Filler lang to. Sabaw. Hays ang sabaw ko ata. Pero hi, ang plano ko kasi sa till death, 60 chapters rin lang tulad nung sa In sickness. Tapos chapter 50 na, omg. 10 chapters na lang? <///3 That's my plan, not sure tho.
Anyways, filter lang talaga to. Kung sampung chapter na lang ibig sabihin, malapit nang dumating si Fem. Malapit na nga kaya? Or forever na syang naitaboy ni chase. Hihihi. Comment vote. Ge. Di rin pala ko makakapag update till monday, ay sakit. Eh ang adik ko na daw sabi ni lola. Hihi. Next week ulilt. Mahal na mahal ko kayo <3 <3 - Lay
______________________________
Ericka’s pov
Nakatulog kami ni kiko nang ganun lang yung pwesto. It feels so good to be in his arms pero ewan, hanggang ganito na lang siguro yung magiging papel namin sa buhay ng isa’t isa..
May janitor na lang na gumising samin ni kiko. Itatanong sana namin kung may naghihintay samin sa baba pero hindi nag e-english yung janitor kaya sabay na lang kaming bumaba ni kiko. Lamig na lamig pa rin ako tapos parang nanlalambot ako dahil sa pwesto namin sa pagtulog kaya inaalalayan niya ko. Nakaakbay lang sya sakin.
Pagkalabas na pagkalabas namin, nakita namin sila chase. Kumpleto pa rin sila pero iba na yung mga damit nila so malamang, umuwi rin sila.
“Ano ba kuya? Kagabi ka pa eh. Just calm down okay.. Kasama niya si mikko. So she’s freaking safe. Umupo ka na nga lang, ako nahihilo sayo eh.”
Hindi naman nakinig si Chase kay nina na palakad lakad lang. The moment na makita kami nila nina, tumakbo agad si chase palapit sakin at hinila ako kay kiko.
“Ano? Okay ka lang ba? San ka ba nagpupupunta? Tss.”
Napaatras si kiko sa amin ni Bernard pero nakangiti sya.
“Chill lang bro. Di ko naman sya nirape. Kiss lang naman eh.”
Napatingin si chase kay kiko at nakaramdam agad ako na parang biglang nagstiffen yung katawan niya. Ngitian lang sya lalo ni kiko tapos tinapik sa balikat. “Tangina masyado kang seryoso eh. Joke lang naman brad.”
Binalik na lang ni chase yung attention niya sakin. “Isang kiss lang naman. Di ba eka?”
“Kiko!”
“Tss. Secret lang ba natin yun eka? Ayoko nga tapos pinilit mo ko diba?” Nakaakbay pa si kiko nun kay Chuck at Carlo na aliw na aliw sa pinagsasasabi ni Kiko. Samantalang si Bernard, parang asar na asar na at onti na lang, mananapak na.
“De. Joke lang.. Nakakatangina mang aminin pero mahal ka niyan tol.”
“Tangina wag mong sasabihing suko ka na brad? Itatakwil kita pag ganyan.” Binatukan na lang ni chuck si carlo tapos tumawa lang si carlo. “Ingatan mo yan ah.. mahal na mahal ko yan. Minsan lang magpaubaya ang mga gwapo kaya tangina, wag mong sasayangin.”
Nakangiti lang si kiko habang sinasabi yun tapos kami nakatingin lang sa kanya. Para bang natahimik lahat dahil sa ginawa niya.
“Tangina… bat nanahimik kayo? Bawal sumuko?”
“Seryoso ba yan?” Chuck
“Wala eh… sabihin na lang natin na hindi bagay yung kapogian ko sa kagandahan ni eka.. Luge ko tol.” Tahimik pa rin lahat at nakatingin kay kiko. Para bang walang makapaniwala sa sinasabi niya. Tapos ewan ko.. ang peke ng ngiti niya. Para bang gusto kong lumapit sa kanya at yakapin sya. “Grabe naman. Wag naman ganyan katahimik. Tara na, uwi na tayo. Ligong ligo na ko eh..”