(Ericka's Pov)
Hinatid na ko ni mikko samin nun, ang saya saya namin nung gabing yun. Parang bumalik lang lahat sa dati. After a year, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganong saya. Nagpaalam na sakin si kiko nun. Nagulat na lang ako nung bigla niya kong hinawakan sa kamay. Palapit sya ng palapit kaya napangiti ako. Feeling ko bumalik na sa dati ang lahat. He used to do this to me remember? Everytime na ihahatid niya ko, hahawakan niya ko sa kamay then kiss me on my forehead.
-BEEEEP!!
Napabitaw sa kamay ko si kiko tapos napatingin na lang kami dun sa kotse. Di ko alam kung bakit pero seeing Bernard's car in there made my heart jump. Tatawagin ko sana sya pero bigla niyang pinaandar yung kotse niya ng sobrang bilis. Nakatingin lang ako sa kotse nun na papalayo ng papalayo. I actually felt bad. Pero nawala sa isip ko si bernard nung hawakan ako sa braso ni kiko.
-pumasok ka na. Masyado ng gabi..
Nginitian ko sya tapos nagpaalam na ko at tumalikod. Papasok pa lang ako nung gate nang bigla niya kong hilahin sa braso. tapos niyakap niya ko. Ang tagal naming magkayakap nun. Ni hindi ko na nga maalala kung anong nangyari matapos nun kasi lutang na ko. Ewan. Pangalawang yakap niya na sakin to ngayong gabi pero iba yung pakiramdam. Feeling ko si kiko ko talaga yung kayakap ko at hindi si mikko.
Pagkapasok ko sa bahay, humiga na lang ako sa kama ko. Ang laki laki ng ngiti ko. Ang saya saya ko. Ang sarap sa feeling na kahit ngayong gabi lang, Nakasama ko yung bestfriend ko. Halos maggugulong na ko sa kama dahil ewan. Kinikilig ako?
Nakakatuwa lang kasi talaga ng marinig yung eka. Na hinawakan niya yung kamay ko tulad ng dati. Ewan.. Basta, napapangiti niya ko pag naaalala ko yung nangyayari kanina. Siguro nga Oo.
Kinikilig ako.
Nakatulog agad ako nung gabing yun, Sobrang saya ko nga eh. Dagdag mo pa yung text sakin ni kiko.
SMS1 From: +639281156026.
"Goodnight na eka. Matulog ka na ah? Wag ka ng pasaway. Sleeptight."
Ilang minuto ko siguro tinitigan at nginitian yung text niya yung bago ko tuluyang nakatulog. At ngayon, ang aga kong nagising ng dahil sa school. Hindi ako sinundo ni bernard ngayon. hindi niya rin sinabi kung bakit basta hindi niya ko sinundo. Kung hindi ko lang ramdam na malelate na ko, hindi pa ko aalis ng bahay, Tsk. Sayang. Excited pa naman akong ikwento sa kanya yung nangyari. Ano kayang nangyari sa kumag na yun? Pagpasok ko sa room namin, dahil nga ang aga ko at kaklase ko rin naman si bernard ngayon. Nakita ko syang nakahead down sa upuan niya.
Lumapit ako sa kanya. Eh sya na lang naman kasi talaga yung close ko. Gusto kong magkwento sa kanya. Kinalabit ko sya.
-Chaaaaaaaaaaaaaase ^________________^
hindi niya ko pinansin. Nag head down lang sya. kaya kinalabit ko sya.
-Uy!! chase naman. Pansinin mo naman ako.
tumingin lang sya sakin ng seryoso. yung prang bagot na bagot kaya sinimangutan ko sya.
-Eeeeh. Chase naman eh! Bat ka ganyan makatingin!
-Ano bang ikukwento mo?
Naalala ko na naman yung kagabi kaya napangiti na naman ako. Kinikilig talaga ko. Waaaa. Tinawag niya kong eka ^____________^
-Waaa. Nagdate kami ni kiko!!!
-Ok.
Sinabi niya yun tapos bigla syang naghead down ulit. Aish. Wala talagang kwenta kausap tong lalaking to. -_-