatingan. Isa isa nilang chinecheck yung vitals ni eri. Lahat tinitingnan kung okay na sya. Masaya kong makita na nakamulat na sya pero bigla akong napaluha nung nakita ko yung kalagayan niya.. Nakamulat lang sya pero hindi sya gumagalaw. Walang kahit anong part sa kanya na gumagalaw. Para syang patay na humihinga.. Gising sya pero parang hindi at ang pinakamasakit na part, tulo ng tulo yung luha niya. Hindi ko binitawan yung kamay niya.. Lalo ko pa tong hinigpitan. Ang tigas niya pero unti unti syang umiinit. Unti unting lumalambot yung kamay niya.

-Konting tiis na lang eri.. Onti na lang.

Pinilit kong wag iparamdam sa kanya na umiiyak at nasasaktan ako pero wala.. Unti unti niyang hinarap yung ulo niya sakin. hirap na hirap sya pero pinilit niya tapos nginitian niya ko. Ngumiti rin ako pero tumutulo pa rin yung luha ko.. Naisip ko lang, bakit sa aming dalawa, sya pa.. Bakit sya pa? Bakit hindi na lang ako? Ako nama nyung lalaki.. Ako naman yung nakaktanda. Ako yung lalaki. Pero bakit si eri pa? Bakit yung prinsesa pa namin??

Natapos na yung mga doctor sa pagtingin kay eri tapos tinawag nila ko, ngumiti ako para ipakita sa kanya na malapit ng matapos lahat to tapos hinalikan ko sya sa noo. Pumunta ko sa Doctor ni eri.. Hindi na rin kasi si Lance yung Personal doctor niya.

nakangiti akong sinalubong nung doctor.

-Eri is now getting better. Her vitals are of the best since she had a coma or i should say that her vitals are now normal. But please, don't stress the patient. She needs rest. i advice you to not tell her anything that may cause her too much pain or even joy. Since she just woke up, her body is not yet used to her new heart. Too much emotion, too much stress and too much of everything is not good for her. As long as you can, make her feel happy. Don't let her skip a meal.. She needs food to gain energy..

Ang daming sinabi nung doctor. at ako, nakinig lang ng mabuti. Naisip ko lang, Pano si jonel? pano ko sasabihin sa kanya na wala na si jonel? Nung pabalik na ko sa kwarto, naiiyak na naman ako. Hanggang kailan ba maghihirap si eri? hanggang kailan masasaktan ang prinsesa namin? Magaling na nga sya pero kulang na..

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon