Hinawakan ni bernard yung kamay ko tapos hinayaan niya kong maunang maglakad. It's my second time here pero alam na alam ko yung daan papunta. Bawat hakbang ko kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bat nga ba hindi ko na ulit sya dinalaw mula nun, kung bakit pinilit ko syang binabaon sa limot kahit hindi ko naman kaya.
nung malapit na ko, binitawan ni bernard yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
-Hindi ako aalis.
Pero di ko alam kung bat natatakot ako. Ilang hakabang andyan na si fem pero hindi ko kaya. Lumapit sakin si bernard tapos nginitian ako.
-Nandito lang ako ha?
Tumango ako tapos lumakad na ulit ako papunta kay fem. God. Pagkalapit na pagkalapit ko, umupo ako sa tabi ng pangalan niya tapos tinanggal ko yung mga dahon na nagkalat.
-Fem..
It's been so long mula nung tawagin ko sya. Ang tagal na pero it still give me the same feeling. Masakit pa rin. Ang sakit lang at ang hirap tanggapin na kahit anong tawag ko sa kanya, wala ng sasagot. Wala ng tatawag sakin ng fey.
-Sorry kung natagalan ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin kaya. Hanggang ngayon masakit pa rin.
Tinanggal ko yung huling dahon na nakakalat dun tapos pinunasan ko ng kamay ko yung pangalan niya.
-Hindi ka rin ba nila dinadalaw?
Napangiti ako.
-Hindi rin nila tanggap no? Ikaw naman kasi.. bakit... bakit kailangan mo pa kaming iwan?
Aish. Bakit ako naiiyak? Hindi dapat ako naiiyak. Pinunasan ko yung luha ko tapos tumingin ako sa tas para mapigilan ko. Ayokong umiyak. Ayokong makita niya na mahina ako. Gusto ko makita niyang masaya ko.
-Nakakainis ka naman eh. Sabi ko hindi ako iiyak.. pero... hindi ko mapigilan. Sobra sobra na kitang namimiss. gustong gusto kitang makita.. gusto kitang makasama. namimiss ko na yung yakap mo, yung ngiti mo, yung tawa mo.. bakit mo ko iniwan?
Pinunasan ko yung luha ko. Tama na ericka. Kailangan mo nang magpaalam.
-Mahal na mahal kita fem.. pero kailangan na kitang isuko.
Humangin ng malakas, di ko alam kung timing lang o dahil sa kanya. Kailangan ko ng itigil tong kahibangan ko sa kanya. Kailangan ko ng bumangon.
-Nakikita mo ba yun fem?
Tinuro ko si bernard sa kanya.
-Si bernard yan. Matagal niya na kong hinihintay.. anong sa tingin mo fem? Gusto ko syang mahalin pero ewan.. naniniwala pa rin ako sa forever mo. Pero tama na diba? Kailangan ko ng tanggapin na kahit kailan, wala ng magiging tayo. Na yung 'tayo' na yun, tapos na.. wala na.
Tumayo ako tapos ngumiti.
-Sobrang mahal kita pero kailangan na kitang bitawan. Kailangan ko ng itigil to. Kailangan na kitang pakawalan. Mahal na mahal kita fem... at mula ngayon, tatapusin ko na ang paghihintay ko sayo, mula ngayon... malaya ka na.
Pigil na pigil yung luha ko. Kailangan makaalis ako dito ng hindi umiiyak. Kailangan makita niyang kaya ko para maniwala sya na bbitaw na ko.. Para matahimik na sya. PAra maging masaya na sya. Hindi niya pwedeng makitang nasasaktan ako. Umalis na ko sa harapan ng puntod ni fem tapos naglakad na ko palabas. Nilagpasan ko si bernard pero alam kong sumunod sya sakin.
Bawat hakbang ko palayo nilalakihan ko. Kailangan mo ng bumitaw ericka. SObrang nagmamadali akong makalabas. Bawat hakbang ko palayo unti unting sumisikip yung dibdib ko. Pero hindi. hindi ako iiyak.