Takte. Kahit anong push ko okay Bernard fem kayo ng fem. Ganun ba kalakas hatak niya at hindi sya matabunan ni Chase? -_________________-
Ang bilis ng votes ah. Ngayon, Gusto ko madaming comments!. Haha. Hirap magtype ng UD no, it’s time to return the favor. Joke. Sige na please? J
Sobra niyo kong pinapasaya ngayon. Grabe po si SilverAG, hyper mo pero kinikilig ako sa mga comment mo. Hi din pot at Jai! Binubuhay niyo dugong wattpad ko :) Ito muna for now. Sana magustuhan niyo - Lay.
“Oh fck. Is it really you?”
Nilapitan ako ni Nina at Cassie. Cassie immediately hugged me but nina remained standing. “I think I’m gonna cry.” Tumalikod si Cassie sakin tapos nilapitan sya ni Carlo.
“Teka.. ano bang nangyayari?”
Lumapit sakin si Chase na gulong gulo nung nakita niya na umiiyak na ko. Grabe. Hindi ko akalain na makikita ko pa sila. “Okay ka lang ba Ericka?” Chase was holding my hand pero ewan it feels like every moment of the past is running through my mind.
“Nina.. Cassie…”,
hindi pa rin humaharap sakin si Cassie sakin tapos si nina, nakatitig lang. It was like she saw a ghost. Hindi ko na napigilan yung sarili ko tapos niyakap ko sila. Cassie was hugging me back while crying pero si nina hindi pa rin gumalaw.
“It’s been six years..” Nabitaw ako sa yakap at napatingin kay Nina.
“Six fcking years and you never answered. Kahit isa lang sa email ko Ericka! Oh, God. Pwede pasampal?”
Hindi ko mapigilang ngumiti. Sya pa rin si nina, the violent and scandalous nina. “Hoy seryoso ko dito Ericka, Fck. I wrote an email every fcking week! And you never wrote back!!!”
“Oh shut up nina, erickaaaaaa. Oh my God, I really missed you. I never have thought that I would see you again.” Umiiyak na naman si cassie and yes, she’s still that same old sensitive chic. “Sali naman sa group hug! Tangina master.. buhay ka! Grabe! Hindi ko akalain, tangina lang talaga. Sobrang namiss kita”
Di ko mapigilang tumawa habang umiiyak.. Si carlo, that same cussing machine but gentle carlo. “Ako naman payakap Ericka, alam naman nilang lahat na tayong dalawa dito yung may pinakamalalim na painagsamahan sa grupo diba?” Open arms akong niyaya ni chuck para yakapin and I did.
He never changed. Chuck, the walking joke book.
“Wag ka nang umiyak.. Namiss din kita.”
“Di mo naman feel no?”
“Aww. Selos agad si babe. Halika.. yakapin din kita.”
Nagtawanan kami sa sinabi ni chuck kay nina. Hindi pa rin silang dalawa nagbabago. It was six years and nothing changed…
except for the fact na wala na si Jonel.
“Wait lang guys, this can’t be just like this. As in no way in hell would I accept you open arms without explaining why you didn’t write back. I mean seriously, six fcking years Ericka.”
“Oo nga master, anim na taon din yun. Tangina wag mong sabihin nagka amnesia ka?”
“Tanga. Ano yun porket may amnesia si Mikko, meron na din sya? PAg bestfriend kailangan parehas?”