Chapter10: Reset.

794 31 11
                                    

(Pakisabi sakin kung masyado ng emo yung story ko. Please? masabaw tong update ko. wala akong maisip eh. XD)

Nakaupo lang kami sa may tabi ng kalsada dito sa isang street sa subdivision namin. Pagkatapos niya kong yakapin, naging tahimik sa pagitan namin. Parang bawat sandaling lumilipas eh pinapatay ako. Ang sakit sa dibdib. Hanggang kailan ba ko magiging ganito? Hanggang kailan ako pahihirapan ng bagong buhay ko.. Parang mas guustuhin ko pang mamatay na lang. Hindi ko na kinayanan yung atmosphere sa pagitan namin ni mikko. It just hurt to be with him knowing that he doesn't even know me.

-Sabi nila, mahal daw kita..

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa langit tapos nakangiti. Same old mikko, laging nakangiti..

-Pero, bakit parang wala akong maalala? Bakit.. bakit parang hindi??

Kakatigil ko lang sa pagiyak pero ito na naman, naiiyak na naman ako. Wag eka.. wag kang iiyak.. Pigilan mo..

-Pero bakit parang oo?

Alam ko hindi ko hinihingi yung pagmamahal niya noon, tinatanggihan ko pa nga eh.. pero bakit parang ngayon gustong gusto ko? Gusto kong hingiin yung pagmamahal na binibigay niya sakin dati kaya nung sinabi niyang parang oo, Namilipit yung sikmura ko.. Butterflies..

-Ewan.. Naguguluhan ako.. Mahal ko kasi si nathalie..

Nasaktan ako sa sinabi niya pero nanahimik ako.. Hindi ako umimik at nakinig lang ako. 

-mabait yung babaeng yun eh.. Kahit lagi akong busy, lagi akong wala, lagi akong nagsusungit.. hindi niya pa rin ako iniiwan.. Hindi ko pinipilit yung sarili ko sa kanya kasi mahal niya ko..

Habang sinasabi niya yun, naalala ko yung dati.. yung pinipilit niya yung sarili niya, yung nagsusungit ako.. yung lagi ko syang iniiwan. hindi ko pinaramdam sa kanya na sobrang mahalaga rin sya sakin. I took him for granted at ngayon.. 

hindi na sya sakin.

-Ang kulit nga eh, dati kasi... kahit anong gawin ko, kahit anong gawin niya.. may kulang pa rin.. May isang bagay na kahit anong gawin ni nathalie, wala pa rin.. May isang bagay na hinahanap hanap ko na hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita. Kahit nanjan sya hindi ko pa rin masabi na buo.. na kumpleto na yung pagkatao ko...

Ako ba yun?? Ako ba yung kulang na sinasabi niya?? Lalo kong naiiyak sa sinasabi ni kiko.. Para kong naiipit. Hinahanap ako ni kiko.. hinahanap niya ko kahit hindi niya alam na ako yung nawawala, alam kong somewhere inside him is looking for me.. Alam kong yung kulang na yun, ako.. Gusto kong sabihin sa kanya na ako yun pero hindi ko kaya..

-Masaya na ko kahit may kulang na hindi ko malaman laman kung ano, okay lang.. mahal ko sya.. 

hindi ko kaya kasi masaya na sya :(

-pero alam mo.. lagi kitang nakikita sa isip ko.. lagi kit...

Hindi ko na sya pinatapos magsalita kasi hindi ko na kaya.. pinunasan ko yung luha ko, tumayo at pinilit ngumiti tsaka ako humarap sa kanya.

-U...uuwi na ko..

Napatingala lang sya sakin. Hindi ko maipinta yung muka niya.. hindi ko alam kung bakit ganun yung mukha niya. Malungkot ba sya?

-Ihahatid na ki...

-Kaya ko na.. Kaya ko ng mag isa..

Kakayanin ko ng mag isa.. hindi na ko aasa. Tumayo sya, magsasalita na sana sya ng iabot ko sa kanya yung kamay ko..

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon