CHAPTER 33

6 3 0
                                    

Chapter 33

“Saan tayo pupunta?!” Gulat na tanong ko sa dalawang babae na nakangisi habang hinihila ako papasok sa banyo.

“Shut up! Just take a shower, okay? Kami na bahala ni Sarah sa mga gamit mo,” taka ko silang tinignan pero tinalikuran na nila ako.

Wala na din akong nagawa kundi ang maligo at magayus ng sarili 5:30 pa lang nang umaga pero ang sigla na nilang dalawa. Nang suot lang ako nang ripped jeans na pants at isang simple white off shoulder na tinernohan ng isang white shoes.

“Ang aga aga pa!” Reklamo ko saka nila.

“Kunin mo na 'yong isang maleta do'n,” utos ni Ate Sarah, nakanguso kong sinunod ang utos n'ya.

“Ayus na ba lahat?” Nakangiting tanong ni Ate Lea bago buksan ang makina nang sasakyan.

“Yup,” sagot ni Ate Sarah tumango naman ako at pumasok na sa backseat naka upo kasi si Ate Sarah sa shotgun seat.

“Mahaba habang byahe 'to!” Excited na sigaw ni Ate Lea kaya bahagya akong natawa.

“This is gonna be a long long weekdays!!”

Kantaan, tawanan, kwentohan ang ginawa namin habang bumabyahe papunta sa kung saan, tinanong ko sila kung saan kami pupunta pero tanging ngiti lang ang sagot nila 'di ko na din sila kinulit.

Nilingon ko si Ate Sarah na mahimbing na ang tulog nag volunteer din akong mag drive pero tinangihan ni Ate Lea kaya pa naman daw n'ya.

Nakatulog din ako sa byahe, nagising ako na hindi na umaandar ang sasakyan inikot ko ang paningin sa at agad na napabalikwas ng makitang ako nalang mag isa sa loob.

Bumaba ako nang sasakyan para sana hanapin sila, nanlaki ang mata ko nang makita ang buong tanawin.

Shit! Nasa beach kami?

Agad na nasagot ang tanong ko nang may lumitaw na dalawang babae na naka two piece,

“Gising na sleepyhead natin!” Napabaling ang tingin ko sa pinang-galingalingan ng sigaw na 'yon nakita ko ang mga maaliwas na mukha nila na nag lalakad palapit sa'kin.

“Kanina ka pa d'yan?” Tanong ni Ate Lea na nakasuot ng isang black two piece habang si Ate Sarah naman ay naka yellow.

“Hindi naman, bakit tayo andito?”

“Bakasyon, magpahinga muna tayo sa mausok na hangin sa manila,” natatawang sagot ni ate Lea.

“Mag palit ka na ito! Card.”

Nag lakad ako papasok sa hotel at hinanap ang room hindi naman ako nahirapan dahil may number naman ang card.

Bakit ba ang sasama nang ugali nila? Kapatid ko ba talaga sila?

Nag suot din ako nang simpleng white two piece nag suot din ako maikling maong shorts at cover up bago bumaba.

Papasok na'ko sa elevator ng makita ko ang isang pamilyar na mukha ang nakita ko balak ko pa sanang lamabas pero nagsara na ang elevator.

Takte! Ba't ang tagal naman atang umusad ng elevator na'to!

Sunod sunod na mura ang binitawan ko nang tama ang mga mata namin agad akong nag iwas tingin, bumukas naman na kaya lumabas na'ko narinig ko pang tinawag n'ya ang pangalan ko pero hindi na'ko lumingon.

“Sino 'yon? Para kasing tinatawag ka n'ya,” sabi ni ate Sarah at tinuro si Erick.

“Manloloko,” sagot ko saka nila.

“What?!” Napairap nalang ako sa reaksyon nilang dalawa.

“Kala ko mag babaksyon tayo?” Inis na tanong ko nagtingin muna sila nang ilang sigundo bago ako hinala papunta sa tubig.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon