CHAPTER 28

11 3 0
                                    

Chapter 28

“Hi, Ate Lea, how are you?” Pag iiba ni Cath sa ihip ng hangin.

Bumaling naman sakanya si Ate Lea at ngumiti.

“Okay lang ako, ikaw?”

“Okay naman ako, Ate,” sagot ni Cath at humalik sa pisngi ni Ate Lea.

Nang maging okay ang hangin sa loob ay sinabi ko saka n'ya ang nangyari bago ko makita si Rafa nakwento ko na din kung paano ko nakuha si Rafa.

“Okay, pwede ko ba s'yang makita?” Tanong n'ya kaya naman tumango agad ako.

Papasok na kami sa kwarto kung saan s'ya hinatid ni David pero napatigil ako ng makita kong nakaupo s'ya sa gilid ng pinto habang hawak hawak ang cap n'ya.

“Gising na pala ang baby ni Mama,” sabi ko ng makitang nakatingin s'ya sa'kin.

“Mama!” Sigaw n'ya at tumakbo palapit sa'kin. “Akala ko iniwan n'yo na'ko,” umiiyak na saad n'ya kaya naman binuhat ko s'ya at pinaupo sa kama.

“Bakit naman gagawin 'yon ni Mama?”

"Pag nakakatulog kasi ako iniiwan ako nila Tita sa kwarto tapos minsan din kinukulong ako,” sagot n'ya sa'kin habang mahigpit pa din ang yakap.

“Hindi gagawin ni Mama 'yon,” pagpapatahan ko. “May bagong tita ka na naman,” masayang sabi ko ng humiwalay s'ya sa'kin.

“Talaga Mama? Wow, I'm having a big family na,” napangiti nalang ako ng biglang lumiwanag ang mukha n'ya ng sabihin ko 'yon.

Matapos magpakilala ni Ate Lea kay Rafa ay agad din itong umalis pero sinabi n'ya sa'kin na magkita kami sa park kung saan kami ng usap, halos hindi ako matulog ng maisip na malalaman na ni Ate Sarah ang katotohanan.

Dito na din ako natulog sa bahay ni Laurent, ayaw magpaiwan ni Rafa kaya naman tumabi nalang ako saka n'yang matulog, nagulat pa'ko ng bigla s'yang sumigaw, kinakabahan ako no'ng una pero ng magising s'ya 'agad s'yang yumakap sa'kin.

Gano'n ba kalala ang karanasan n'ya para pati sa bangungot humingi s'ya ng tulong, tahimik kong pinunasan ang luha ng makita ko ang sarili kay Rafa. Ang pinag kaiba lang namin ay ang Tita n'ya ang nananakit saka n'ya samantalang sa'kin ay mismong magulang ko.

Andito na ako ngayon sa pinagusapan naming lugar, medyo napaaga ako kaya naman naupo nalang ako sa bench habang tumitingin sa mga taong may mga masasayang ngiti sa mukha mga batang kumikislap ang mata sa sobrang saya habang ang mga magulang naman nila ay natatawa sa kakulitan ng mga anak.

Napangiti nalang ako ng makita ko ang mukha ni Rafa na nakangiti, iniwan na muna namin s'ya kila Cath habang ako at si Laurent naman ay may inaayos.

Tumayo ako ng makita ko ang papalapit na si Ate Sarah sa direksyon ko, nagtaka naman ako ng makita ang galit na emosyon sa mukha n'ya 'agad na nakita ko si ate Lea na papalapit din sa direksyon ko.

“Calm down, Sarah!” Sigaw ni ate Lea pero hindi s'ya pinakingan ni ate Sarah. “Angela come here!” Naglakad ako palapit sa direksyon nilang dalawa.

“Pinagkaisahan n'yo akong lahat!” Galit na sigaw ni ate Sarah sa'min. “Nang dahil sa inyo iniwan ako ni mama!! Nang dahil din sa inyo nasira ang buhay ko!” Sinubukan kong lumapit kay Ate Sarah pero tinulak n'ya ako. “Ba't hindi mo agad sinabi sa'kin?” Umiiyak na tanong n'ya habang nakatingin sa'kin.

“Kamakailan ko lang din nalaman,” sagot ko saka n'ya at mabilis na yumakap.

“Bitawan mo'ko! Bakit. . . Bakit hindi n'yo agad sinabi?”

“Natakot ako. . . . Natakot ako na baka pag nalaman mo magagalit ka sa'min o sa'kin.”

“Natural na magalit ako kasi kayo 'yong dahilan kong bakit ako iniwan ni Mama kung bakit pinabayaan n'ya 'ko,” tuluyan ng napaupo si ate Sarah sa lupa habang malakas na humahagulhol.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon