Chapter 01
“Anong meron, Ma?” Tanong ko kay Mama ng makita ko s'yang nakaupo malapit sa pinto ng bahay.
“Upo ka dito may sasabihin ako,” nakangiti man s'ya ay makikita mo pa rin ang lungkot na nakaukit sa mata n'ya.
Kahit man nagtataka ay sinunod ko ang kagustohan n'ya na maupo ako sa tabi n'ya. May kung anong kaba na tumubo sa kaloob looban ka dahil iba ang asta ni Mama ngayon wala ang masigla n'yang ngiti at ang mabuhay n'yang mata.
“Malapit ka nang makapag tapos, anong gusto mong regalo?”
“Wala naman po, Ma,” mabilis na sagot ko tumingin sa'kin si Mama ng may malungkot na mata.
“Ayaw mo bang makita ang papa mo?”
Naiiwas ko ang paningin kay Mama ng marinig ang tanong na 'yon. Meron sa'kin na gusto pa s'yang makita pero meron ding sa'kin na ayaw ko na s'yang makita. Mas maraming rason ang 'di ko s'ya gustong makita.
Umiling ako kay Mama saka ngumiti ng tipid.
“Bakit, Mama? Ikaw gusto mo nakita si Papa?”
“Mahal ko ang Papa mo pero 'di ibig sabihin non ay hahayaan ko nalang s'yang bumalik sa'tin kung kilan n'ya gusto. Hindi tayo bahay na kahit iwan mo ng ilang dekada at balikan mo man ay bukas pa rin ang pinto na tatanggapin ka. Naiintindihan mo ba anak?”
“Naiintindahan ko po. Ano kaya 'yong posibleng rason ni Papa bakit n'ya tayo iniwan? Alam mo ba, Ma?”
Tumango si Mama sa'kin kaya walang ano ano ay tuluyan ng tumulo ang luha na pinipigilan ko.
Matagal ko ng gustong malaman ang rason no Papa. Ito na kaya 'yong oras para alamin?
Pag nalaman ko ba ang rason ni Papa mababawasan non ang sakit at hirap na dinanas na'min ni mama?
“Mababawasan ba n'yan, Ma ang sakit na dinulot ni Papa sa'kin?” Naiboses ko nalang ang isang tanong na 'yon.
“Hindi ko alam, anak.”
Nagsimula ng humikbi si Mama kaya 'di ko maiwasang magtaka.
“Bakit, Ma?”
“Kabit ako tatay mo, Angela. Maniwala ka man o hindi wala akong alam na may asawa na pala ang tatay mo nabulag ako sa pagmamahal na nakuha kong nakasira ng pamilya. 'Di lang 'yong asawa n'ya ang nawalan kundi pati na rin ang mga anak n'ya, galit na galit ako dahil sa mahabang panahon na 'yon ay 'di naging makasarili s'ya.”
Nagugulat ako sa mga sinasabi ni Mama at 'di ko rin maiwasang makaramdam ulit ng galit sa sariling ama.
Anong klaseng ama s'ya? Mahal ba na matatawag ang ganyan? O pagiging makasarili? Dahil sa lahat ng nabasa ko ang pag mamahal ang s'yang nagiging dahilan ng iba para mawalan ng pake sa sarili at isipin ang iba.
Nagawa kaya 'yan ni Papa? Naisip man lang kaya ni Papa 'yong mga batang iniwan n'ya at sumama kay Mama? Magiging ganito ba ako kung naging matino lang s'ya? Dadanasin ko ba ang ganito kung nakuha n'yang maging tapat?
“'Di mo man lang ba Ma nakuhang magtanong man lang?”
“Wala akong alam dahil walang ibang ipinakita ang ama mo kundi ang pagiging mabait at mapagmahal n'ya sa'tin!”
“Kahit na! Sana man lang kahit magtanong ng kaunti nakuha mo! Ma! Nakasira ka ng pamilya, Ma. 'Yong mga bata, ako? Naisip n'ya man lang ba 'yong posibleng mangyari?”
Naisigaw ko nalang 'yon dahil sa umaapaw na emosyon sa dibdib ko dahil nalaman na kabit ang Mama ko at anak ako sa labas ng tatay ko.
Ang galing naman ng panahon kung maglaro at ang galing din ng tatay ko makipaglaro, nakakabilib.
“Tapos ngayon gugustohin n'yo na makipagkita ako? Para saan, Ma? Para sariwain 'yong sakit na dinulot n'ya sa'kin? Sa'tin? Ang manhid n'ya naman kung ganon. Ayoko, Ma at hinding hindi na n'ya ako makikita, tama na.”
Niyakap ako ni Mama dahil na rin siguro sa panghihina ko dahil sa mga narinig.
Ang sakit isipin na sakabila ng saya namin noon ay may mga batang nagdudusa. At sa kabila ng paniniwala ni Mama na s'ya ang tunay na asawa at ring 'di n'ya alam na may asawa rin na labis na nagluluksa dahil sa sakit.
Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ng Mama ko hanggang sa humupa ang luha ko at luha n'ya.
Pareho namumula ang mga mata namin dahil sa pag iyak na walang tigil.
Ngumiti ako kay Mama at hinawakan ng mahigpit ang kamay n'ya.
“Kakalimutan natin ng sabay ang sakit at pait na nangyayaring 'to, Ma. Kinaya natin ng wala s'ya kakayanin pa rin natin ng wala s'ya at mas lalong kakayanin na natin na kalimutan s'ya. Alam kong balibaliktarin man ang Mundo ay magulang ko pa rin s'ya pero kahit baliktarin man ay wala na'kong kinikilalang ama simula ng iwan n'ya tayo.”
“Anak-”
“Mama kailangan natin bumitaw sa mga taong una na tayong binitawan. Pakawalan ang dapat pakawalan. Kalimutan ang dapat kalimutan. Hindi natin kailangan manatili kung iniwan na tayo. Heal then let go.”
Nagsimula na namang lumuha ang mga mata ng Mama ko kaya bumitaw ako sa pagkakahawak sakanya para punasan ang luha na bumubuhos na ngayon.
“Don't let pain consume our self, Ma.”
Hindi na nagsalita si Mama at tumango nalang sa'kin s'ya na rin ang kusang humawak sa kamay ko. Ngumiti naman ako sakanya para sabihin na kakayanin namin ang lahat ng magkasa.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...