Chapter 19
Naging mabilis ang araw para sa'kin ito na ang huling araw na makikita ko ang Mama, ito na din 'yong araw ng libing n'ya ang sakit na makita mo 'yong nagiisang tao na naniniwala at sumusuporta sa'yo ay nakahimlay na.
Ang bigat sa dibdib ang bigat bigat. 'Di ko na alam kong saan na'ko mag sisimula ulit 'yong dating makulay na buhay ko bumalik sa dating madilim ulit mangangapa ulit sa pagmamahal.
Palihim kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko, nakatayo ako malapit sa ataul (coffin) marahan kong sinahaplos ang salamin kitang kita mo dito ang mukha ni Mama na maaliwas parang tulog lang ito pero s'ya 'yong tulog na hindi na kailanman magigising.
Napaangat ang tingin ko nang mag salita si Laurent sa tabi ko. “Cheer up,” simula nang maiburol sa Lola 'di na n'ya ko iniwan, at simula din non 'di na s'ya umalis sa tabi ko kahit papaano ay gumagaan ang loob ko. Tumingin s'ya sa mata ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “It's okay to cry, I'm here 'di kita iiwan.”
“Thank you,” mahinang sagot ko. “Where's Vince?” Tanong ko sakanya kaya may nakita akong dumaan na emosyon sa mata n'ya pero 'di ko na inintindi 'yon at hinanap nalang ang matalik na kaibigan.
Iniwan ko s'ya at naglakad palabas ng bahay napangiti naman ako nang makita ko si Vince na tumutulong mamigay ng makakain sa tao. Naglakad ako papunta sakanya 'di n'ya ako nakita dahil abala s'ya sa ginagawa.
“Angela!” Rinig ko na tawag ni Ate Sarah kaya lumingon ako sakanya at ngumiti nakita ko pa na may sinabi s'ya sa kausap bago ito talikuran at naglakad palapit sa'kin. “You okay? Ilang oras nalang hahatid na natin si Tita sa huling hantungan n'ya,” malungkot na saad n'ya at niyakap ako.
“Yeah, I'm okay. 'Wag ka na mag alala sa'kin kasi 'di naman ako pinapabayaan ni Laurent,” sagot ko at yumakap din sakanya pabalik.
“Ilang araw ka na 'di umiiyak,” humiwalay ako sa yakap n'ya at hinarap s'ya lumuluha na ito ngayon bakas na din ang pagaalala sa mata.
Nanubig ang mata ko kaya tumingin ako sa langit at huminga nang malalim. “Ayaw ni Mama na umiiyak ako,” tipid na sagot ko.
Pagkatapos ng nangyari sa hospital ay 'di ko hinayaan ang sarili ko na umiyak ng umiyak, dahil alam kong 'di 'yon magugustohan ni Mama. Kaya kahit mahirap ay kinaya ko.
“Pero-”
“Hush!” Pagpapatahimik ko sakanya at humarap kay Vince na ngayon ay nasa tabi ko na. Napatingin ako sakanya at ngumiti napangiwi naman s'ya nang maramdaman ang kamay ko sa tagiliran n'ya napangisi naman ako nang kurutin ko s'ya.
“Aww,” daing n'ya at inalis ang kamay ko. “Para saan 'yon?” Nakamgiwi n'yang tanong.
“Ahm, wala?” Napailing nalang s'ya sa sagot ko at ngumiti narinig ko naman ang mahinang tawa ni ate Sarah.
Umalis sila dahil marami pa daw tao ang dumadating sinubukan ko na din tumulong pero pinatigil nila ako pero 'di ako nakinig.
Papasok na'ko nang makita ko si Laurent at Vince na nag uusap malapit sa veranda wala na sana akong balak na makinig ng marinig ko ang pangalan ni Lea.
“Kamusta ex mo?” Malamig na tanong ni Vince kay Laurent 'di ko makita ang mukha nila dahil nasa bandang likod nila ako.
Humarap muna si Laurent kay Vince bago ito sinagot sa mas malamig na tono. “She's okay now,” inalis nito ang tingin kay Vince at hinarap ang veranda
“Good to hear,” maikling saad nito. “You know that I love-” hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Vince nang tumalikod na'ko don naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...