Chapter40: Her world.

484 21 6
                                    

Pinilit kong habulin si fem. Kahit nasasagasaan ko pa yung mga tao sa daan wala akong pakielam. Kahit sobrang hindi na kaya ng katawan ko ang tumakbo dahil wala pa kong matinong pahinga, wala akong pakielam. Kahit pakiramdam ko babalik yung sakit ko sa sobrang pananakip ng dibdib ko, wala akong pakielam. Kahit bumibigay na yung katawan ko sa pagod, kinaya ko. Lahat gagawin ko para mahabol lang sya. Para lang bumalik sya sa buhay ko. Para lang makita ulit sya.

Pero kahit anong bilis at pag pupumilit ko, nawala na naman sya.  Nawala sya sa paningin ko..

nawala na naman sya sa buhay ko.

-Feeeeeem!!

rPara kong tanga nung tumigil ako sa pagtakbo at nagsisigaw. Pakiramdam ko gumuho na naman yung mundong pinilit kong itayo. Para bang nararamdaman ko na naman yung pakiramdam nung namatay si Daddy, yung lungkot na naramdaman ko nung dumating si Mery sa buhay namin, yung sakit na naramdaman ko nung pilit kaming pinaglalayo ni fem at yung pagdilim ng mundo ko nung nalaman kong patay na pala sya.

Para kong pinapatay ng paulit ulit sa sakit na nararamdaman ko.

Lahat ng sakit na naramdaman ko noon bumalik. Nasan na ba sya? Bakit hindi ko sya makita? Nasan ka na fem?

-feeeeeeem! fem lumabas ka na naman o? Asan ka na ba? Balikan mo na ko.. Please. bumalik ka na sa buhay ko :(

Para kong tanga na umiiyak dto sa gitna ng airport pero hindi ko mapigilan yung luha ko. Hindi ko mapigilan yung sakit na nararamdama ko.

-Jo..jonel. fem...

Maglalakad na sana ko ulit para hnapin sya ulit. Hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanap. Hindi ako pwedeng magkamali. Si fem yun. Nandito si fem.. kailangan ko syang hanapin. Napahawak na ko sa dibdib ko na naninikip na talaga pero hindi ako tumigil. Hahanapin ko si fem.

-Ano bang ginagawa mo ericka? sino bang hinahabol mo?

nagulat na lang ako nang hawakan ako ni Chase pero mas nagulat ako nung hinila ko yung kamay ko sa kanya. Pero tulad ng dati, hindi nya hinayaan na makawala ako.

-Chase si fem.. Nandito si  fem. Nandito si Jonel. Hahanapin ko sya. Kailangan ko syang hanapin. *huk*

Natigilan si bernard pero hindi pa rin niya binitawan yung kamay ko.

-Umuwi na tayo ericka.

Pilit kong hinihila yung kamay ko kay Chase pero hindi pa rin nya ko binitawan. Wala pa rin akong tigil sa pag iyak at sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit kong hinahanap si jonel sa paligid pero wala akong makita.

-Chase teka. Bi...bitawan mo ko. Si fem.. nandito si fem. Ha..hahanapin ko sya. Kailangan ko syang makita.

Mas hinigptan ni Bernard yung hawak nya sa kamay ko at pilit nya kong hinihila palayo. Pakiramdam ko bawat hila nya sakin lalong napapalayo si fem sakin.

-Sandali lang chase. Baka mawala na sya. Kailangan ko syang makita chase.. Please. Hindi mo ko naiintindihan. Kailanga......

-Ericka halika na!!

Hinila ko yung kamay ko kay  chase ng pwersahan kaya napabitaw sya.

-ANO BA??! KA..KAILANGAN.. KAILANGAN KONG MAKITA SI JONEL! NANDITO SYA!!  NANDITO SI FEM!!!! WAG MO NA KONG PIGILAN!! NA...NAWAWA.. NWAWALAN NA KO NG ORAS. KAILANGAN KO SYANG HABULIN!! kailangan ko sya...

Mas lalong nalukot yung puso ko nung makita ko yung mukha ni Chase pero tumakbo pa rin ako. Hinanap ko pa rin sya. Kahit imposible, kahit nawawalan na ko ng pag asa, hinanap ko sya.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon