CHAPTER 03

79 25 1
                                    

Chapter 03

“Hey, kanina pa tulala. Okay ka lang ba?” Napatingin ako kay Erick na ngayon ay nasa harapan ko na.

Simula ng nangyaring date ay 'di na n'ya ako tinantanan wala naman na'kong nagawa kundi ang hayaan s'ya sa gusto dahil meron din naman sa parte ko na gusto din ang ginagawa n'ya.

Ngumiti ako sakanya bago tumango.

“Ahm, what do you want for lunch?”

Alam kong alam n'ya na ayaw kong pag usapan ang kung ano man ang problema ko kaya iniba n'ya ang usapan.

“Lunch?” Pagtatanong ko ulit.

“Yeah, adobo? Sinigang?”

“Ikaw magluluto?” Excited na tanong ko.

“Kung gusto mo, bakit hindi?”

“Sinigang! Excited na'ko alis ka na para makapag luto ka agad, ingat!”

Napapailing na umalis ito pero may ngiti naman na nakaukit sa labi n'ya. Bumalik ako sa pagtatrabaho dahil marami rami din ang binigay na mga papel si Sir.

Ang bilis ng oras na kung dati ay puro ako pagsusungit kay Erick ngayon hinahayaan ko nalang s'ya sa kung anong gusto n'ya.

Hindi naman sa'kin malabo at talagang nilinaw n'ya na sa'kin na gusto n'ya ako.

Malapit na mag lunch kaya nag ayos na'ko sa sarili at inaantay nalang ang pagdating si Erick. Nasanay na rin ako sa paminsan minsan n'yang pag aya sa'kin na kumain sa place n'ya. Kung minsan din ay inaya ko na din s'ya sa bahay kaya kilala na din s'ya ng Mama ko.

'Di naman s'ya nahirapan pakisamahan si Mama dahil 'yong iniisip ko na baka magalit si Mama ay kabaliktaran. Tuwang tuwa si Mama ng makilala n'ya si Erick.

“Let's go?” Tumango ako sakanya at tumayo na kahit sa pag tayo ay inalalayan n'ya pa rin ako.

“Tssk, kahit sa pag tayo nakaalalay ka,” saad ko ng makapasok kami sa elevator.

Natawa naman s'ya sa'kin at humawak sa bewang ko napatingin ako don bago nilipat ang tingin sa mga kasama naming katrabaho. Ngumiti ako sakanila para 'di sila mailang sa'min.

Ganito naman ang eksena namin pag naglalakad kami o kung nasa elevator kami, hahawak s'ya sa bewang ko.

“Inggit sila,” bulong sa'kin ni Erick ng makalabas kami.

“Saan?”

“Sa ganda mo,” umiling nalang ako sakanya.

Nakarating kami sa sarili n'yang condo nakahain na ron ang pagkain na gusto ko kaya naman ngumiti ako sakanya at nauna ng umupo.

S'ya ang naglagay ng kanin sa plato sinunod n'ya naman ang tasa na lagyan ng sabaw tumikhim ako don at agad na nalasahan ang asim ng sinigang na sampalok.

“Masarap?” Tanong n'ya sa'kin na tanging sagot lang ang nakuhang sagot sa'kin dahil punong puno ng kanin ang bibig. “Buti naman akala ko kasi 'di mo magustohan.”

“Bakit naman hindi ko magugugtohan?” Nagtatakang tanong ko ng mawalan na ng laman ang bibig.

“Kasi—wala pala,” umiling ito sa'kin at nagsimula na rin kumain.

Tumango nalang ako saka bumalik sa pagkain tahimik na kaming kumakain ngayon patingin tingin s'ya sa'kin para bang may gustong sabihin pero mukhang may pumipigil.

Tumikhim ito saka uminom ng tubig. “Angle pwede ba akong manligaw sa'yo?”

Naiwan sa ere ang kamay ko dahil sa sinabi n'ya.

“Huh?”

“Kung pwede ba ka ko manligaw,” nakangiti na s'ya sa'kin nawala na ang hiya.

“'Di ka pa nanliligaw na lagay na 'to?”

“Hindi pa, gusto mo pakitaan kita kung pa'no ako manligaw?”

“Sige nga pakitaan mo'ko,” naghahamong saad ko kaya napanganga s'ya.

'Di inaasahan ang magiging sagot ko.

“Seryoso?”

“Seryoso, mukha ba akong clown?”

Natawa s'ya bago lumapit sa'kin at humawak sa kamay ko. Ngumiti naman ako sakanya dahil sa sayang pinakikita n'ya sa'kin ngayon.

Humawak din ako pabalik sa kamay n'ya pinakita na masaya din ako.

“Asahan mo na aalalagaan kita at ituturing na parang prinsesa, thank you,” saad n'ya.

Tumango ako sakanya bago nagsalita. “Thank you din.”

“Pangako hinding hindi kita sasaktan.”

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon