Dear Coolest readers,
hindi po ako maka pag update ng maayos kasi nga, busy ako. Sorry naman. Pag inoopen ko kasi tong laptop, natutukso ako. Sheesh. Ang dami ko kasing new movies and games so instead na nagtatype ako, naglalaro ako o kaya nanonood. Sorry naman. Sinubukan ko namang pigilan kaya this chapter was born. It's a little bit lame but very very very important.
At oo nga pala, my christmas gift ako sa inyo! i'll update more often para mabigay ko na sa inyo yung gift ko. I alread told you, Good things come to those who wait. So for those who are waiting, wait for my gift okay? So ang haba na nito. Bye! 15 votes for the next update =)))
_______________________
-pano kung sabihin kong mahal nga kita?!
Pagkasabi niya nun, tumitig lang sya sakin. Nagtitigan lang kami. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. He looks and sounds serious kaya natatakot ako. Mahal niya ko?
-ma..mahal mo ko?
Hindi sya sumagot nun tapos pinagpatuloy niya lang yung pagtingin niya sakin. Hindi niya na kailangang sumagot sa pagkakatitig niya sakin. Alam ko na yung sagot at ayoko ang patutunguan ng usapan na to..
-eri...
-Good morning class.
Napatayo na lang kami nung pumasok si ma'am nun. Morning rituals tapos umupo na ulit kami. Tumingin ulit sakin si bernard nun pero nailang ako. Hindi pwede.. hindi niya ko pwedeng mahalin.. He just can't. Maya maya lang, hinawakan niya yung kamay ko.
-Uy.. Ericka..
Pagkahawak na pagkawahak niya sa kamay ko feeling ko nakuryente ako kaya inalis ko agad yung kamay niya. Hindi niya ko pwedeng mahalin..
-Ericka naman.
Hahawakan niya sana ulit yung kamay ko pero hinarang ko na yung kamay ko sa pagitan namin. hindi niya ko pwedeng mahalin..
-Ano ba chase?
Hindi na niya ko pinansin nun pero patingin tingin pa rin sya. Lumilipad yung utak ko. Ugh. I can't think straight. Bigla na lang nagflashback sakin yung mga nangyari dati.
-Ericka... Mahal kita.
Naaalala ko how fem brought me to his sanctuary. Kinantahan niya pa ko nun. Tandang tanda ko pa sa utak ko how he sang to me that night. Tandang tanda ko pa yung titig at ngiti niya sakin nung gabing yun. I definitely remembered how that night went on. Kung pano ko umiyak.. kung pano ko sya napaiyak..
Habang inaalala ko yung pangyayaring yun, i was expecting myself to cry like i always do pero hindi ako naiyak. Oo namimiss ko sya pero hindi ako naiiyak.. Parang okay na ko. Then kiko flashed back..
-Mahal kita eka..
Something twitched inside me nung narinig ko yung boses ni kiko. Hindi tulad nung nangyari samin ni fem, hindi ko masyadong natandaan kung pano nauwi sa ganun yung pag amin sakin ni kiko. Napatingin ako sa kanya nun sa tabi ko.. Nagdu-doodle lang sya sa notebook niya as i carefully stare at him.
Tulad ni fem. nawala rin siya sakin.
-Okay ka lang ba?
Napatingin ako kay bernard and that's when it hit me. Parang may something na hindi ko maintindihan sa sikmura ko. I felt this before per osa sobrang tagal na, parang nagayon ko lang ulit sya naramdaman. The thought of losing him hurt me.