Di ako mag a-update hanggang hindi nakakahabol si Sandra sa chapter na to. Hahahahaha. Tsaka hanggang di sya nagcocomment. Hello 13k reads! Kamusta naman ang mas maraming comment ng till death kesa sa in sickness? Pakisabi naman po kung ang boring na ng kwento. Pakiramdam ko sabaw lagi. Hays. - Lay
________________________
Mikko
Lumapit ako sa pinto and tried to open it pero parang nananadya talaga yung tadhana. I tried everything I could just to open the door pero it won’t si I ended up kicking it.
“Ah shit.. MAY TAO DITO!!”
Sinubukan namin ni Ericka na sumigaw pero wala namang makarinig samin. Ano ba naman? Hindi ba pwedeng pagkatapos akong tanggihan ng taong mahal ko eh tapos na yung sakit? Hindi ba pwedeng isang gabi lang lahat para isang bagsakan na lang yung sakit? Tangina kailangan ba hanggang mamatay ako ipamuka sakin ng tadhana na nahuli ako?
“Asan phone mo?”
Nakatingin lang si Eka sa may pinto.
“Na kay chase. Wala akong dala dito..lahat iniwan ko kay chase.”
“Tss. Tangina yung itouch ko lang dala ko.”
Sinubukan ko pang buksan yung pinto at kalampagin pero walang nangyari. Gusto mo na ngang makawala sa sakit na nararamdaman mo, lalo pang ipagsisiksikan sayo ng tadhana yung mga bagay na alam mo namang hindi pwede.
Umupo na lang ako sa may sahig sa tabi ng pinto tapos si Eka, sinubukan pa rin buksan yun. I breathed in deep and tried to calm myself. Wala yan mikko, mabubuksan din yung pinto. Makakalabas din kayo.
“May tao pa po dito!!”
Hindi kayo maiiwanan na kayong dalawa lang.
“Buksan niyo to!!”
Pakiramdam ko pag naiwan kaming dalawa dito hindi ko mapipigilan yung sarili kong mas bawiin pa sya. PAkiramdam ko ipagsisiksikan ko na naman yung sarili ko kahit sa bandang huli alam ko namang hindi ako yung pipiliin..
“ANO BA!!!”
Na kahit anong pagpupursige at pagsusumiksik ko, malabong mapasakin sya.. Malabo kasi..
“CHASEE!!!”
Kasi may chase na sya.
“Ano ba eka?! Kanina ka pa sumisigaw! Hindi nga nila tayo marinig!”
Hindi nagpapigil si eka at sumigaw lang sya ng sumigaw. Tangina. Dati kahit anong harang ko tumatagos yung tingin niya kay jonel. Kahit anong pagpapansin ko, puro jonel pa rin.. Tapos ngayon ganun pa rin. Ako na yung nandito, pero tangina puro naman Bernard. Anim na taon na yung lumilipas pero wala pa ring pagbabago.
Second choice pa rin ako.
At tangina, sobrang sakit pa rin.
Tumungo na lang ako at hinayaan si eka na tawagin si chase hanggang sa maya maya, umupo na rin lang sya. Hindi kami magkatabi ni eka pero parehas kaming nasa tapat ng pinto. Mabuti na rin siguro yung ganito.. Kunwari hindi kami magkasama. Kaysa naman ipagsiksikan ko na naman yung sarili ko.
“Kiko..”
Hindi ko pinansin si eka.
“Uy.. kiko..”