Chapter23: A piece of the past.

643 20 4
                                    

Chapter 23:

[Helloooooooooooooo! Wala lang, wala akong makausap kaya kakausapin ko kayo, skip the a/n kung di niyo ko feel basta dadaldal ako. Last night, i cried myself to sleep. chos~ That's how affected i was sa binasa kong story. Grabe. maga yung mata ko at iyak ako ng iyak to the point na muntik pa kong humikbi hikbi. Ang sakit kasi eh. Pinatay si terrence :( Hindi ko lang matanggap. Naiiyak na naman ako. Basahin niyo yun! Sa 87 wattpad stories na nabasa ko, apat pa lang nakakapagpaiyak sakin. At ito yung malala kong iyak. Nakakainis. Yung una kong iniyakan she's dating the gangster kasi nga diba? Nakakaiyak naman talaga. Pangalawa yung my personal slave kasi namatay rin yung bidang babae kaya naiwan si william mag isa. Tapos yung 3w8l. Hindi ko kasi matanggap na hindi nagtagumpay ang patrelle loveteam kaya umiyak ako nun. patrelle kasi ako, hahaha. at ngayon, ito </3 Nakakainis bakit may mga author na kailangang pumatay ng bida diba? hindi ko talaga matanggap. Basahin niyo na nga lang, "A place in time."  ewan ko lang, pero malakas impact niya sakin eh.]

(At dahil namimiss ko na si mikko. This is it. Regular character na ulit sya mula sa chapter na to. Buo na ang plot ko. I've decided! MOAHAHAHA! tapos na po ang mga sili. The true story begins. XD Chos~ Basta. Eto na yun! This is really is it.. Though wala lang ata tong chapter na to. Kfine, ito na ang squirrel ng bayan)

(Mikko's Pov)

Nandito kami ngayon ni Nathalie sa Star City. Anniversary kasi namin, hindi ko rin alam kung bat ito yung pinila niiyang puntahan. Hindi naman kasi pasweet si naths eh, Maton nga yun eh -_- Under ako dun. So ayun nga, dahil nga matapang 'daw' tong girlfriend kong to. niyaya niya ko sa haunted house. Papasok na kami sa loob ng bigla niya kong hilahin.

-oy.. Bakit? Akala ko gusto mo sa haunted house.

Bigla akong napangiti. Sabi na nagtatapang tapangan lang tong babaeng to eh. Di ko talaga mapigilang mapangiti nun. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi, mahal ko talaga sya.

-Sabi na eh.. Nagtatapang tapangan ka lang. Tara na.. pumasok na tayo. Wag ka ng matakot bhie.

lalapit sana ko sa kanya nun para yakapin sya pero dinakma niya yung muka ko. Tss. sadista talaga to.

-Asa ka pang natatakot ako.

tinanggal ko yung kamay niya sa muka ko tapos hinawakan ko na lang. Mahirap na eh.. Baka mahampas pa ko nito.

-Ito. Nakakarami ka na ah? Eh bat mo ko hinila?

-Pikit ka.

-Bakit?

-PUMIKIT KA NA LANG!

Napangiti na lang ako sa kasungitan ng girlfriend kong to tapos hinalikan ko sya bago ko pumikit. Maya maya lang naradaman ko ng may sinusuot sya sakin kaya napamulat ako. Sinusuotan niya ko ng bracelet kaya napasimangot ako.

-SINABI KO BANG MUMULAT KA!?

-SABI MO WALANG MAGRERE..tss. sabi mo walang magreregalo? Ang daya nito oh?

niyakap niya lang ako bigla nun kaya niyakap ko na rin lang sya tapos napangiti ako, damn. i really love this girl.

-eh lagi kasing ikaw yung may regalo eh kaya ngayon, ako naman. basta ha? wag na wag mong huhubarin yan. Ayoko. pwede mo lang yan hubarin pag hindi mo na ko mahal. pag ayaw mo na sakin. basta..

-eh di habangbuhay ko na tong suot?

nginitian niya lang ako nun tapos hinalikan ko sya sa noo. Maya maya lang hinila ko na sya papasok sa loob. Magkahawak kamay lang kami nun, para nga kaming mga adik eh. Haabng yung iba kasi nagsisisigaw sa takot kami steady lang. Para lang kaming naglalakad sa buwan at ineenjoy yung moment.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon