Chapter 13
Matapos naming kumain ay hinatid namin si Ethan sa bahay nila. Nagsabi din ito na 'di muna papasok at kakausapin daw n'ya ang Ate n'ya. Bunso pala sa magkakapatid si Ethan kaya ganon nalang ka spoiled sa mga kapatid.
Yumakap ito sa'kin kaya natuwa ako, matagal ko din kasing hiniling kay Mama na gusto kong kapatid pero tanging ngiti lang ang sinasagot n'ya sa'kin.
Nakuha pa sa'kin magpatulong ni Ethan, subukan ko daw kumbinsihin na 'wag s'yang bibigyan ng bodyguard. Natawa nalang ako dito dahil sa angking kulit ng batang 'yon.
“Angela,” tawag sa'kin ni Sir kaya naman umayos ako ng upo at humarap sa kan'ya.
Ito ang kaunaunahang tinawag n'ya ako sa pangalan ko, hindi ko alam kung nag hallucinate lang ako o ano pero parang ang ganda ng pangalan ko pag s'ya ang nagsasabi.
“Po?”
“Sorry, ganon talaga si Ethan makulit lalo na pag magaan ang loob n'ya sa isang tao,” saad nito habang nakatuon ang paningin sa daan.
Pabalik na kami sa kompanya, may kinuha rin kaming nga papers sa table n'ya don sa bahay nila na kailangan ko daw ireview.
Ngumiti naman ako bago nagsalita. “Okay lang 'yon, Sir.”
“I'm planning na ipadala s'ya sa US,” biglang saad n'ya.
“Kung sa ikabubuti n'ya rin naman 'yan siguro maiintindihan n'ya.”
“Yeah, thanks for coming with me,” huling sinabi n'ya bago kami pumasok. Ngumiti naman ako saka nagtungo na sa mesa.
Napapadalas na ang pagngiti n'ya sana tuloy tuloy na 'yon.
“Psst, Angela. Saan kayo galing? Ang gaan ata ng aura ni Sir ngayon,” natawa nalang ako sa itsura ni Ate Sarah.
Naglalakad ito palapit sa'kin may hawak ding tasa, malamang ay kape ang laman.
“Ay wow, may patawa tawa pa, saan nga?”
Umiling ako kay sakanya bago tumayo at kunin ang ilang papers na kailangan na ngayon ni Sir. Umirap ito sa'kin kaya umiling ulit ako. Masyado pa naman s'yang malisyosa.
Naglakad ako papasok sa opisina ni Sir, iniwan si Ate Sarah na ngayon ay nakaupo sa mesa ko at masama ng tingin sa'kin.
Kumatok muna ako dito bago pumasok, nakita ko naman s'ya na abala sa laptop n'ya at mga papel na nakapatong sa mesa n'ya. Halata na rin ang pagod sa mukha n'ya dahil sa dami ng ginagawa.
Lumapit ako sa mesa n'ya para ilapag ang paibagong gagawin n'ya. Umangat ang tingin nito sa'kin kaya ngumiti ako.
“Kape?” Tanong ko sakanya na agad din naman n'yang tinanguan.
Lumabas ako ng opisina n'ya para pumunta sa area kung saan nakalagay ang mga kape, baso, at kung ano pa na kailangan. Kumuha ako ng maliit na tasa at agad na tinimplahan 'yon ng black coffee, 'di ko rin pinatamis ng masyado dahil baka ayaw ng ganon.
Bumalik ako para maihatid na ang kape n'ya, 'di na n'ya inangat ang paningin sa'kin kaya inilapag ko na 'yon malapit sakanya.
Tinapos ko na rin ang trabaho ko kaya 'di ko na namalayan ang oras, gabi na pala. Sinilip ko naman si Sir sa opisina n'ya at ganon pa rin posisyon nito pagkahatid ko ng kape n'ya.
Tinignan ko rin si Ate Sarah kung andito pa kaya naglakad ako palapit sakanya para magtanong kung pwede ko bang pahatiran ng pagkain si Sir.
“Andito ka pa?” Gulat na tanong n'ya sa'kin ng nakalapit ako sa mesa n'ya.
“Oo, dami kasi ginagawa. Pwede ko ba pahatiran ng pagkain si Sir?” Tanong ko agad sakanya. Tumingin muna s'ya sa'kin ng nangaasar bago tumungo tango sa'kin. Inirapan ko naman s'ya bago tumalikod at pumunta sa ibaba.
Sana bukas pa. 'Di ko pa naman alam kung anong oras 'to nagsasara. Napahinga ako ng malalim ng makitang bukas pa 'to.
Wala na'kong sinayang na oras at sinabi na 'yong sadya. Ngumiti naman ito sa'kin bago tumango. Nagpasalamat pa'ko bago bumalik ulit sa trabaho.
Overtime muna ako ngayon ang dami ko lang gagawin.
'Di naman nagtagal naihatid na nila 'yong pagkain ni Sir.
Napatingin ako sa selpon ko at naisipan kong tawagan si Mama na late na'ko makakauwi ngayong gabi.
“Ma, kumain ka na?” Bungad ko sa tawag ng masagot n'ya 'yon.
“Oo na, ikaw? Gabi na ah. Ano oras ka uuwi?”
“Gagabihin ako masyado, Mama. 'Wag mo na'ko hantayin mag pahinga ka na.”
“Ganon ba?”
“Opo, nainom ko na ba gamot mo?”
Napatingin ako sa opisina ni Sir ng makitang bumukas ang pinto nito at lumabas s'ya.
“'Nak, ingat ka sa pag uwi mo,” rinig ko saad ni Mama sa kabilang linya bago naputol ang tawag.
“Did you eat your dinner?” Tanong nito sa'kin ng nakalapit na sa'kin. Umiling naman ako agad. “Nagpahatid pa'ko ng pagkain kaya sabayan mo na'ko.”
Wala sa sariling napangiti nalang ako dahil sa sinabi n'ya.
May mga kung ano na rin akong nararamdaman sa loob ng tiyan ko dahil simula kanina na hinayaan n'ya akong matulog kahit pwede n'ya naman akong gisingin pero hindi n'ya ginawa dahil mas pinili n'ya hayaan akong makapag pahinga.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romans(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...