Chapter16: Something more.

713 23 8
                                    

 (ang update na to ay isa ulit na sili. nagugustuhan niyo na ba si bernard? Okay na ba sya sa inyo? Namimiss niyo na ba si mikko? Don't worry, he'll be back in a few more chapters. Sa ngayon, let's just focus on this two at yung sinasabi ni bernard na brotherly feelings niya for ericka. Okay. Lezzzgo. Comment comment comment!) -iAlwayswill

____________________________________

nung dinantay niya yung ulo niya sa balikat ko parang kakaiba yung naramdaman ko.. Di ko alam kung ano pero kakaiba talaga. And out of that feeling, hindi ko naiwasang hindi magtanong..

-ah.. ericka?

-Uhm?

Hindi ko alam kung nakikita niya pero nakatingin lang ako sa kanya. hindi ko kasi alam kung itatanong ko pa ba to sa kanya eh. Parang hindi tama.. Ewan ko.. Natatakot ako sa sagot niya.. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong sabihin niya na wala na.. na hindi na.. bahala na nga..

-Mahal mo pa ba si jo..

-Oo.

Natahimik ako sa sagot niya.. Parang.. parang... eh, nevermind.

-Bakit?

-ah.. wala lang. natanong ko lang.. Naiinis lang ako..

Nakatingin lang ako sa kanya.. hindi naman niya ko kita eh.. parang gusto ko syang yakapin.. hanggang kailan niya kaya mamahalin yung lalaking yun? Hanggang kailan siiay masasaktan? Gusto kong sabihin sa kanya na wag niya ng mahalin si jonel.. Ano ba tong pinagsasasabi sakin nitong utak ko!? Tss.

-Naiinis ako pag nakikita kitang nalulungkot ng dahil sa kanya.. Di ko alam kung bakit ganun yung nararamaman ko pero ayokong nakikita kang malungkot.

Napasimangot ako.. ano ba tong sinasabi ko?? Umayos sya ng upo.. Nakatingin lang ako sa kanya, nakikiramdam kung ano ba yung ginagawa niya.

O_______________________________O

hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla niya kong hinalikan.. Hindi ako sigurado kung halik nga yun oh ano.. Teka! Wag ako tanungin niyo!! madilim!! Teka.. Bakit hindi ako makapagsalita.. *dugdug dugdug* ano ba to!?

-Kyaaaaaaaaaaaaa! Sorry! Naku.. Sorry. Layo! Waaaaaaaaaaaa.

Nagising lang ako nung bigla niya kong natulak niya ko at sumigaw sya.. Lumayo pa sya sakin.. Ang tagal pa bago ko nakapagreact sa sinabi niya.. hindi pa rin nagloloading sakin yung nangyari.. Kulang pa yung sigaw at tulak niya para matauhan ako ng tuluyan... Gising bernard!!!

-aray naman! Wag ka ngang sumigaw! bat ka ba nanghahalik!?

-Sa cheeks. sa pis... Bat ka ba nakaharap sakin!?

-Wag ka sabi sumigaw eh..

-Pffft.

Tumahimik na sya at nanatili sa kabilang sulok.. Ano ba.. Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko!? Bakit parang nag practice kami ng basketball? Bakit parang tumakbo ko ng limanglibong beses sa may oval field ng school na to? Naguguluhan ako sa nangyayari sakin hanggang sa napatingin ako sa kanya.. Medyo may onting ilaw kasi na nakatutok sa bandang sulok na yun. Inalis ko yung tingin ko sa kanya kasi lalong bumilis yung tibok ng puso ko..

Pero wala.. Hindi ko maiwasan.. Ang kulit ng mata ko.. Bakit ko ba sya tinititigan? Bakit ba tumitibok ng ganito tong puso kong to?? May sakit na ba ko?! Gusto kong magsalita pero wala akong masabi.. Pag may naiisip naman akong sabihin para kong nauutal.. Shet.. Nababading na ba ko? Lumipas yung ilang minuto pero nakatingin lang ako sa kanya tapos sya tahimik at nakatungo lang.. Napahawak ako sa magkabilang balikat ko.. Ang lamig.. Pano kung nilalamig na sya? Bigla akong tumayo tapos lumapit ako sa kanya.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon