CHAPTER 34

7 2 0
                                    

Chapter 34

Inabot na'ko nang madaling araw bago nakatulog. Dalawang oras o mahigit lang ang naging tulog ko dahil sa sunod sunod na pag tunog ng bell. Inis akong bumangon sa kama at basta nalang pinuyod ang buhok hindi na'ko nag abalang maghilamos dahil ang ingay ng doorbell.

Handa na sana akong bulyawan ang pumipindot ng doorbell ng maramdaman kong umatras ang dila ko na parang takot na takot.

“Good morning! Kasama ko s'ya may meeting daw s'yang kailangan puntahan malapit dito,” paliwanag ni Vince ng makita ang mukha ko, tumango naman ako at nilawakan ang bukas ng pinto.

Iniwan ko muna sila sa sala at tumakbo papuntang cr para tignan ang mukha, napamura ako nang makitang halata sa mata ko ang bagong gising. Nag toothbrush ako at naghilamos ng mukha inaayos ko na ang buhok ko, nakapag palit na din ako nang komportableng damit bago lumabas.

Nakita ko naman si Ate Lea na naghahanda na nang breakfast kaya tinulungan ko na s'ya, tahimik lang ang lahat na para bang tinatantya ang mga galaw namin, naramdaman ko din naman ang tingin ni Laurent pero hindi ko pinansin.

“Kain na tayo,” basag ni ate Sarah sa katahimikan.

“Kumain ka muna bago ka umalis,” napalingon ako kay Ate Lea bago nilipat ang tingin kay Laurent, nag iwas ako ng tingin nong tumango s'ya at naglakad palapit sa'kin sa mesa pa

Napasinghap ako ng maramdaman kong nagtama ang braso namin, suminghot din ako nang maamoy ko ang pabango n'yang hindi masakit sa ilong.

Umayos ka Angela!! Get your ass self!!

Pinilig ko nalang ang ulo at nagsimula nang kumain unti lang ang niligay ko sa pinggan dahil sa busog pa naman ako bahagya n'ya akong nilingon bago bumagsak ang tingin sa plato ko.

Problema mo?

Nakita ko ang pagdaan ng irita sa mata n'ya, uminom nalang ako sa tubig ko at pinanood silang kumain ng tahimik.

Ano kayang magandang gawin ngayon?

“Gusto ko mag snorkeling,” biglaang sabi ni Vince habang nakatingin sa'kin, tinaas ko naman ang kilay ko bago tumango. “Anong oras meeting mo?” Napatingin ako sa kinaruruonan ni Laurent habang inaantay ang sagot n'ya.

“8:30,” malamig na sagot n'ya at bahagyang tinignan ang relo na naka lagay sa kaliwang kamay. “I have to go. Thank you for breakfast,” biglang sabi n'ya at tumayo na napatayo naman ako sa hindi malamang dahilan, napayuko ako nang makita kong taka s'yang tumingin sa'kin.

“Magpapalit lang ako ng damit,” kinakabahang saad ko at tumalikod na sa kanila.

Napahawak ako sa dulo ng kama nong manglambot ang mga tuhod ko.

“Shit! Ano 'yon? Self, ano 'yon?” Iritang tanong ko sa sarili bago sinuot ang puting cropped top na tinernohan ko nang high waisted na short. Naka suot din ako ng blue two piece hinayaan ko din na naka lugay ang mahaba at maitim kong buhok.

Naglalakad lakad muna kami no Vince sa raving dagat, masyado daw s'yang nabusog sa breakfast. Napagod na'ko sa pag lalakad kaya umupo ako sa buhangin tahimik lang din s'yang umupo.

“Aalis daw kayo pag katapos ng maikling bakasyon na'to,” mahinang sabi n'ya kaya nilingon ko s'ya at ngumiti.

“Oo. Gusto ko muna malayo sa kan'ya kahit sandali lang. Sa t'wing nakikita ko kasi s'ya umaasa ako na maguusap kami mag aayus kami. Gano'n,” tumawa pa'ko ng maikling ng sabihin ko ang huling salita. “Pero hindi kaya ayon nasaktan na naman ako.”

“Sa dinami dami kasi ng minahal mo pinsan ko pa,” umiwas s'ya ng tingin sa'kin.

“Kung pwede ngang ikaw nalang ang mahalin ko ginawa ko na kaso hindi eh,” nangilid ang luha sa mata ko nang sabihin ko 'yon. “Desisyon ang puso ko e,” pahabol ko pa.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon