EPILOGUE

19 2 0
                                    

EPILOGUE
                                 
LAURENT PERRIER MARTINEZ'S POINT OF VIEW


Maghapon kaming walang ayos na usap ni Angela dahil sa meetings na sunod sunod. Tiningala ko ang orasan sa loob ng conference room, agad na kumawala ang butong-hininga ko ng makitang late na. At alam kung nakauwi na 'yon.

“Adjourned,” pagtapos ko ng meeting.

Dali dali akong umalis sa room na 'yon para puntahan ang mesa ni Angela pero wala along naabutan.

Sinubukan ko pang tawagan ang selpon n'ya pero walang sumasagot kaya dagli akong bumaba papunta sa parking. Bago pa man ako pumasok ay lumapit ako kay Manong Guard.

“Good evening, Sir,” tumango naman ako sa kan'ya.

“Nakita mo ba si Angela?” Tanong ko.

“Opo, tinanong ko pa nga si ma'am kung gusto n'yang hanapan ko s'ya ng taxi pero tumanggi po s'ya,” nangunot ang noo ko pero agad din 'yon napalitan ng pangamba ng magpatuloy s'ya. “Nakita ko s'ya na sapilitan na sinakay ng isang babae sa sasakyan.”

Tinapik ko nalang ang balikat n'ya at mabilis na pumasok sa sasakyan. Sinubukan ko s'yang tawagan ulit ng ilang beses pero tanging ring lang naririnig ko. Binato ko ang selpon sa kung saan ng dahil sa inis at pagaalalang nararamdaman ko.

Mabilis ang patakbo ko papunta sa bahay na tinutuluyan n'ya. Wala ring pasintabing pinarada ko ang sasakyan sa gitna ng daan. Mariing akong kumatok sa gate habang humahangos.

“Hey, why?” Mahinang tanong ni Lea.

“And'yan na ba si Angela?”

“Wala, bakit? 'Di pa nag paalam sa'yo na uuwi?” Napahilamos ako gamit ang mga kamay.

“Fuck!”

“Calm down, tatawagan ko lang s'ya. Wait me here,” saad n'ya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

“Where are you?” Nanghihinang napaupo ako sa tapat ng gate nila dahil sa lubos na pagaalala.

“Laurent, the hell!” Tumayo ako at humarap sa kan'ya.

“Na contact mo?”

“Puro lang ring,” sagot n'ya habang may pinipindot sa selpon.

“Hahanapin ko lang s'ya, stay her.”

Hindi ko na inantay ang sagot n'ya at mabilis na pumasok sa sasakyan at pinaharurot 'yon sa kung saan. Madaling araw na ng makatanggap ako ng text mula sa unknown number.

Nag alangan pa akong bubuksan ba 'yon o hindi pero sa huli binuksan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita, isang lalaki na tulog at si Angela na nakayakap sa kan'ya habang mahimbing din ang tulog. Nakasulat do'n sa ibaba ng picture ang isang pangalan ng sikat at malayong hotel.

Nakasalubong ko pa si Lea pero hindi ko s'ya pinansin dahil sa galit at selos na nararamdaman ko. Sumakay ako sa kotse at marahan na pinunasan ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko.

Why? I'm not enough? I'm not worth it?

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko habang papunta sa lokasyon n'ya. Nang makarating ako mabilis kong inayos ang sarili, inalis ko ang emosyon sa at pinalitan 'yong ng malamig pa sa yelo.

Galit man ay pilit kong kinalma ang sarili, ngunit hindi ko napigilan ay marahas at malakas na katok ang ginawa ko sa kwartong tinutuluyan n'ya scratch it nila.

“Open this goddamn door, Angela!!” Malakas na sigaw ko habang marahas pa rin ang katok. “Where's your fucking boy?!” Galit na tanong ko at walang pasabing pumasok sa loob. “Where's he?!!” Tanong ko ulit at malakas na sinipa ang sofa.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon