CHAPTER 16

31 3 0
                                    

Chapter 16

Buong paglalakad namin papuntang bilihan ng barbeque ay tahimik nalang ako. Sinubukan pa akong kausapin ni Vince pero tanging mga tipid na sagot nalang ang nakukuha n'ya kaya si Ate Sarah nalang ulit ang kinausap n'ya.

Umayos ka nga, Angela. Anong pag iinarte 'yan? Ayosin mo, ikaw na rin nagsabi sa sarili mo poprotektahan mo sarili mo kahit sa pag ibig pa 'yan.

Nagmahal ka na sana naman nakakuha ka don ng kaunting aral.

Napakawala ako nang malalim na hininga bago pinilit ang sarili na makipag ulit sa dalawa. Inintindi ko nalang din ang pagkain dahil masasarap ang mga ito nakaka guilty naman kung 'di ko magagawang i-appreciate.

Gabi na nang maisipan naming maguwian, masyadong na enjoy ang kwentohan kaya 'di na namalayan ang oras. Pinag take out pa kami ni Vince na 'di naman namin tinanggihan no Ate Sarah.

Nakababa na'ko sa taxi kaya pumasok na'ko sa bahay na ngayon ay madilim na kaya nagtaka ako dahil maaga pa man ay nakabukas na ang ilaw sa buong bahay.

Nakakapag taka.

Nakaramdam ako ng kaba kaya nabitawan ko ang lahat ng hawak at patakbong pumasok sa bahay, mas lumala pa ang kaba ko dahil bukas ng pintuan ng bahay.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mama at nakita ko s'ya dito na nakahiga at parang walang malay kaya lumapit agad ako. Ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko nang sinubukan kong hawakan si Mama.

Nanginginig man ay pinilit kong hugutin ang selpon na nasa bulsa lang ng suot kong damit at basta nalang nagpipindot para makatawag.

“Tulong, please, 'yong nanay ko,” saad ko agad ng makitang may sumagot sa tawag. Hawak ko na ang kamay ni Mama ngayon. “Ma, gising na ikaw. Andito na'ko,” nabitawan ko ang telepono dahil pinilit ko na ang sarili na mabuhat si Mama.

“Potangina!! Tulungan n'yo ako!!” Sigaw ko nang 'di ko man lang magawang maiangat ang katawan ng nanay ko. “Tulong! Please! 'Yong nanay ko! Tangina n'yo! Tulungan n'yo naman ako!!” Nabasag na nang tuluyan ang boses ko dahil kahit sino sa kalapit bahay namin ay wala man lang magawang makarinig sa'kin.

“Mama! Kapit ka! Dadalhin kita sa hospital! 'Wag mo'ko iiwan, tangina! Ma-” naputol ang susunod kung sasabihin dahil may bigla nalang bumuhat kay Mama.

Inangat ko ang paningin dito at nakita ko si Sir na dali daling sinasakay ang Mama ko sa sasakyan n'ya kaya kahit nagugulat man ay patakbo na ring akong sumunod at sumakay sa sasakyan n'ya.

Napakapit ako kay Mama ng mahigpit, nararamdaman ko na rin ang panlalamig ng kamay n'ya na mas pinadagdag ang kaba sa dibdib ko.

Wala na ring hinto ang pagbuhos ng luha ko dahil sa takot at kabang nararamdaman.

“Sir, wala na po bang ibibilis??!” Malakas na tanong ko kay Sir. 'Di naman ito nagsalita at naramdaman ko nalang ang pabilis ng pagmamaneho n'ya.

'Di man nagtagal ay nakarating kami sa malapit na hospital, malapit pero ng ibyahe namin ay parang oras ang tinagal. Agad nilang kinuha ang nanay ko at inilagay sa stretcher.

May mga kung ano pa silang ginawa bago pinasok sa isang kwarto si Mama. Nagtaka pa'ko dahil parang lahat ng tao na nagaasikaso kay Mama ay naging mabilis ang pag galaw. May mga kinakabit na din sakanya kaya lumapit ako pero pinigilan ako ng is nag nurse at sinara na nito ang pinto.

Naiwan akong tulala malapit sa pinto habang wala pa ring humpay sa pag buhos ang mga luha ko.

Mama, 'wag mo'kong iiwan 'di ko kaya.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig pero may mga matitigas na braso ang yumakap sa'kin kaya parang bata akong umiyak dito. Yumakap din ako sakanya dahil pakiramdam ko ay kahit anong oras pwede akong mawalan ng malay dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman.

Marahan din n'yang hinaplos ang ulo ko. “Shh, she will be okay. Cry until you feel better.”

Mas bumuhos ang luha ko dahil sa mga salitang binitawan n'ya. 'Di dahil sa sarap kundi sa katunayan na may gusto na'ko sa lalaking ito na ngayon ay nakayakap sa'kin.

'Di ko na kailangang pigilan ang sarili ko dahil alam ko naman na sa sarili ko na matagal na'kong may gusto sa taong 'to. At ngayon ko lang din napatunayan na malalim na'to at mas lalong lumalim dahil sa nangyari.

Lumuha lang ako ng lumuha hanggang sa wala na'kong mailabas na luha. Humiwalay na'ko sa yakap n'ya, tumingin ako sakanya bago ngumiti nang maliit.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon