Chapter36: Over

526 21 9
                                    

Yow!

I'm back. Hu! Antumal ko ba? sorry :'( Ang gulo kasi ng buhay ko. Natutuwa naman ako, andaming nagppm sakin na ang ganda daw nung in sickness and in health tapos namimiss na daw nila tong story na to kaya ayun. Sana magustuhan niyo. Vote ha! Let me know what you think! I'm back for good :))))))

________________________________________________

bernard's pov

Bumaba ako ng sasakyan. hindi nakatingin sakin si mikko. Sa kotse ko lang sya nakatingin. kay ericka lang sya nakatingin.

-pre.

Napatingin sakin si mikko pero pagkatingin na pagkatingin niya sakin, sinapak ko sya. Sobrang nanggigigil ako sa ginawa niya kanina. kahit saang angulo ko tingnan, walang tama sa ginawa niya.

-Gago ka ba!?

Sigaw niya sakin nung napaupo sya sa sahig.

-Tangina pre, ako pa gago?

Tumayo sya at hinagod yung buhok niya. Muka syang sobrang frustrated.

-hindi ikaw ang pinunta ko dito kaya pwede ba? Umalis ka na lang.

Pinilit kong kalmahin yung sarili ko. Ayokong gumawa ng higit pa sa sapak sa harapan ni ericka. Masyado na syang maraming pinagdadaanan.. Ayoko ng dumagdag pa.

-Hindi ako aalis dto. hindi ko na hahayaan na maiwan pa ulit sayo si ericka. Pare please lang, umalis ka na.

-Ikaw ang umalis! Wala akong pakielam sayo.. Si ericka ang pinunta ko dito.

Hinawi niya ko sa daan at pinilit makalapit sa kotse ko pero hinarangan ko sya.

-hanggang jan ka na lang mikko.

-Ano ba pre? Tangina naman oh. kakausapin ko lang si ericka.

-Hindi nga kasi pwede!!! Ano bang hindi mo naiintindihan sa hindi pwede? Pre kung ikaw kaya mong nakikitang nasasaktan si ericka, ako hindi. Kaya umalis ka na lang.. sge na naman mikko. umalis ka na.

tiningnan ako ni mikko. Mukang hindi sya magpapaawat pero parang nalulungkot sya na ewan. Di ko alam.

-Hayaan mo na muna kaming magusap chase.

Di ko napansin na lumabas pala si ericka sa kotse. Pareho kaming napatingin ni mikko sa kanya. hinila ni mikko yung braso niyang hawak hawak ko at lumapit kay ericka pero humarang ulit ako..

-ano ba brad!! si ericka na nagsabi! pwede bang tumabi ka na lang!??

alam kong sinabi ni ericka na hayaan ko sila pero natatakot ako. Pano kung piliin na naman sya ni ericka? Pano kung sumama na naman si ericka sa kanya? Pano kung mabalewala na naman ako? Iniisip ko pa lang ang sakit na..

-chase?

Napatingin ako kay ericka. Mugto pa rin yung mata nya. tiningnan ko sya. Alam kong alam niya na ayoko.. Pero ano bang karapatan ko? Sino nga ba naman ako?

-hintayin mo na lang ako sa loob please?

binitawan ko si mikko tapos humarap at lumapit ako kay ericka.

-maghihintay ako ha? hihintayin kita.

nginitian niya lang ako nun tapos pumasok na ko sa loob ng bahay nila. 

(Ericka's pov)

Sumandal ako sa kotse ni chase. Nakatingin lang sakin si mikko pero ako, hindi ko sya matingnan. Feeling ko kasi pag tumingin ako sa kanya, masasaktan lang ako. Hindi sya lumapit sakin pero nagsalita sya.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon