____________
Wala akong maramdaman, wala akong marinig. wala akong makita. Masyadong malabo, masyadong maliwanag, puro puti. Unti unting may lumalapit sakin. habang lumilinaw ang paningin ko, Lalo silang dumadami.. hinawakan nila ako, Ang daming nagsasalita.. naguguluhan ako, Wala akong mainitindihan. Parang hindi ako makahinga sa dami nila, Sa dami ng ginagawa nila sakin.
Habang bumabalik sa normal yung pakiramdam ko, naramdaman kong umiiyak na pala ko. May Tumutulong luha. Hindi na sumasakit yung dibdib ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan ko ksi nung nakita ko kung sinong may hawak sa kamay ko, nararamdaman kong nhihirapan siya. Nasasaktan siya dahil sakin.
Gusto kong tumigil yung tibok ng puso ko bigla. Nawala nga yung sakit sa puso ko, sila naman patuloy na nagpapakasakit para sakin.
-Konting tiis na lang eri.. Onti na lang.
Malabo ang panrinig ko pero sigurado ako, Si kuya yun. Lalo pang humigpit yung kapit niya sakin. hirap man akong gumalaw, pinilit kong iharap yung ulo ko sa kanya tapos nginitian ko sya. Ngumiti naman sya pero alam kong umiiyak sya. Alam kong pinapahirapan ko sya.
Habang tumatagal isa isang lumalayo yung mga nakaputi. Isa isa akong iniiwan ng mga doctor. Sinubukan kong iikot ang pningin ko pero hindi ko nakita sila mama at papa. hindi ko alam kung bakit pero masaya ako na wala sila dito.. Masaya ako kasi hindi nila nakikitang nahihirapan ako.
Maya maya tumayo si kuya, nginitian niya ko at hinalikan sa noo. Tinawag ata sya ng doctor.
-Wait lang eri ha?
Pag alis ni kuya, may humawak sa kabilang kamay ko. Si mami yaya, Nararamdaman kong umiiyak rin sya. At muli, napaiyak na naman ako. Parang gusto kong tumayo at yakapin sya. Gusto kong tanggalin yung sakit na nararamdaman nila. Pero ang kaya ko lang gawin ay tingnan at ngitian sila. Sana man lang kahit yakap magawa ko, Kahit man lang mapunasan yung luha nila magawa ko..
pero hindi...