Chapter18:Her past.

684 21 6
                                    

A/N: Hello! Time check, it's 2:47 na and i'm still awake. namamahay ako at hindi ako makatulog -.- at dahil jan, pinagtuunan ko na lang ng pansin si ericka at ang kanyang madramang buhay. So wala na si kiko, wala na si jonel. Bagong buhay, bagong lalaki. XDD or will it be? hahaha. ano sa tingin niyo ang mangyayari? Who will ericka and up with? Ako rin kasi hindi ko alam, though i ultimately miss my jonel babes. Haaaaay. Namimiss ko na yung pagsusungit at paglalambing niya kay ericka. yung mga banat niyang nakakatunaw at yung mga moment nila. I wish i could revive him. but sareee, no can't do :) Here's the short update :)

____________________

(Bernard)

Nasa may basketball court daw kami ng buong team ko ngayon. Naglalaro kami for the seasons cup. Ang higpit na ng laban at lamang ng dalawang puntos yung kalaban. Masyadong maingay sa loob ng gym dahil sa hiyawan ng mga tao. Kalaban pa namin ngayon yung pinakarival ng school namin. Bago pa kami sumalang sa larong to, kinausap ako ng president ng school na to na we can't afford to lose. Isang minuto na lang ang laro ng ipasa sakin ni Al yung bola. Libre ako dahil halos lahat ng kalaban dumepensa kay al.

I took a deep breath para makapagconcentrate. I need to shoot this. nasa three point line position ako. I bended my knees para makabwelo then went straight to shoot it. nasa may ere na yung bola and everyone was carefully watching kung mashushoot ko yung bola.. It's almost twelve inches from the ring ng biglang lumindol.... Lumihis yung ring dahil sa lindol at kasabay ng pagtunog ng bell ay ang pagtigil ng lindol..

Sobrang sumama ang loob ko sa nangyari. Naglapitan sakin lahat ng pwede lumapit at tiningnan ako ng masama.. Lahat sila sinasabi na kasalanan ko to. bakit daw ang bagal ko magshoot. kasalanan ko daw kung bat lumindol... Ang dami dami nilang sumisigaw at naninisi sa harapan ko..

-AAAAAAAAAAAH!! -----------ouch.

Napalingon ako sa paligid. Tungunu.. panaginip lang pala.. nalaglag pa ko sa kama ko. humawak ako sa kama ko para makatayo pero naramdaman kong may nagba-vibrate. Shet lang. Akala ko lindol.. Phone ko lang pala. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

naging abnormal na naman yung tibok nung puso ko nung makita ko na si ericka yung tumatawag.. tumignin din muna ko sa wall clock ko at nagulat na lagpas 12 na pero tumatawag pa sya.. Ano kayang problema?

-uh.. hello?

hello ako ng hello pero hindi sya sumasagot sa phone. Natatkot nga ko eh. baka pinagtitripan naman ako nito.

-ericka? huy!!

-*huk* ber.. bernard..

nataranta ko nung narinig ko syang umiiyak. napatayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig.

-uy.. ba.. bakit? bat ka umiiyak?

hindi sya sumasagot sa mga tanong ko sa kanya.. Iyak lang sya ng iyak hanggang sa naputol yung linya. tumatawag ako pero hindi niya sinasagot. paikot ikot na ko sa kwarto ko dahil sa kanya. Nag aalala ko.. Pano pag biglang may pumasok sa bahay nila? Nagtatago sya kaya hindi sya makapagsalita.. Baka may kung ano ng masamang nangyayari dun.

-Aaaish!! Bat ba ayaw mong sumagot!?

Sinisigawan ko yung phone ko tapos lumabas ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Bahala na nga.. Pupunta ko sa kanila. Kailangan ko syang makita. Ang bilis bilis kong magdrive kahit malayo yung bahay nila samin, Go lang. Kabang kaba na ko. bago ko bumaba ng kotse, tinext ko sya.

SMS1 To: EMV

White lady. nasa labas niyo ko. nag aalala ko. Please tell me if you're okay or not. Please lang.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon