“There’s nothing to worry about. She was just stressed and tired. The tension and tightness of the previous event caused her abnormal heartbeat.” Nagising na lang ako sa boses na narinig ko. Dahan dahan kong minulat yung mata ko at nakitang napapalibutan na naman ako ng puti.
“Are you sure doctor? You know my daughter has her histo…” Hindi pinatapos nung doctor yung pagsasalita ni papa. Ramdam na ramdam ko yung takot niya. Takot niya sa pag aakalang bumalik na naman yung sakit ko.
“I told you already Mr. Ortega, your daughter is fine. The transplant is successful and is not causing any real damage to her. Her heart is in good condition.” Nakita ko na napabuntong hininga si papa pero si mama, halatang hindi pa rin mapakali. Hindi man sya nagsasalita, nararamdaman ko yung kaba at takot niya. Umalis na yung doctor kaya naiwan na yung pamilya ko dito sa kwarto.
Bigla ko na lang naalala lahat ng paghihirap na dinanas ng pamilya ko nung nagkasakit ako. Hahayaan ko na lang ba na habang buhay nilang dalhin yung takot sa sitwasyon ko?
Napatingin naman ako sa lalaking nakayuko sa may tapat ko habang hawak hawak yung kamay ko.
Si bernard.
-Chase..
Ang bilis na nagreact ni bernard sa tawag ko. Napatayo sya bigla tapos niyakap niya ko ng sobrang higpit.
-Ericka… Tita, gising na po si ericka.
Naglapitan sakin sina mama at papa tapos niyakap nila ko. Ramdam ko pa rin yung pagkatakot nila sa kabila ng pag gising ko.
-Sorry mama, papa.
Sobrang nalulungkot ako sa ginagawa ko kina mama at papa. Pakiramdam ko masyado silang natrauma sa ilang buwan na pagkakatulog ko noon. Naiiyak ako kasi natatakot pa rin sila. Naiiyak ako kasi nasasaktan ko sila.
-Oh. Wag kang iiyak. Di ba big girl ka na eri. Graduate ka na ng college. Dapat matapang na ang prinsesa namin ngayon.
Napangiti naman ako sa sinabi ni papa. Dapat nga naman matapang na ko. Dapat hindi na ko iyakin. Dapat matuto na kong maging malakas. Maya maya rin lang, pinauwi na namin ni bernard sila mama at papa. Alam ko kasing pagod sila kaya pinauna ko na sila. Si kuya naman, inihatid lang sina mama.
Habang kinakain ko yung noodles ko, nakatingin lang sakin si bernard. Mula nang magising ako, ngayon lang kami magkakausap. Kung makatingin sakin si bernard pakiramdam ko gusto niya yung kinakain ko -.-
-Gusto mo?
Hindi siya sumagot sa tanong ko tapos tinitigan niya lang ako. Naconscious tuloy ako kaya nilapag ko yung noodles ko sa table.
-Bakit?
Hindi pa rin sya sumasagot.
-Oy chase. Bakit ba? May proble….
-Tinakot mo ko.
-Ha?
Umupo sya sa tabi ko tapos niyakap niya ko ng sobrang higpit. Katulad lang nung pagkakayakap niya sakin pagkagisng ko.
-Uy chase. Te-teka, bakit ba?
-Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Sobra mo kong tinakot. Akala ko mawawala ka na sakin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap niya sakin. Sobrang sarap lang sa pakiramdam nung yakap niya. Pakiramdam ko mahal na mahal niya ko. Pakiramdam ko ligtas ako.