Chapter55: The truth

410 17 23
                                    

He took his step palapit sakin and I just can’t find energy to move. Wala kong ibang nagawa but to watch him na magmadaling lumapit sakin.

“Ano may masakit ba?”

I suddenly found energy nung maramdaman ko yung luha kong tumutulo. Pupunasan ko dapat pero naunahan niya ko. I felt tingly and shaky nung maramdaman ko yung hawak niya sakin. Hindi ako makapaniwala na after all these years, his touch still feel the same.

Kahit simpleng paghawak niya lang sakin, sobra sobra na yung impact sakin.

“Huy… tell me what hurts.”

Tiningnan niya ko sa mata. Just by simply looking in his eyes pakiramdam ko hinihila niya ko palapit sa kanya. Pakiramdam ko, bumabalik kami sa panahon when his look means everything. Naramdaman niya siguro na hindi ako magsasalita at hindi ako gumagalaw kaya bigla niya kong niyakap.

Nung niyakap niya ko pakiramdam ko walang nagbago. Yung pakiramdam na nararamdaman ko sa tuwing niyayakap niya ko ganun pa rin, yung amoy  niya ganun pa rin… yung pagmamahal ko… hindi..

Hindi pwede.

It took all of me to push him away from me.

“Fey…”

Pakiramdam ko nung tinawag niya kong fey, may something na kumurot sa puso ko. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Para bang ang sarap sa pakiramdam pero para bang sobrang sakit. Anim na taon… anim na taon kong hinintay yun. Anim na taon akong fem ng fem.

Wag…”

I finally found courage to speak. Pinunasan ko yung luha ko. Hindi Ericka. May boyfriend ka na. Hindi pwede yang nararamdaman mo.

“Wag mo kong tawaging fey… please…”

This time sya naman yung hindi makapagsalita. He was just looking at me and I was looking at him. Para bang gusto ko syang hilahin at yakapin. Pero hindi ko magawa, hindi ko magawa kasi hindi tama.. kasi may chase ako.

“Six years… nawala ka ng six years tapos ganito? Magpapakita ka sakin na para bang walang nangyari?”

“Fey… Ericka.. I wasn’t… I ca…”

I was waiting for him to finish whatever he tries to say pero wala syang matapos sabihin. I was waiting for an explanation. I was waiting for an acceptable reason kung bakit sya nawala. I kept on waiting and waiting and waiting pero wala syang masabi.

“You can’t just walk into my life again… you can’t just walk in and act like nothing happened.. like everything’s okay… you can’t just walk in and not make me understand kung bakit ka nawala.. kung bakit mo ko iniwan.. kung bakit ka namatay. You… you just can’t…”

But he did.

Kahit anong tatak ko sa isipan ko na hindi niya pwedeng gawin yun… nagawa na niya. Nagawa niyang pumasok at muling bumalik sa buhay ko nang walang kahirap hirap.

“Ano!? Why won’t you tell me kung bakit ka nawala!!?”

Hearing him say nothing feels like hinahayaan niya kong maniwala na what we had years ago are all nothing but dreams, it feels like hinahayaan niya ko na maging sarado sa kanya. Na hayaan ko lang na ganito kami.

“Magsalita ka naman fem…”

Hindi pa rin sya nagsasalita. And it hurts. Sobrang sakit na makita yung taong alam mo sa sarili mong sobrang mahal mo na hayaan kang lumayo sa kanya. Pakiramdam ko naiiyak na naman ako pero pinunasan ko yung luha ko. There is no way in hell na iiyak na naman ako ulit nang dahil sa kanya. Hindi pwede Ericka. Kinaya mo nang anim na taon di ba?

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon