Buong puso po akong kinikilig sa mga comment niyo. As in binuo niyo po ang araw ko kahapon at ngayon. Yii. Kaya di ko natiis na di magtype kahit sobrang pagod ako. Ayun, hi din sa biglaang mga bago kong followers. San po kayo galing at san niyo napulot ang username na iAlwaysWill? Hahaha. Shoutout nga pala sa mga ultimate hater ng baby Bernard ko L Bat nyo po sya inaaway? Huhuhu. Kawawa naman si baby. Pag sya naging end game hu u kayo. Hahahaha. De. Ito na po yung update. Alam na gagawin for the next update. <3 I will always labyu mga pare, ialwayswill. – Lay :D
________________________
That feeling you get when you realized that what has been hurting you for the longest time in your life are complete lies.
Yung pakiramdam na naniwala ka.
Yung ang tagal tagal mong nasa dilim kasi nawala sya. Kasi iniwanan ka niya, kasi ang alam mo wala na sya at kahit anong mangyari, hinding hindi na sya babalik.
Yung ilang taon kang umiiyak at nasasaktan. Yung ilang taon kang mukang tanga at sarado sa lahat. Yung ayaw mo nang magpapasok pa ulit sa buhay mo ng kahit sino kasi takot ka na maiwan ulit.
Kasi takot ka nang masaktan ulit.
Sobrang sakit lang isipin na wala ka nang iba pang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan, kasi alam mo naman na kahit anong iyak mo, kahit anong sigaw mo, kahit anong pagmamakaawa mong bumalik na sya, hindi ka niya maririnig. Hindi na sya babalik.
And all you have left is to feel the pain.
Losing him hurts as hell. It was like living and dying at the same time. Sobrang masakit.
But you know what hurts most?
It’s realizing that all the shits you’ve been through, all the pain you have felt, all the struggles you are forced to deal with and all the things you came to believe in are complete bullshits and lies.
Ang sakit.
Naniwala ka na tapos na, na wala na sya, na patay na sya. Wala kang ibang nagawa kundi umiyak at tanggapin ang lahat.
Pinilit mong tanggapin kahit araw araw kang nilalamon ng sakit.
At ngayong nakabangon ka na, ngayong tanggap mo na talaga ang lahat, tsaka mo malalaman na lahat pala ng pinaniniwalaan mo tungkol noon, hindi pala totoo.
“Fem?” Napabalikwas na lang ako pagkakatulog ko. Tumingin ako sa orasan ko and found out that is just 4AM. Sarado yung ilaw sa kwarto ko at napansin ko ring iba na yung damit ko. Bukod sa orasan ko, pinigilan ko yung sarili ko na tumingin pa sa ibang lugar.
Natatakot ako.
Natatakot ako na baka hindi ko sya makita.
Na baka panaginip lang pala lahat.
Pero hindi ko napigilan yung sarili ko. “Fem?”
Tumayo ako and started looking for him. Ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa mga nangyari kagabi, pakiramdam ko anytime from now at any extra movement I release would cause me to collapse pero hindi ako nagpapigil. Hinanap ko si fem. I tried checking every room. “Fem? Nasan ka ba?” Bawat bukas ng pinto ko pakiramdam ko isa isang hinuhugot lahat ng nasa loob ko. Bawat bukas ng pinto na wala sya parang ang sakit sakit. Parang bumalik na naman kami sa panahon na binitawan niya ko. Hindi ako sumuko at hinanap ko lang sya ng hinanap.