Chapter9: A Lost Friend.

797 32 13
                                    

-Sino ka? Magkakilala ba tayo?

 Napatingin lang ako kay nikka. Di ko kasi alam ang sasabihin ko, wala akong masabi. Ano bang nangyayari? Magsasalita pa lang si nikka pero nagsalita na naman si mikko.

-Teka, kilala ba kita?

Sabay kaming napatingin sa kanya ni nikka. niloloko lang ako ng magkapatid na to! Imposibleng makalimutan niya ko!! Kilala niya ko!

-naaalala mo sya mikko?

-ewan.. parang... di ko..

Napahawak si kiko sa ulo niya. seryoso yung mukha niya, pinipilit niya kong maalala. Nakatutok lang kami sa kanyang lahat. di ko alam kung anong mararamdaman ko. andami na namang nagliliparang paro paro sa sikmura ko. Please kiko.. Sabihin mong kilala mo ko.. Please.

-Spammy?

Biglang nagliwanag yung muka ni kiko. Para bang biglang nawala yung sakit ng ulo niya kanina. Napatingin ako sa tumawag sa kanya, Isang magandang, matangkad at maputing babae yung biglang pumasok. Napatingin ako kay kiko, the way na tingnan niya yung babae parang biglang may kumurot sa puso ko. Lumapit sya dun sa babae tapos pinulupot niya yung balikat niya sa bewang nito.

-Ay ate, nandito pala si nathalie. Akyat lang kami ah?

Umakyat na sila ng hindi na lumingon pa sakin at nagpaalam. bigla na lang nanlambot yung tuhod ko at napaupo ako.. Lumapit sakin si nikka. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pero parang ang sakit.. Si kiko yun eh. yung bestfriend ko yun! yun yung taong kasama ko nung lahat ng tao sa mundo ko kinalimutan na ko.. Sya yung nagpapangiti sakin, sya yung lagi kong ksama, sya yung nagpupunas ng luha ko, sya yung kiko ko.. Hindi pwede..

Niyakap ako ni nikka kasi umiiyak na ko. Ang sakit lang na ganun. hindi pwede yun. hindi pwede to.. Kailangan ko si kiko, hindi niya ko pwedeng makalimutan,

-Nagpatherapy na si mikko, unti unting bumalik yung ala ala niya pero hindi namin maintindihan kung bakit tuwing sinasabi namin yung pangalan mo sa kanya, may ibang nangyayari sa kanya. Sumasakit ng sobra yung ulo niya at umiiyak lang sya ng umiiyak. Kaya three months ago, kinalimutan na namin yung pagsasabi ng pangalan mo sa kanya. Ang hirap kasing makita syang ganun..

hindi makaya ng utak ko yung mga naririnig ko.. hindi ko matanggap. Ang sakit lang. Nagtagal pa ko kina kiko, hinihintay kong bumaba sya. umaasa kasi ako na kapag nakita niya ko makikilala niya ko. Maaalala niya ko. Na yayakapin niya ko at sasabihin niyang mahal niya ko. Pero hindi sya bumaba. Ang sabi ni nikka, gumagawa daw sila ng school papers. Gabi na rin kaya umuwi na ko. Iisa lang naman kami ng subdivision ni kiko kaya naglakad na ko pauwi. Tulala ako habang naglalakad. Ewan, Feeling ko pinagtutulungan na ko ng mundo. Lahat na lang ng kamalasan sakin nangyayari.. Lagi na lang ako, lagi na la....

-Aray..

May nakabunggo sakin. Pagkabagsak ko sa sahig, tumulo na naman ng tumulo yung luha ko. Kanina ko pa pinipigilan to, naghihintay lang ako ng pagkakataon para ilabas to.. 

Bumagsak ako sa sahig, tumungo at umiyak ng umiyak..

-Miss? Okay ka lang?

Bumils yung tibok ng puso ko at mabilis na napatingin ako dun sa nakabunggo sakin..

-uy.. ateng... ateng.. ateng kaibigan ni  ate nikka!

Lalo kong naiyak sa tinawag niya sakin, bakit yun ang tawag niya sakin.. bakit hindi eka??

-*huk* hindi ako.. hndi ako yyun.. ako si eka mo.. *huk*

nung nahalata niyang umiiyak ako, umupo sya at pumantay sakin.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon