Hi guys.
Why do I have this feeling na si jonel lang ang gusto niya sa story na to? Hahahaha. Pogi kasi no? Astig pa magmahal. Sana makakita rin tayo ng jonel natin sa buhay. Kahit panget basta ganun ugali takte, palag palag na! Hahahaha.
Tumal na ng votes at comment. Ayaw niyo ata sa pagbabalik ni jonel. Tinatamad na tuloy akong mag ud. Comment lang mga par. Ge, ingay ko na naman. Here's the ud. Please tell me kung sabaw.
____________________
(Jonel's pov)
Nagulat na lang ako nung biglang nawalan ng kuryente. Anak ng tipaklong. Summer na summer tapos wagas yung ulan. Napatayo ako nun nung naisip ko si fey. Gustong gusto ko syang puntahan sa kwarto niya kasi baka natatakot sya pero nalimutan kong si fey nga pala sya. Hindi takot sa dilim, imposible ring mainitan sya kasi takte, nasa tabing dagat kami at ang lakas ng ulan. Sobrang lamig.
Aish. Ano bang pwede kong idahilan para lang mapuntahan ko sya dun? Sabihin ko kaya natatakot ako? Tss. Ang baduy. Hindi.... Kanina pa ko paikot ikot sa kwarto ko trying to figure out a reason para lang mapuntahan sya pero kahit anong piga ko sa isip ko, wala akong maisip na dahilan. Hanggang sa nagkakatok sya.
Napatakbo ko sa pinto ko nun nung marinig ko yung sigaw niya. Bubuksan ko na dapat kaso... anak naman ng tipaklong oh. Hindi ba magmumukang halata na kanina ko pa sya inaabangan?
"Aish. Eh ano naman? Kanina mo pa naman talaga sya hinihintay di ba?"
"ehhhh, hindi nga pwede yung ganun. Dapat kunwari tulog ka na jonel..."
"pero... si fey yan! Pag dating kay fey, alerto dapat lagi..."
"Anak naman ng tipaklong oh. Ano jonel? Kausap sarili?"
Aish. Bakit ba pag usapang fey na nababaliw na lang ako lagi? Ginulo ko na lang yung buhok ko tapos nagpanggap akong antok na antok. Sobra kong mukang tanga sa pagpipilit sa sarili kong humikab. Ano ba jonel, kunwari inaantok. Inaantok ka jonel okay... inaanto.....
*dugdug dugdug*
Sobrang gulat ko nung bigla akong yakapin ni fey. As in pakiramdam ko, binasa ako ng napakalamig na tubig at nawala yung pagpipiling antok ko. Pakiramdam ko nabuhay yung dugo ko. Takte, pakiramdam ko iniwan na naman ng kaluluwa ko yung katawan ko.
"Sht!!! Patayin mo yung ipis jonel!!!!!"
Automatic na nawala ako sa pagkaligaw ng utak nung bigla na naman syang sumigaw. Di ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako. Sobra ko syang namiss. Namiss ko yung pagiging malapit niya sakin ng ganito. Ghaaaaaaaaaaaaaad. Mamamatay na ata ko sa sobrang saya.
Sobrang cute tingnan ni fey. Tumakbo pa sya sa kama ko nun and hell, I wanted to follow her there and cuddle right next to her pero hindi ko magawa. It's as if I am glued to just stay wherever I am right now and look at her. Kahit pa gano ko kagusto, wala eh..
Hanggang tingin na lang ako.
Umiling ako and laugh away the shit I'm feeling. There's no way in hell would I let myself get fcked up ngayong tatlong araw ko syang masosolo. Takte, kahit alam kong tatlong araw lang to at mali.... Palag palag na!
Papatayin ko na sana yung isang ipis pero naisip ko nab aka pag nawalan ng ipis, umalis si fey. Hell no. Ge lang, dyan ka lang na ipis ka. Tawagin mo yung mga barkada mo. Sabihin mo merong party dito. Haha. Para kong tanga sa ginagawa ko pero wala akong pakielam, wala eh. Tanga naman talaga ko pagdating kay fey.