Chapter21: i like you

716 24 14
                                    

(Ang unang parte ng chapter na to ay rated SPG. Striktong patnubay ng magulang ay kailangan. maaaring may tema, karahasan, lenggwahe, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga mambabasa. XDD Hahaha. Foul mouthed po dito si bernard dahil tulad nga ng sinabi niya sa naunang chapter, he had never been this mad before. Nadala lang po sya ng emosyon niya. you know naman, kuya daw -.- So anong ibig sabihin ng title ng chapter na to? Sinong magsasabi ng i like you? My magsasabi na ng i like you? lezzz find out ^_________^)

-May halo ba to kuya?

-Ah yes sir. Strong vodka po yan..

tumingin ulit ako kina ericka. Kukunin ko na sana sya kay Jr para iuwi sya dahil mukang nalasing sya pero biglang nag init yung dugo ko at nanginig yung laman ko... gusto kong sumabog sa galit ng dahil sa nakita ko. Ni minsan sa buong buhay ko hindi pa ko nagagalit ng ganito katindi.

bigla syang hinalikan nung Jr na kinagising ni ericka..  Tumakbo agad ako at hinila si ericka palayo dun sa gagong lalaki.

-woah there.. mind your own *booogsh*

tinulak ako nung lalaki habang nagssalita sya pero hindi ko na sya pinatapos magsalita at sinapak ko sya.

-Shit. Ano bang problema mo!?

-Gago ka ba!? Anong anong problema ko? anong problema mo!? 

-Hey. we're just talking.. Diba ericka?

Lalo kong napikon nung nginitian niya pa si ericka na parang gustong gusto pa ni ericka yung ginawa niya.

-Eh gago pala yang talking mo eh! 

sasapakin ko pa sana ulit sya pero nagdatingan si al at yung mga tropa niya tapos inawat kami. nakatago lang sa likod ko si ericka na para bang naiiyak which made things worse. nanggigigil talaga ko.

-Tang ina pare. Wag na wag ka ng lalapit kay ericka dahil promise.. hindi lang sapak aabutin mo saking gago ka....

Sobrang kumukulo yung dugo ko kaya tumalikod na ko at hinila si ericka palabas. nandito kami sa pinagparkan ko ng kotse, hindi na sumunod sila al. Hila hila ko si ericka hanggang sa nakarating kami dito. Pagdating na pagdating namin, binitawan ko yung kamay niya at tumalikod.

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang pagkabadtrip ko. Tang ina lang talaga. Gustong gusto kong manapak. Gustong gusto kong pumatay.. Tahimik lang si ericka pero muka pa rin syang lasing.

-WHOOOOO!!!

Napasigaw na lang ako sa inis ko na kinagulat naman ni ericka.

-Nakita mo yun???!!!

nakaturo ako sa bahay nila Aira habang sinigawan si ericka. Believe me, Ayoko syang sigawan pero tangina lang talaga.. Naiiyak ako sa inis sa ginawa sa kanya nung lalaking yun. nakatingin lang sakin si ericka na parang bata.. hindi ko alam kung lasing pa sya o ano pero seryoso yung muka niyang nakatingin sakin.

-ngayon alam mo na kung bakit ayaw kitang payagan! Pano kung wala ko dun!? Pano kung hindi ko napigilan yung gagong yun!? Kung alam mo lang kung gano nag init yung ulo ko sa nakita ko.. YIIII!

Tumalikod ulit ako dahil sobrang inis ko.. Pag nakikita ko yung muka niya, naaalala ko yung halik at nanggigigil ako. Gusto kong punasan yung labi niya.. Nakakainis. Ugh. Please bro.. Gusto ko talagang manapak. Please.. Please lang po.. Kinusot ko na lang yung muka ko sa sobrang inis.

Sa gitna ng pagkainit ng ulo ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero humarap ako sa kanya taos inyaka ko sya.

-*huk* hinalikan niya ko.. :(

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon