Afraid of Falling In Love

248 41 15
                                    

PROLOGUE

Ang hirap mamuhay pag ang kinasanayan mong buhay ay nawala na parang kisap mata lang. Naiwan kami ni mama ng walang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin na iniwan na nga talaga kami ni papa.

Gabi gabi si mamang umuwi galing sa trabaho at walang gabi din nang 'di s'ya nagalit sa'kin. It's was a very painful pero nakuha kong kayanin sa murang edad.

Lumipas ang ilang buwan ng magsimula na si mama na magdala ng kung sino sinong lalaki sa bahay. Nakuha kong makitulog sa ibang bahay dahil sa takot na baka maulit ang ginawa sa'kin ng isang na lalaki na inuwi ni mama.

Gusto kong magalit dahil don pero 'di ko magawa dahil tumanim sa isip ko na baka 'yon ang paraan n'ya para makalimutan ang sakit na idinulot ni papa.

At the young age I'm starting to question, ano nga ba ang pagmamahal? Puro sakit ba dinudulot nito?

At that age I tell myself that I will protect myself from any pain that will cause me. Kahit na pagmamahal 'yan kung sakit lang din ang idudulot mas maayos na iwasan.

Nagising ako nang marinig ko ang marahan na pagbukas ng pinto kaya lumabas ako sa sariling kwarto para alamin kung sino ang pumasok pasado alas diyes na nang gabi.

“Ma, ikaw ba 'yan?” Tanong ko at binuksan ang ilaw sa salas ng bahay. “Kumain ka na po ba? Gusto n'yo po paghain ko kayo?”

“Naging masamang asawa ba ako?” Naibalik ko ang tingin kay mama ng marinig ko ang naghihirap n'yang magsalita. “Naging masamang Ina din ba ako?”

“Mama. Ma, lasing ka po?”

“Angela, anak. Patawarin mo si mama masyado lang akong nasaktan dahil sa ginawa ng ama mo sa'kin na kahit  ikaw ay nakalimutan ko para lang alagaan ang sakit at galit na nasa akin.”

Tuloy tuloy na umaagos ang luha sa makinis at malambot na pisngi ng nanay ko. Marahan kong hinaplos ang mga ito dahil matagal na panahon na nang huli kong mahawakan ng ganito si mama.

“Maayos lang sa'kin ma, ang mahalaga naibsan non ang sakit at galit mo. Mahal kita ma, na kahit magtanim ng sama ng loob sa'yo ay 'di ko magawa,” saad ko.

Lumuluha na rin ako kagaya sakanya kaya patago kong pinunasan ito.

“Ma, ayosin mo na sarili mo ah. Nahihirapan na'ko 'yong maganda mong anak, oh. Maayos pa 'yong magalit ka sa'kin araw araw pero 'yong ganito ka na 'wag ganito ma, ah.”

“Aayosin na ni Mama, 'nak, pangako.”

“Matulog ka na, Ma, alam kong pagod ka din maghapon.”

Inalalayan kong mahiga si Mama sa sofa at ng makitang maayos na ito ay pumasok ako sa kwarto n'ya para kunin ang kumot. Kumuha rin ako bimpo at maligamgan na tubig para malinisan ang katawan ni Mama.

Nang maayos na ang lahat ay bumalik na'ko sa sariling kwarto at hinayaan na rin ang sarili na makapag pahinga.

“Angela! Gising na may pasok ka pa,” rinig ko katok ni Mama sa pinto ko.

Minulat ko ang mata at wala sa sariling napatingin sa pinto. Nagtataka kung bakit bigla akong ginising ni Mama sa gayong wala sabado ngayon.

Ito na ba 'yong sinasabi ni Mama na aayosin n'ya? Kung oo man maraming salamat dahil matagal ko nang namimiss ang dating Mama na nakasama ko.

Nakangiting bumangon ako at nagayos ng sarili bago lumabas ng kwarto.

“Oh, ba't 'di ka pa nagpapalit ng uniform mo? Late ka na,” saad ni Mama ng napatingin ito sa'kin.

Nag aayos si Mama ng hapag kaya tumulong ako sakanya bago nakangiting sumagot.

“Sabado ngayon, Ma. Baka masobrahan ako sa talino n'yan at baka pati problema ng Pilipinas masagot ko na,” biro ko at bahagyang natawa.

Natawa din si Mama sa biro ko, 'di ko maiwasang 'di manibago sa nangyayari pero masaya ako. Masaya ako na kahit papano ay nakukuha na ni Mama na sumaya ngayon gaya ng dati.

Maayos ang naging almusal naming dalawa nakuha din naming gawin ang dati naming ginagawa pag kami ang naiiwan sa bahay. Umalis kami sa bahay kung saan kami iniwan ni papa, desisyon 'yon ni Mama para mas madali daw na makalimutan ang nangyari kaya ang tinutuluyan namin ngayon ay bahay na nabili ni mama gamit ang sariling pera n'ya na naipon n'ya sa pagtatrabaho bilang isang sekretarya.

Dumaan ang araw, buwan, naging maayos na talaga ang naging samahan naming mag ina.

Gigising ako sa umaga nang may agahan ng nakahanda 'di dati rati ay gigising ako ng maaga para makapagluto ng sariling pagkain at babaonin sa school.

Pero 'di pa rin nawala ang gabi gabing pag iyak ni mama dahil sa mga alaala na bumabalik sakanya. Gustuhin ko man s'yang yakapin ay 'di ko magawa dahil alam kong 'yon nalang ang ginagawa n'ya para maibsan ang sakit.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon