Chapter35: Even if.

659 24 11
                                    

Maiksi lang to.

Pasensya na. Haggard ako sa thesis eh. angdami kasing.. nevermind. Ang labo pa ng... nevermind. Hahaha. Ang sabaw ng utak ko. Ang sabaw ng feelings ko. Naguguluhan ako. Nabubugnot ako. Kaya para sumaya ko, Comment naman jan! :) -iAlwaysWill.

______________________________________

________

Kanina pa ko umiiyak. Dapat ako ang masaya eh!! Ako ang bida sa play na to! Ako si snow white!! Pero bakit hindi ako masaya? Tama nga siguro sila, not all stories have their happy ending. Lumabo yung mata ko dahil sa sobrang dami ng luha.. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nabangga ako.. May nabangga akong yumakap sakin ng sobrang higpit..

Napakafamiliar nung amoy niya. Feeling ko matagal ko nang hinahanap hanap yung malalaking braso niya na masasandalan ko. Matagal ko ng hinihintay na yakapin niya ko. Kahit ang bigat bigat nung pakiramdam ko, parang nabawasan kasi nandito sya ngayon sa tabi ko.. Kasi yakap yakap niya ko. Feeling ko sa simpleng pagpulupot niya ng mga braso niya sakin eh protektado ako. Feeling ko wala ng makakasakit sakin.

Parang unti unting hinihigop yung sakit na nararamdaman ko.

Kahit lambot na lambot na yung mga tuhod ko, gumaan yung pakiramdam ko.

Inakbayan niya ko at inalalayang makalabas. hindi ko pa rin sya matingnan sa mukha, feeling ko ang tagal tagal ko na syang hindi nakakasama ng ganito kalapit.

Di ko alam kung san kami pupunta pero nagpatangay lang ako sa kanya. Hanggang dalhin niya ko sa may bleachers sa tabi ng oval field.

Pagkaupong pagkaupo namin, biglang nagring yung phone niya kaya tumayo sya at edyo lumayo sakin. Dun lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan sya.

ngayon ko lang napansin na nakafootball attire sya. Suot suot pa niya yung helmet. Bakit sya nakaganun? Si bernard nga ba tong kasama ko?

Mukang badtrip pa sya nun sa kausap niya sa phone. hindi ko naman marinig yung boses niya kasi ang hina lang. Maya maya lang, Pinasok niya na yung phone nya sa bulsa niya tapos humarap na ulit sya sakin. Kahit nakaharap na sya sakin, hindi ko pa rin sya makita.

Dahan dahan syang lumapit sakin kaya umiwas ako ng tingin. Naiiyak na naman ako. Naaawa ako sa sarili ko. Bakit kailangan niya kong makita ng ganito?

Pilit kong pinupunasan yung luha ko at iniipit yung iyak ko pero wala.. Para kong basang sisiw. Feeling ko pinagtutulungan na ko ng lahat. PAgod na pagod na ko..

Tumigil sya sa harap ko tapos tinayo niya ko at niyakap ng sobrang higpit. iba ung pakiramdam ng yakap ko sa kanya ngayon medyo may kung ano ano kasing nakapaloob sa damit niya kasi nga nakafootall attire pa sya. Pero kahit ganun, ramdam na ramdam ko na hindi ako nagiisa.

-ang sakit sakit na. pagod na ko... pagod na pagod na ko.

hindi sya nagsalita. hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko. PAg nanjan si bernard, feeing ko sya yung mahal ko. Pero pag nakikita ko si mikko at nathalie parang ang sakit sakit. Ano bang nangyayari sakin?

-Pagod na ko.. ayoko na ng ganito.. gusto ko na lang mawala..

Lalong humigpit yung yakap niya sakin. Gustong gusto kong marinig yung boses niya. Feeling ko ang tagal tagal na.. gustong gusto kong makita yung muka niya.

medyo niluwagan niya yung yakap niya sakin tapos hinarap niya ko sa kanya. hindi ko man kita yung muka niya pero alam kong tinititigan niya ko. antagal rin niyang nakatitig sakin nun bago niya ko yakapin ulit.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon