CHAPTER 30

10 3 0
                                    

Chapter 30

Andito ako ngayon sa labas ng kompanya ni Laurent nag iisip na kung kakausapin ko ba s'ya para makapag paliwanag o aalis nalang. Tinignan ko ang oras sa hawak kong selpon nahugot ko ang hininga ko nang may nag salita sa likod ko.

“What are you doing her?” Malamig na tanong n'ya sa'kin kaya naman pumihit ako paharap saka n'ya pero 'agad ding nag sisi nang makita ang walang emosyong n'yang mata.

“Love, let's talk,” matapang na saad ko habang nakatingin sa mga mata n'ya.

“Nalinaw na ang lahat sa'kin niloko mo'ko!” Galit na singhal n'ya sa'kin habang nakatiim ang bagang. “Niloko mo'ko.”

"Hindi, hear me out, please. Hindi gano'n 'yon alam mo naman 'di ako gano saka mahal—” sarkastiko s'yang tumawa at tumingin sa'kin ng matalim napaatras naman ako sa takot.

“Get lost,” malumanay na saad n'ya ng matauhan siguro sa ginawa. “I said get fucking lost, tapos na tayo simula ngayon,” saka n'ya ako tinalikuran.

Para akong nauubusan ng hininga sa sinasabi kaya naman naupo nalang ako sa lugar kung saan n'ya 'ko iniwan.

Paulit ulit akong sinaksak sa huling salitang binitawan n'ya, bakit parang ang dali? Bakit parang ang dali saka n'yang sabihin 'yon?

Sunod sunod ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinigilan ng magkaharap kami.

Tapos na tayo simula ngayon.

Tapos na tayo simula ngayon.

Tapos na tayo simula ngayon.

Paulit ulit na nag echo sa utak ko ang mga salitang binitawan n'ya sa harap ko.

Pinilit kong inaayos ang sarili kahit na nahihirapan, tumayo ako dahan dahan na naglakad habang pinunasan ang luhang wala pa ring tigil sa pag tulo.

May nadaanan pa ako na katrabaho ko kaya naman ngumiti ako ng tipid na naging dahilan upang mas bumigat ang nararamdaman ko. Akala ko hindi n'ya ako susukuan pero potangina anong ginawa n'ya ngayon? Ni hindi nga n'ya pinakingan ang paliwanag ko.

Naupo ako sa gilid ng kalsada at tumingala sa langit na ngayon ay unti unti nang natatabonan ang maliliwanag bituin na tila ba uulan.

I smiled weakly. Pati langit nakikisabay sa nararamdaman ko.

Natawa nalang ako ng mapait ng biglang bumuhos ang malakas na ulan mula sa langit.
Nakatingala ako sa langit habang nakapikit ang mga mata hindi ko pinansin ang mga luhang tuloy pa rin ang pag agos kasabay ng pag tama ng ulan sa mukha ko.

Pwede pa bang bumalik sa dati?

Naimulat ko ang mga mata ko ng hindi ko na maramdaman ang tulo ng ulan sa mukha ko, kaya naman pala kasi nakatayo si Vince sa harap ko habang nakahawak ng mahigpit sa payong at seryosong tumingin sa'kin.

“Get up, fix your self, Angela,” seryosong ani n'ya at inabot sa'kin ang kamay.

Tumango naman ako at tinanggap ang kamay n'ya nagulat ako ng bigla nalang n'ya akong hatakin at yinakap ng mahigpit.

“Mag kakasakit ka nito,” humiwalay na s'ya at yakap at tinignan ang kabuoan ko narinig ko naman ang malalim na buntonghinga n'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay. “Tara na?” Tanong n'ya sa'kin kaya naman tumango nalang ako at humawak din pabalik sa kamay n'ya.

Nahiga ako sa kama ng may mabigat na pakiramdam, nagulat ako ng maramdaman ko ang likod ng palad ni Vince na tumama sa noo ko at leeg.

“Ang init mo na,” tumango nalang ako siniksik ang sarili sa comforter.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon