(Who missed mikko? Well, here he is. Err. mahalaga tong chap na to sa takbo ng story. i'll try to make this book shorter than the first book. What can you say about the last chap ba? you still don't want bernard? anong tingin niyo? kuya lang ba talaga yung nararamdaman niya o ano? hahaha. we'll see but for now, here's the 18th part. sana magusuthan niyo. Let's start the update with mikko's pov a month ago)
___________________________
hinila ko si ericka palabas ng kwarto.. I know it's weird dahil hindi ko naman sya maalala pero nasaktan ako nung nakita ko syang mangiyak ngiyak. hinawakan pa nga ni nathalie yung kamay ko pero ewan.. tinabig ko yung kamay niya. Lumapit ako kay ericka at hinila sya palabas habang dala dala ko yung gamit naming dalawa.
Habang naglalakad kami, naiinis ako.. bakit ko iniwan si nath? Bat sya yung sinamahan ko? Baka kung anong isipin nun.. Nauuna kong maglakad kay ericka pero hawak ko yung kamay niya, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko binibitawan yung kamay niya.. Ayokong bitawan yung kamay niya.
Something felt right habang hinihila ko sya paalis dito. Parang ang saya. Parang kumpleto ko. pero nung naalala ko na umiiyak pa sya. it felt bad. Bakit ba ayokong nasasaktan sya? Bakt ba ayokong umiiyak sya? nasa labas na kami ng building tapos pinaupo ko sya sa isang bench. Nakatayo lang ako habang tinitingnan ko syang umiiyak. Gusto gusto ko syang yakapin. Gusto kong tanggalin yung luha niya.. Parang gusto ko sya biglang angkinin at ilayo sa lahat ng bagay na nananakit sa kanya..
Pero may pumipigil sakin na gawin yun. Napatalikod na alng ako at napasigaw ng mahina. Naguguluhan ako.
-Whoooo!
Parang matagal ko na syang hinahanap.. Parang tuwing nakikita ko sya, yung kulang na hinahanap ko sa buhay ko, nabubuo.. Gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi mali. Pero minsan, inuunahan na ko ng nararamdaman ko. hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman at ginagawa ko. Parang ang hirap. Libo libong paro paro yung nagliliparan sa sikmura ko dahil sa nakikita ko syang umiiyak. I had this urge na sugurin yung teacher namin. Ugh!! bakit ba ko nagkakaganito!? Huminga ko ng malalim para makontrol yung sarili ko tapos umisquat ako sa harapan niya para makita ko yung mukha niya.
-tumahan ka na..
Sa halip na tumahan sya, lalo pa syang umiyak. Lalo kong nainis. Umupo na lang ako sa tabi niya dahil ayokong makita syang umiiyak. Gusto kong magalit sa kanya kasi ginugulo niya yung utak ko pero hindi ko kayang magalit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kaya.
-Naiinis ako.
Napatingin sya ng dahil sa sinabi ko.
-Naiinis ako kasi, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak.
Nakatungo lang ako, para kasing naiiyak ako na ewan. hindi ko alam..
-Lagi na lang kitang naiisip. Yang ngiti mo, yang pag iyak mo.. Ikaw. Lagi na lang! Bakit ba kita naiisip!? Sino ka ba?
Tumingin na ulit ako sa kanya with my serious face on. Hindi ko na talaga alam kung anong nararamdaman ko pero tuwing nakikita ko sya, lagi na lang akong nagiging ganito.
-Ano ka ba talaga sa buhay ko?
nung nakita kong paiyak na naman sya ng dahil sa sinabi ko, lumapit ako at niyakap sya, Nainis ako lalo sa sarili ko. Gusto kong magpasagasa ulit para maalala lahat.. Para maalala ko na sya.
-Sorry..
nung una normal lang yung yakap ko sya eh, pero nung naramdaman ko yung tibok ng puso ko, Napahigpit yung yakap ko sa kanya.. Para bang ayoko ng kumawala pa? Para ayoko na ulit syang mawala pa..