Hi! Nakapangako ako na mag a-update ako kaya eto na. Baka sabihan na naman akong paasalord eh. Hahahahaha. Shoutout nga pala sa mga nabiktima ng pov ni jonel. Ang saya diba? XD Hahahahahahappy April Fool’s day! Nawa’y maligayahan kayo sa aking update. Bukas ulit pag madaming madaming comments! Yey! May nakilala akong bericka ang gustong end game! Hihihihi. To na nga, ingay ko na eh. <3 Medyo maiksi lang to, Comment vote! – Lay
____________________
Nung narinig ko yung sinabi ni Mikko, bigla na lang akong naiyak. Pakiramdam ko a part of me is falling apart. Para bang ang sakit. Gusto kong hayaan sya na bawiin ako.. Gusto kong bumalik lahat sa dati..
“Akin ka na lang ulit eka please...
Bawat sinasabi ni kiko, pakiramdam ko ipinapasok lahat sa utak ko lahat ng nangyari samin. Mula nung nagkakilala kami, hanggang sa umalis sya. At sa dami dami ng mga nangyaring yun, all I wanted is to go back to the day kung saan aalis na sana sya..
akin na lang ulit yung ngiti mo..
If only I tried harder to stop him…
ako na lang ulit mahalin mo..
Kung hindi lang sana ako pumayag na umalis sya, kung hindi ako pumayag na iwanan niya ko.. Eh di sana masaya kami ngayon..
Eka please.. bumalik ka na sakin..
Gustong gusto ko syang tanggapin pabalik sa buhay ko. Gustong gusto kong bumalik sa kanya. Gusto kong makita sya araw araw.. Gusto kong maramdaman ulit yung yakap niya. Oh, god.. I wanted to say yes.
Akin ka na lang ulit.
Pero hindi pwede…
“Eka.. please.. sumagot ka naman..”
Lalo kong naiiyak nung naramdaman kong umiiyak na rin si kiko. He was hugging me tighter. Pakiramdam ko binalik na naman kami sa araw na kailangan niyang umalis only this time, ako naman yung aalis..
“Tama na kiko.. please.. tama na..”
Kiko even cried harder nung sinubukan kong kumawala sa yakap ko sa kanya. Kahit ayokong mawala sya.. pinilit kong makawala sa yakap niya. The moment na nakita ko yung mukha niya para bang gusto kong punasan yung luha niya at bumalik na lang sa kanya.. Pakiramdam ko onti na lang babalik na ko sa kanya kaya nilabas ko yung wallet ko, left a bill at bago pa ko tuluyang bumalik kay kiko, tumakbo ako.
Lumayo ako at tumakbo.
Bawat punas ko sa luha ko tulo lang sya ng tulo. Takbo lang ako ng takbo. Bakit ganito? Bakit kailangan ko na alng laging masaktan? Bakit kahit anong takbo ko sa sakit, bakit pilit akong binabalikan nito? Bakit kahit anong takbo ko…
“Eka please… please wag ka nang umalis.. wag mo kong iwan eka..”
Nahahabol pa rin ako?
“Kiko ano ba!! Hindi mo ba naiintindihan.. Hindi na tayo pwede! Wala nang tayo kiko.. Hindi na pwedeng magkaron ng tayo!”
Hinablot ko kay kiko yung kamay ko tapos pinunasan ko yung luha ko na kahit anong punas ko, ayaw tumigil.
“Ipaliwanag mo sakin kung bakit hindi na pwede eka.. please..please ipaintindi mo sakin..”
Hindi ko masabi kay kiko kung bakit.. kung bakit hindi pwede. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong bumalik sa dati.. Lumapit sya sakin tapos pinunasan niya yung luha ko. Parehas kaming umiiyak pero hanggang ngayon ako pa rin yung inuuna niya. Luha ko yung pinupunasan niya..