Chapter 15
Naisipan kong bumaba kaya kinuha ko ang gamit at mabilis na pumasok sa elevator pababa. Napatingin pa'ko kay Ate Sarah na nakasunod pala sa'kin pagbaba kaya hinayaan ko nalang s'ya.
Bipolar ata mga lalaki sa una lang magagaling.
Tahimik lang ako dahil 'di ko pa rin maiwasang makaramdaman ng kirot. Kirot na 'di ko malaman kung saan nanggagaling.
Natigil ako sa paglalakad palabas dahil may nakita akong isang lalaki na pamilyar sa'kin. Wala naman sa sariling kinalabit ko si Ate Sarah.
Humarap naman ito sa'kin na nagtataka. “Para kasing kilala ko 'yong lalaking 'yon,” pigil ko sa tangkang paghila n'ya sa'kin palabas sa lobby ng kompanya.
“Hys, sino naman d'yan madami kayang lalaking nakatayo sa tinuturo mong direksyon,” asik na pasagot n'ya habang nililibot ang paningin.
“Tssk, 'yong lalaking naka polo na blue,” sabay turo ko sa lalaking naka talikod na sa'min ngayon. Kanina kasi naka side view s'ya pero 'di ko parin namukhaan.
“Tawagin mo na kasi para makaalis na tayo,” singhal n'ya sa'kin saka umirap.
Wala sa sariling kinurot ko s'ya. “Anong tingin mo sa'kin walang hiya kagaya mo?” Pasinghal na tanong ko at iniripan s'ya.
“May hiya ka pa ba sa itsura mong 'yan?” Sarkastikang tanong n'ya at pinasadahan pa ako nang tingin.
'Di na'ko nag salita at binalik ko nalang ang tingin ko sa lalaking ngayon ay nakatingin na din sa'kin na para bang kinikilala ako.
“Tumpak! Kilala ko 'yan,” saad ko kay ate Sarah ng makilala ko ang lalaki. Napapalakpak pa'ko dahil sa tuwang naramdaman.
Sandaling nalimutan ang iniisip kanina.
Si Vince s'ya 'yong palaging nagtatanggol sa'kin sa twing bu-bully-hin ako ng grupo ni Dominic.
“Angela?” Turan ng lalaking ngayon ay nasa harapan ko na.
“Superman!” Natatawang tawag ko sakan'ya.
“Hmm, Angela ikaw nga,” masayang sabi n'ya sa'kin bago yumakap.
“Ako nga,” proud na sabi ko at sinuklian ang yakap n'ya bago nginitian s'ya ng matamis.
“Oyy, nag bago na s'ya 'di na n'ya ko tinatarayan,” tatawa tawang sabi n'ya at kinurot ang pisngi ko.
“Masakit! Ba't ba sanay na sanay kang kurotin ang pisngi ko?” Tanong ko at tinapik ang kamay n'ya.
“Ang taba kasi ng pisngi mo haha,” nakatingin sagot n'ya at kinurot ulit pisngi ko.
“Ahem,” pekeng ubo ni ate Sarah kaya naalala kong may kasama pala ako.
“Vince si Ate Sarah, atye Sarah si Vince,” pakilala ko sa isa't isa.
“Hi, Sarah,” sabay lahad ng kamay n'ya habang may tipid na ngiti.
“Hi,” abot n'ya sa kamay na nakalahad sa harap n'ya.
“Gusto n'yo bang samahan akong kumain ng barbeque?” Tanong n'ya bago ibaling sa'kin ang tingin.
“'Yan yata 'yong pinakamagandang salitang narinig ko ngayong mag hapon!” Pasigaw na sagot ko.
“Tss, bolera. 'Di ka parin nag babago,” natatawang sabi n'ya bago ako akbayan.
“Sus, nabola ka naman,” mabilis na sagot ko kaya natawa s'ya. “Namiss ko tawa mo pati na din 'yang ngiti mo,” nakangiting kwento ko.
“Ako din masyado kasi akong naging abala sa negosyo ni Dad.”
“Vince, ano nga palang ginagawa mo dito?” Takang tanong ko sakanya.
“Teka! Dapat ako ang mag tanong n'yan?”
Ano akala nito sa'kin budol-budol?
“Gago! Syempre dito ako nag tatrabaho,” sagot ko saka inirapan s'ya.
“Ah. Ako naman hinahanap 'yong mukong kong pinsan,” natatawang sabi n'ya.
“Share mo lang,” bulong ko. “Sino namang mukong na 'yan?” Takhang tanong ko.
“Ahm, si Laurent. And'yan pa ba s'ya?”
Halos mawalan ako ng balanse sa sinabi n'ya buti nalang at agad akong nahawakan ni ate Sarah sa siko.
“Pinsan mo 'yon?”
“Oo, malayo ba sa mukha? Sabagay mas pogi naman ako do'n,” mayabang na sabi n'ya. “Anyway andiyan ba s'ya? Kanina pa kasi ako dito sabi nong nasa desk kanina wala daw.”
“Sa opisina n'ya, bakit?”
“May papermahan ako tapos sasabihin ko na dumating na rin 'yong babaeng kinababaliwan n'ya hahaha,” mabilis na sagot nito pero kung gano kabilis na sumagot si Vince ganon din kabilis na nawala ang saya na bumalot sa'kin.
“Si Ms. Lea? Kasama na n'ya,” sagot ni Ate Sarah mukhang kilala din ang kasamang babae ni Sir. “Mas gumanda s'ya.”
“Oww? Kasama na ni Laurent?” Gulat na tanong nito na tinanguan naman agad ni Ate Sarah.
Tahimik nalang akong nakinig sakanila dahil nawalan na'ko nang gana na magdaldal. Lumipat ang tingin sa'kin ni Ate Sarah, nakaramdam siguro kaya iniba n'ya na Ang usapan nila no Vince.
Wala akong laban. Tssk. 'Di pa man ako lumalaban talo na.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...