Tagal kong di nag update. Hihihi. Wala pang 20 votes yung last chapter. Okay lang, alam ko namang pangarap ko na lang yun eh. Hays. Hahahaha. Kamusta mga pare? Ako eto, walang trabaho, walang bf. Hahahaha. Ay lungkot. Oh, the truth i must tell, i'm as lonely as hell. Add niyo pala yung supreme sa fb. Pramis hindi kayo magsisisi, lalo na pag si carlo yung kausap niyo. Hahaha. Hi sa mga op! Ge, Hahahaha. Daldal ko na. Pag ako hindi nakakita ng mahahabang comment kala niyo, hahaha. the title says it all. Handa na ba kayo? - Lay.
______________________________
“Oh God. I’m so late.” Bumaba ako sa kotse ko and immediately went inside only to find out na simula na nga yung party. Grabe, pakiramdam ko the whole past is forcing its way inside my mind. Nagkalat yung mga pamilyar na mukha sa paligid. Mula sa kaklase namin dati, hanggang sa mga school mates namin. Almost everyone here is a part of my past.
“Uy Ericka, kamusta na?” Nagulat na lang ako nung biglang lumapit sakin si Brian. Natatandaan ko pa sya at isa sya sa hinding hindi ko malilimutan. Sya yung dahilan kung bakit hinalikan ako ni Fem nun. Ugh, bawat galaw ko na lang sinasampal ako ng nakaraan. Nagulat na lang ako nung bigla akong yakapin ni Brian. “Grabe. Hindi ko akalaing makikita pa kita ulit. I mean, bigla ka na lang nawala” Nginitian ko na lang si brian tapos salita lang sya ng salita. As if ang close close namin dati. “Wow… you’re still the prettiest girl Ericka.. In fact you’re a whole lot prettier. You still have that effect on boys.”
“Effect?”
“Yung tipong kahit anong iwas mo nang tingin, mapapatingin at mapapatingin ka pa rin. You’re still damn attractive.”
Di ko alam kung bakit pero lalapit sana sakin nun si Brian pero bago pa sya tuluyang makalapit, dumating si kiko, ivan at carlo.
“Ehem.”
Nagulat na lang ako nung akbayan ako ni kiko. “Uy tol, musta?” Nginitian lang sya ni brian pero halata mo namang naiirita sya tapos humarap sakin si kiko.
“Mahal bat ngayon ka lang? Kanina pa kita tinetext pero hindi ka naman nagrereply.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay kiko tapos hinalikan niya pa ko sa noo. Napatingin naman ako kay carlo at ivan na nagpipigil ng tawa tapos kay brian na parang lalong nainis.
“Ah Ericka, I’ll just check on my friends over there. Talk to you later.” The moment na makaalis si brian, tinanggal ko yung akbay sakin ni kiko at nagtawanan ng malakas sina ivan at carlo.
“Hahahahahaha. Mahal?!”
“That’s the best you can come up with dude?”
“Hahahaha. Tangina minsan ka na lang maging boyfriend sablay pa. Tangina ang baduy mo pare!!!”
Sinimangutan na lang sila ni mikko. “Wala ng intro intro brad, eh mahal ko eh.” Lalo lang nagtawanan sina carlo at ivan. “Teka bat ka nga ba nalate eka?”
“OH MY GOD, MAHAL, BOYFRIEND!?”
Napatingin na lang kaming lahat sa gilid ko. Nandito nga pala si jaira. Para syang nasaktan na naiinis na ewan. She looks complicated but still cute.
“I trusted you! Sabi mo hindi kayo magboyfriend! You told me he’s just you’re friend tapos mahal!? To think na I almost consider matching you up with my kuya jj. And I even wanted to be your bff tapos mahal!?”