CHAPTER 21

22 5 0
                                    

Chapter 21

Papasok na kami sa bahay n'ya kaya naman nakaramdam ako ng kaba sabi n'ya kasi sa'kin kanina na'ndito daw ang mga kapatid n'ya para mag bakasyon.

“Hey, mababait na naman ang mga 'yon,” saad n'ya habang hinahalikan ang kamay ko.

“Ano ba tigilan mo nga 'yan,” saway ko sakanya nang 'di pa n'ya tigilan ang pag halik halik sa kamay ko.

Kanina n'ya pa 'yan ginagawa, di n'ya na din pinakawalan ang kamay ko kahit nag mamaneho s'ya papunta dito kaya naman hinahayaan ko nalang s'ya do'n s'ya masaya.

'Di ako masyadong makaramdam ng lamig dahil sa kabang nararamdaman ko 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya, kinakabahan hindi ko alam para akong natatae na ewan.

“Ehem!” Napatalon ako nang bahagya nang may marinig akong nagsalita. “Who is she kuya?” Seryosong tanong ng kapatid n'ya ata, tinawag n'yang Kuya si Laurent, eh.

Humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Laurent ng makita kong do'n ang tingin n'ya pinisil n'ya naman ang kamay ko hudyat na 'wag akong kabahan pero 'di ko mapigilan.

“Hi, sis si Angela girlfriend ko,” nakangiting saad n'ya sa babaeng 'di pa din inaalis ang tingin sa kamay naming mag kahawak, kanina ko pa gustong bumitaw pero sobrang higpit ng pagkaka hawak n'ya sa kamay ko.

“Oww, how about-ah, nevermind. Welcome to the family I guess,” nakangiting sabi n'ya sa'kin. “Can I also call you Ate?”

Kaya agad na gumuhit ang munting ngiti sa labi ko dahil don.

“Oo naman, bakit hindi?” Masayang sagot ko sakanya.

“Mag palit muna tayo nang damit,” bulong sa'kin ni Laurent at hahatakin na sana ako nang biglang mag salita ang kapatid na babae ni Laurent habang nakataas ang kilay.

Umiling ito sa kapatid, matalim din ang mata nito kaya bumalik ang kaba sa'kin. “Nah, sa room ko ikaw ate mag papalit may mga spare na damit pa'ko do'n. Wala akong tiwala sa mukha ni kuya,” nakangiwing saad n'ya at inirapan ang kapatid.

Irita naman s'yang tinignan ni Laurent. “Anong akala mo sa'kin manyak?!”

“Yeah,” napalingon ako sa likod namin ng may dalawang lalaki magsalita do'n. “Hi, I'm David,” pakilala nang isang maputing lalaki.

Infairness ang pogi n'ya ah.

“Eyes on me, Angela,” rinig kong saad ni Laurent pero 'di ko s'ya pinakinggan.

“Hello, I'm Ethan,” wala sa sariling napangiti ako nang makita ulit s'ya. Ngumiti din ito pabalik sa'kin. Yayakap sana 'to sa'kin ng humarang si Laurent.

“Fuck you. Let's go baby,” hihilahin n'ya na naman sana ako nang mag salita na naman ang kapatid n'yang babae.

“Let's go ate,” sabi n'ya at bigla nalang n'yang inagaw ang kamay ko mula sa pag kakahawak kay Laurent.

“Hey,” ngumiwi naman ang dalawang kapatid n'ya ng makakita ang reaksyon ni Laurent umiling nalang ako sakanya at hinayaan ang kapatid n'ya na hilahin ako.

“Go, kunin mo na girlfriend ni kuya bago pa-” bago n'ya pa matapos ang sasabihin ay may lumipad ng sapatos papunta sa deriksyon n'ya ngumisi naman ito nang malawak bago iiling iling na tumingin sa'kin.

Gulat na nilingon ko s'ya at nagtatanong na tumingin dahil sa ginawa pero wala sa'kin ang paningin n'ya masama itong nakatingin kay David. Natawa nalang ang kapatid nilang si Ethan, mukhang natutuwa sa nagiging reaksyon ng kapatid.

“Shut up,” pikon na saad n'ya at nag lakad nalang palayo sa'min nagaalalang sinundan ko nang tingin si Laurent.

“'Wag kang mag alala ganon 'yon pag pikon, masanay ka din na ganon silang tatlo pag nagkikita puro asaran. Well it's been a year when we last bond together,” paliwanag sa'kin ni Ethan ng makitang nag aalala ako tumango naman ako sakanya at ngumiti.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon