Chapter 12
Lunch na nang natapos ang meeting na 'yon. Nakakapagod din s'ya dahil malaki din pala ang perang bibitawan nila para sa pag invest kaya salitan ng opinion.
Pabalik na kami sa kompanya ng tumunog ang selpon ni Sir na nakalagay malapit sa'kin tumingin lang ako sakanya kaya kinuha n'ya ito at sinagot.
“Hello, yes. What? Okay, I'm on my way,” nagiba ang aura n'ya matapos n'yan ibaba ang tawag. Kita ko rin ang pag higpit n'ya ng kapit sa manibela. “Can you come with me? I'll just pick my brother up,” tanong nito sa'kin habang ang paningin nasa daan. Ramdam ko din ang alangan sa tanong n'yang 'yon kaya tumango ako bago sumagot.
“Sige po.”
Nagulat ako ng makapunta kami ni Sir sa isang presinto malapit dito sa isang malaking school, halata mo din dito na mga mayayaman ang estudyante dito dahil sa mga mamahaling sasakyan at mga bitbit na mga branded bag.
“Fuck this.”
Ito ang kaunaunahang marinig ko si Sir na mag mura, nilingon ko s'ya at nakita kong nakapikit s'ya habang sapo ang noo. Tumingin s'ya sa'kin bago tumango at ngumiti ng tipid.
Panay lang ang igting ng panga n'ya matapos ang tawag at ngayon naman na papasok kami ay dumilim na lalo ang aura n'ya.
Sumunod ako sa kan'ya papasok sa prisento. Kuyom ang kamao na pumasok s'ya dito kaya pinantayan ko bahagya ang paglakad n'ya.
May takot din akong naramdaman kay Sir dahil sa itsura nito ngayon.
“Where's Ethan Martinez?” Tanong n'ya sa front desk ng police station. Bahagya kong hinawakan ang braso n'ya para kahit papaano ay kumalma s'ya bahagya.
“Sir ka ano-ano n'yo po ba 'yong binata?” The man in front desk ask.
“Kapatid n'ya ho, Sir,” ako na ang sumagot dahil mukhang wala ng balak mag salita si Sir.
“Mag hintay muna po kayo Sir dito,” tumango naman ako at tumingin kay Sir na ngayon ay nakatingin lang din sa'kin.
'Di nag tagal lumabas din ang kapatid n'ya. Gulat pa itong napatingin sa'kin bago tuloy-tuloy na nag lakad palabas, sumunod naman kami agad. Napasinghap ako ng biglang kwelyohan ni Sir ang kapatid n'ya.
“Kuya put me down!” Takot na pakiusap nito sa Kuya n'ya pero tinignan lang s'ya nito ng matalim.
“Damn it!! Please grow up Ethan your not a kid anymore!!” Nauubusang pasensya na saad ni Sir.
Kinabahan ako para sa kapatid n'ya kaya lumapit ako dito dahil baka biglang masaktan n'ya. Pero may tiwala rin naman ako na 'di n'ya magagawa 'yon dahil kahit papano ay nakukuha n'yang kontrolin ang galit n'ya.
“Huminahon ka muna Sir.”
Huminga naman s'ya ng malalim bago tumingin sa'kin at tumango. Binitawan n'ya na rin kapatid na ngayon ay nakayuko na dahil sa hiya
“I'm sorry, I promise hindi na'to mauulit,” nagsusumamong sabi ng kapatid n'ya. “Hmm, I'm sorry too,” saad n'ya sa'kin at tumungo.
Hinawakan ko ang baba n'ya at inangat 'yon. “Okay lang saka dapat mag matured ka na kasi sa tingin ko hindi ka na little boy,” namula ang pisngi n'ya dahil sa huling sinabi ko. “Alam ko naman na 'di mo gustong mapunta sa ganitong sitwasyon.”
“Ethan can you do me a favor,” may pagsusumamong saad ni Sir sa kapatid.
“What it is?” Agarang tanong n'ya at tumingin sa likod ko.
“Don't you dare na bumalik sa lugar na'to, I'm worried about you, okay? I'm doing this because of you.”
“I understand, Kuya.”
Lumapit ako kay Sir at mahina s'yang kinalabit. “Understand daw.”
Tumango naman ito sa kapatid at bahagya ng ginulo ang buhok nito.
“Get in,” mahinahong ng sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto. “Kumain muna tayo, we will talk again later, Ethan.”
Hinayaan ko nalang na mag usap ang magkapatid, nagpahinga muna ako dahil napagod talaga ako kanina sa meeting. Marami rami pa rin akong gagawin mamaya pagbalik namin sa kompanya kaya pahinga muna ako.
Nagising nalang ako ng maramdaman kong 'di na kami nabyahe kaya dahan dahan ko ring binuksan na ang mata ko.
“Andito na tayo, nakapag order na rin si Ethan kaya kakain nalang tayo, let's go?”
“Kanina pa tayo dito?”
“15 minutes hinayaan lang muna kita para makapag pahinga ka,” nakaramdam naman ako hiya dahil sa nangyari. “It's okay, hmm.”
Tumango ako sakanya saka lumabas na ng sasakyan, sinabayan n'ya rin akong maglakad papasok sa isang malaking resto. Ginaya n'ya rin ako kung saan papunta mesa namin.
Bumungad sa'min ang kapatid n'ya na ngayon ay nagsisimula ng kumain, napangiti naman ako dahil sa itsura nito na punong puno ang bibig. Umangat ang paningin nito sa'min bago ngumiti.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...