Don't know if this is sabaw. Keep reading! Guys, tiwala lang. Kung yung namatay nga nabuhay, yung naiwan pa kaya hindi babalikan? Hahaha. Juk. - Lay
___________________
Mikko’s Pov
“Hoy, sino bang hinahantay mong magtext?!”
Hinablot ni carlo yung phone ko. Nasa taas na yung mga babae nun. Lahat kasi tapos na for the gown fitting, si nina na lang yung hindi pa. Napakaarte naman kasi nung babaeng yun.
“Tangina… oy. Akin na yan brad!”
Wala akong nagawa nung hinablot ni carlo yung phone ko.
“Asan ka na babyloves?”
Bigla silang nagtinginan sakin tapos kinuha ko yung phone ko. Natawa na lang ako kasi sobrang tahimik nila.
“BABYLOVE…BABY…. HAHAHAHAHAHAHAHA!!! LOVE… HAHAHAHAHA.”
-______________________-
Wala nang mas sasaya pa kay carlo. Maya maya lang nakitawa na sina ivan. Halos lahat tumatawa na tapos si Bernard nakikingiti na rin. Ano bang nakakatawa sa text ko?
Ivan: “Hahahahahaha. Pta, babylove ba talaga?”