Luh. Chapter 56 na tapos sabi ko, hanggang chapter 60 lang. 4 na chapter na lang guys. Pero mukang hindi kaya, kaya extended na ang till death do us part! Hihihihi. Bahala na kung gaano kahaba pero push pa. Rak na ituuu. Huhuhu. Babaw ba ng dahilan ni jonel? Ibig sabihin ba nito Bernard na ang endgame? <3 Iiksian ko muna lagi para humaba pa ng humaba. Kiber lang yan mga fre. Just keep the comments coming and I’ll keep the updates coming :)
…
Pakiramdam ko mababaliw ako sa sinabi ni daddy. Hindi.. mali ka lang ng rinig jonel.
“Ha?”
“I’ll give your girlfriend the heart if you promise to leave her.”
“Tangina.. dad ano yan?”
“Look at yourself!! Look at you!! Bumababa yung grades mo, wala kang tulog, walang kang buhay. All you have is a dying girl! Now tell me, ano bang napapala mo sa Ericka na yan!?”
“She.. she makes me happy… hindi.. hindi pa ba sapat yun?”
“Will that happiness give you the life you deserve!? Mapapkain ka ba ng ngiti niya!? Mabibigay ba niya ng ngiti niya, ng pagmamahal niya, ng yakap niya yung magandang kinabukasang hinanda namin sayo!? Mabibgiay niya ba sayo yun kung bukas patay na sya!!?”
I tried to control myself kahit pakiramdam ko konting konting tulak na lang sakin ni dad, hindi ko na mapipigilan yung sarili ko.
“Leave her if you want her to live.”
Umiling ako.
“Damn it. Hindi ko kailangan ng tulong mo! Makakahanap ako ng puso ni Ericka nang hindi humihingi ng tulong sayo!”
I tried going out of the office pero tangina, kahit saan ako dumaan laging may guards at ayaw nila kong palabasin. Hindi ko maintindihan kung ano na naman tong pakulo ni dad pero wala talaga kong lusot. I’ve been trying to call erik pero hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito bigla yung phone. Di ko na alam yung gagawin ko. Bakit ayaw nila kong pauwiin kahit sa bahay man lang? Ano bang nangyayari!?
Di ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko matanggap na habang hirap na hirap si fey, nandito lang ako… walang magawa.
Paano kung nag aagaw buhay na nga si…. Argh. I can’t even think about it.
Wala na kong ibang magawa nun kundi maya’t maya subukan na lumabas pero kahit anong gawin ko. Kahit anong subok ko, para bang nakatadhana nang maging ganito.
Nasa kwarto lang ako trying to plan for another escape ng pumasok si kuya lance. Di ko alam kung anong gagawin ko nung nakita ko sya. Sya lang ang may alam kung ano nang nangyayari kay fey ngayon. Mula naman kanina hindi ako umiiyak pero nung nakita ko si kuya lance, pakiramdam ko nanghina ako.
“Ka… kamusta si fey?”
“From worse to worst.”
Di ko alam kung paano ko magrereact sa sinabi ni kuya. Nanatili na lang akong nakaupo while covering my face with my hands. Bro… please.. please wag.
“Kuya kailangan ko syang makita.”
Alam kong alam ni kuya lance na hindi ako pinapalabas ni dad pero tinulungan niya kong makarating ng hospital. Nasa icu si fey that time and no one kahit pa si erik is allowed to see her. Pero dahil doctor si kuya lance dun, nagawan niya ng paraan para makapasok ako without anyone noticing.