CHAPTER 31

10 4 0
                                    

Chapter 31

“Sino nga kasi ang gagong bumugbog sa'yo?” Tanong ko ulit sa pang tatlong pagkakataon, andito kami sa bahay ginagamot ang pasa n'ya.

“Hys, hindi ko 'yon kilala e,” sagot n'ya sa'kin pero nakaiwas ang tingin.

Huminga nalang ako nang malalim bago tinapos ang pag gamot.

“Makapag luto na nga lang," bulong ko saka binitbit ang mga ginamit.

“Tulungan na kita," binigay ko naman sa kan'ya ang hawak ko bago tinungo ang kusina para makapag hanap ng pwedeng maluto.

Tahimik lang kami ni Vince hanggang sa matapos kaming kumain, nagtataka din ako sa mga galaw n'ya ngayon kaya naman hinarap ko s'ya habang seryosong nakatingin sa mata.

Nagulat s'ya nang mapaharap s'ya sa gawi ko, agad din naman s'yang nakabawi saka umiwas ng tingin.

“May tinatago ka ba?” Tanong ko habang nanliliit ang mata, bahagya s'yang natigilan at umiling. “Vince?” Mahinahong tanong ko ngayon kaya naman nilingon n'ya na'ko.

“Wala nga—

Tinignan ko s'ya nang masama kaya naman napatigil s'ya sa pag salita. Bumuntong-hininga nalang ako at 'di na nagtangkang tanongin pa.

“Magpapahinga na'ko,” paalam ko at nag lakad na papasok sa kwarto.

“Uuwi na din ako maya maya,” tumango nalang ako na para bang nakita n'ya.

Madaling araw na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, lahat na atang posisyon sa pagtulog ay nagawa ko na.

Bumangon na'ko at nag bihis ng pang jogging, nagsuot din ako nang jacket para labanan ang lamig sa labas.

Sinuot ko ang headset bago magsimulang tumakbo nagulat ako nang makita ko na madami din tumatakbo katulad ko.

Nakaupo ako sa isang bench habang pinapanood ang unti-unting pag angat ng liwanag.

Panibagong araw panibagong pagsubok na naman, girl!

Nang lumiwanag na ay tumayo na'ko at umuwi para maligo at pumasok sa trabaho.

“Good morning,” nakangiting bungad sa'kin ni Shane nang magkasabay kaming pumasok sa elevator.

“Good morning,” bati ko pabalik sa kan'ya.

Naging tahimik ang trabaho ko hanggang sa may dumating na isang magandang babae na may kasamang parang designer at isang bakla na kung titignan mo ay mataray at agad kang iirapan.

“Nasa loob ba si Lauren?” Magalang na tanong n'ya sa'kin.

Nakangiti naman akong bumaling sa kan'ya. “Hmm, yes, nasa loob,” nginitian n'ya naman ako at lumingon sa kasama.

“I'm excited," she said while giggling.

“Me too sis,” sagot ng isang bakla na medyo maamo ang mukha. “Bakla ano? Iikot mo nalang ba 'yang mata mo?”

Lumingon naman sa kan'ya 'yong mataray na bakla at inirapan s'ya bago nanguna mag lakad papasok sa opisina ni Sir.

Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko simula nang pumasok sila, mag iisang oras na pero hindi pa din sila lumalabas.

Kinakain na din ako nang kuryosidad ko, kong bakit may designer na silang kasama at kung sino ang magandang babae na 'yon.

Nang hindi ko na talaga nakayanan ay pumunta na'ko kay Shane para mag tanong.

“Psst,” tawag ko sa kan'ya.

“Huh? Bakit?” Takang tanong n'ya sa'kin at lumapit.

“Kilala mo ba 'yong mag pumasok kanina sa opisina ni Sir?” Mahinang tanong ko.

“'Yong babae hindi pero 'yong mga kasama oo,” sagot n'ya naman agad habang ang tingin ay nasa pinto ng opisina.

“Sino ba 'yong mga kasama?”

“Wedding organizer ata, hindi ko din sure eh,” napakamot pa s'ya sa noo dahil sa sagot n'ya.

Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya wedding organizer, sino ba ikakasal? S'ya? Parang nilukot ang puso ko sa mga naisip kaya naman tinaboy ko na si Shane paalis.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga papeles na nakalagay sa mesa ko, nakakalahati ko na ang binabasa ko pero hindi pa rin lumalabas ng opisina ni Sir ang mag bisita n'ya.

Teka nga Angela, nag seselos ka ba?

At bakit naman ako mag seselos? Aber.

Saka wala na din naman kami kaya bakit ako mag seselos.

Umirap ako at tinapos na ang ginagawa para makauwi na. Nag aayos na'ko nang sarili para sana makauwi na pero biglang bumukas ang pinto nang opisina ni Sir at narinig ko ang malakas na natawanan sa loob.

“Hi,” inangat ko ang tingin sa isang bakla na nagsalita sa likod ko.

“Hello, bakit po?”

“Wala naman, nabore ako sa loob,” pahsasabi n'ya na para namang may pakialaman ako. “Pwede mo ba akong samahan kumain?” Alok n'ya sa'kin tumango naman ako at kinuha na ang lahat ng gamit.

Bakla naman 'to walang malisya saka pagkain na'to.

Sumunod nalang ako sa kan'ya haggang sa makarating kami sa malapit na kainan.

“Pwede mag tanong?” Tumango naman s'ya sa'kin kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na'to. “Sino 'yong magandang babae?” Nagulat ako nang maalakas s'yang natawa sa sinabi ko.

“Girl, ang ganda 'n” natatawa pa ring sabi n'ya at mas lalo 'yong lumakas ng tumango ako. “Gaga ka! May lawit 'yon,” nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya.

“So, hindi s'ya girlfriend ni Sir?”

Hindi na n'ya nasagot ang tanong ko kasi dumating na ang pagkain, tahimik lang kaming kumain ng biglang tumunog ang selpon n'ya na nasa ibabaw ng mesa.

“Pabalik na'ko,” maikling sagot n'ya at pinatay ang tawag nakita ko pang umirap s'ya bago binalik ang selpon sa mesa. “Tapos ka na?”

“Oo, bakit?”

“Babalik na'ko sa loob, ikaw babalik ka pa ba?”

“Hindi na siguro uuwi nalang ako tapos na din naman lahat ginagawa ko, sige na balik ka na, thank you sa food.”

“Byee, welcome! Ingat ka sa pag uwi,” tumango nalang ako sa kan'ya at sinundan ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko.

Naisipan ko na munang bumisita sa puntod ni Mama bumili din ako ng simpleng bulalak at kandila, nilapag ko na ang dala ko at umupo sa harapan ng lapida.

“Ma, kamusta ka? Miss na kita sobra. Sobra. Ako kaya Ma sa tingin mo kamusta kaya ako? Wala na kami ni Laurent kasi ang tanga tanga ko,” tinakpan ko ang bibig ko para 'di tumakas ang hikbi, huminga ako ng malalim bago nag salita. “Bakit ba kasi ang bilis kong mag tiwala? Ma, gano'n na ba ako kasama para maramdaman ang lahat ng 'to? Nahihirapan din ako Ma. Balik ka na, di ko na kaya.”

Napangiti ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin, yinakap ko ang sarili at dinukdok ang mukha sa tuhod habang dinadama ang yakap ni Mama.

“Aalis na'ko Ma, baka matagalan ulit ang sunod na bisita ko dito haha, baka sa sunod na bisita ko dito kasama ko na si Ate Sarah at si Ate Lea masaya 'yon sigurado,” ngumiti ako bago nagsimula mag lakad.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon