Chapter30: Kiko.

645 26 7
                                    

Lumipas ang linggo na nagpapractice lang kami ng Play. Mas nagiging close pa kami ni Kiko ulit pero syempre, hindi katulad ng dati. Nanjan kasi si Naths. hindi naman ako pwedengkumilos ng katulad ng dati dahil ayokong magalit or mag away sila ni naths. Ganito pala yung mangyayari. Actually, maiksi lang tong once upon a time na to kasi.. Ahm. Ang once upon a time ay binubuo talaga ng maraming kwento and parts. May parts na kay cinderella., kay belle and other fairytale people. So yeah. Ang part lang namin ay kina snow white.

Jeff: Tungunu. Ako talaga si grumpy!? hindi ba nakakahiya? ang gwapo ko tapos.. Sigurado ba kayo jan!?

Nath: ano ba jeff? Wag ka na nga lang magulo. Saglit lang naman eksena mo dito. Kaya pwede ba?

Jeff: Nagtatanong lang naman eh. Halikan kita jan eh.

Mikko: Ano?

Magkausap talaga kami ni kiko nun eh, tapos bigla niyang narinig yun. Iniwan niya ko tapos lumapit sya kay naths.

Mikko: Anong sabi mo?

Jeff: Sorry naman tol.

Lagi namang ganun yung nangyayari kaya siguro sanay na ko. Sanay na ko na.. ay mali.. tanggap ko na na hindi naman talaga ako. hinawakan ni kiko yung kamay ni naths tapos niyakap niya. Kakasabi ko lang na sanay na ko at tanggap ko na pero bakit masakit pa rin? Tumalikod na lang ako sa kanila.

Pag talikod ko, biglang bumukas yung pintuan. Dun kasi yung pinto. Tapos pumasok si bernard. Nagkatinginan kami saglit pero bigla syang umiwas ng tingin. Mula nung gabi na pumunta sya sa kwarto ko, hindi niya na lang ako bigla pinansin. Lagi akong lumalapit sa kanya pero lagi rin syang umiiwas. Nagrereply naman sya sa mge text ko pero one word messages lang. Kadalasan okay, oo o hindi pa ang reply nya.

-Bernard.

Tumingin ulit sya sakin tapos lumapit ako sa kanya.

-Bakit?

-Wala lang.

-Ah.. sige. May tatanong pa ko kay naths.

Bigla na lang syang umalis. Kumapit ako sa braso niya nun pero umalis na lang sya bigla. Sya rin pala yung under study sa role ni prince charming. Kung sakaling magkaroon ng problema sa side ni kiko. Sya ang papalit.

Umupo na lang ako sa may hagdan nun. Kanina pa kami dito sa auditorium pero ayaw pa nilang magpractice. Nakakainip. Tumungo na lang ako sa may tuhod ko. Dati isa lang akong simpleng babae na mamamatay. Di ko akalain na ganito pala kahirap ang normal na buhay. Sana nammatay na rin lang ako.. Sana kasama ko na lang si fem.

-Oy. Anong tinutungo tungo mo jan?

Si kiko. Lalapit na naman sya tapos mamaya iiwanan ako.

-Wala.

-Sus. Di nga? Selos ka samin ni naths?

Oo. Nagseselos ako.

-O dahil iniiwasan ka pa ni pascual?

Iniiwasan niya pa ko.

-Asa ka pang nagseselos ako. At no.. Wala akong pakielam kung lumalayo man si bernard sakin. I couldn't care less.

Tumingala ako para makita ko si kiko.. Nakatungo ako kanina diba? Pero parang nagunaw yung mundo ko nung nakita kong ang lapit lang samin ni chase. Nakatingin lang sya sakin na para bang galit. seryoso yung muka niya.. Narinig niya ko... hindi.. mali..

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon