CHAPTER 32

8 4 0
                                    

Chapter 32

Araw

Linggo

Lumipas ang buwan mas naging malamig ang pakikitungo sa'kin ni Laurent pansin na din ng iba naming katrabaho.

Matagal kong pinagisipan 'to may mga gabi din na hindi ako makatulog.

Pinasa ko na ang resignation letter ko inaantay ko nalang ang perma n'ya. Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng mesa ko at sinimulan ng ligpitin ang gamit, aabutin ko na sana ang litrato naming dalawa na nasa picture frame nang may tumikhim sa likod ko.

“Are you sure?” Malamig na tanong nito, tumango ako bago humarap sa kan'ya at ngumiti.

“Yes,” sagot ko, tinaasan n'ya lang ako ng kilay at inabot na sa'kin ang papel at walang pasintabing tinalikuran ako.

“Ang babaw mo,” bulong ko habang nang-gigilid ang luha.

Pabagsak kong pinasok ang picture sa kahon at tinakpan.

“Ingat ka palagi,” mahinang bulong sa'kin ni Shane at tinulongan akong buhatin ang box.

“Ikaw din tawagan mo lang ako kapag may problema ka.”

Inilagay ko ang mga box sa likod ng sasakyan ni Vince wala si ate Lea kaya si Vince nalang ang ginulo ko tutal nakatunganga lang naman daw s'ya sa opisina n'ya.

“Tapos ka na?” Inip na tanong n'ya pero inirapan ko lang s'ya at pumasok na.

“Nakaka-gutom pala mag hintay,” pagpaparinig n'ya. “Gutom na'ko.”

Nilingon ko s'ya na ngayon ay mahaba ang nguso habang deritso ang tingin sa daan.

“Kain muna tayo,” agad na lumiwanag ang mukha n'ya dahil sa sinabi ko natatawang umiling nalang ako.

Kumain kami sa isang fast food na nadaan n'ya kanina papunta sa bahay, mukhang masarap daw kasi maraming kumakain. Napailing nalang ako sa sinabi n'ya.

“Ano masarap?” Nakangising tanong ko.

“Okay lang, kaya pala s'ya dinadagsa kasi mura,” bulong n'ya habang inuubos ang mga pagkain inorder.

“Lutuan nalang kita mamaya,” pampalubag loob ko sa kan'ya.

“Noted!”

Nang matapos nang mag reklamo si Vince sa pagkain ay umalis na kami do'n napansin ko din na masyadong agaw pansin si Vince sa kababaihan pero parang wala lang sa kan'ya, hys, mag pinsan talaga.

“Ngi-ngiti mo d'yan?” Napalingon ako kay Vince dahil sa sinabi n'ya.

“Wala naman, iniisip ko lang na sa 'wakas makakapag pahinga na'ko sa mga pasakit na naramdaman ko’.”

“Rest well, Angela,” nakangiting saad n'ya at bumaba na nang sasakyan.

“I will,” bulong ko at sumunod sa kan'ya.

“Ate andito na'ko!” sigaw ko nang makatapak sa loob.

“Ba't ka ba sumisigaw!” Gulat na sigaw n'ya pabalik kaya natawa kami no Vince.

“Ikaw na in-inform gulat ka pa,” ngumuso pa'ko pero binatukan n'ya lang ako.

“Dito ka na kumain Vince nag luto ako,” pag aaya n'ya sa buraot na CEO.

“Ang yaman yaman n'yan dito mo pa papakainin.”

“Hoy, saka sayang babayad ko sa resto,” inirapan ko nalang s'ya.

“Vince ngayon ka pa nasayangan sa pera?” natatawang sabi ko, tinalikuran n'ya na'ko at umupo na sa mesa. “Walang hiya ka din minsan 'no?”

“Ate Lea, si Angela niaaway ako!” Sumbong n'ya kay ate Lea.

“Tumigil ka nga Angela!” Saway sa'kin ni Ate Lea at kinurot ako sa tagiliran.

“Aray! Parang 'di kapatid a!” Nginisihan lang ako ni Vince kaya binato ko s'ya ng tsenilas.

“Ate—” hindi n'ya natuloy ang sasabihin nang takpan ko ang bibig n'ya gamit ang kamay ko.

“Kakagatin ko tainga mo,” pananakot ko.

Ngiting tagumpay ako nang hindi nagsalita si Vince simula nang kumain kami.

“Ang tahimik mo ata?” Takang tanong ni ate Lea.

“Ang sarap mo talaga ate mag luto! Sana ganito din kasarap magluto mapapangasawa ko,” malayong sagot n'ya.

“Pa'no pag hindi?”

Ngumisi s'ya sa'kin bago sinagot. ”E'di iiwan ko, baysik!”

“Tarantado!” Sabay na sigaw namin ni ate Lea.

Natatawang uminom s'ya tubig. “Joke lang,” nag peace sign pa s'ya sa'min.

Matapos ng masayang kainan namin ay agad ding umuwi si Vince dahil may biglaang tumawag sa kan'ya.

Nakaupo lang kami ni ate sa sofa at pinapanood ang balita nang may nag doorbell, nagkatinginan pa kami bago sabay na tumayo papunta sa gate.

Nagkatinginan ulit kami ni ate Lea, tumango ako at kaya naman dahan dahan n'yang binuksan ang gate.

Parihas kami gulat na napatingin sa babaeng nakatayo sa labas.

“Ate Sarah/Sarah?!” Mag kaibang sigaw namin ni ate Lea at lumapit.

“Kamusta kayo?” Tanong n'ya habang nakayakap sa'min ni ate Lea.

“Ikaw ang kamusta na?” Madiing tanong ko kaya naman natawa s'ya.

“Hmm, okay naman,” maikling sagot, humiwalay s'ya sa yakap at pinunasan ang luha.

“Kamusta kayo ni Laurent?” Napaiwas ako nang tingin sa biglaang pag tanong n'ya sa'kin.

“Pasok muna tayo, malamig dito,” tumango naman kami at tinulongan bumahatin ang mga dala no Ate Sarah.

Hindi na nagtanong si Ate Sarah tungkol sa'min ni Laurent, paakyat na'ko para matulog ng makita kong nakaupo si Ate Lea sa veranda habang may kausap sa selpon.

Napangiti nalang ako nang tumawa s'ya, hindi na'ko nakinig sa usapan nila pumasok nalang sa kwarto.

Simula bukas wala nang Lauren sa buhay ko, simula bukas tapos na ang relasyon namin.

Oo no'ng nagtatrabaho pa'ko sa kan'ya umaasa pa ako na maayos namin. Sinaktan ko lang sarili ko nang paulit ulit.

Napaayus ako nang higa nong bumukas ang pinto nang kwarto ko.

“May problema ba ate Sarah?”

“Wala gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng sinabi ko,” mahinang saad n'ya.

“Tapos na 'yon ate, wala na 'yon!”

Lumapit s'ya sa'kin at niyakap ako mula sa likod. “I miss you,” bulong n'ya sa'kin.

“I miss you too!!” Humarap ako sa kan'ya at dahan dahan na pinunasan ang pisngi na basang basa nang luha n'ya.

“Pwede bang dito ako matulog ngayon?”

“Oo nanam!” Masayang sagot ko at umusog para bigyan s'ya nang espasyo.

Naging maayos ang naging ilang araw ko kasama silang lahat, pansamantala ko ding nalimutan ang sakit na dinulot sa'kin ng lalaking minahal ko nang sobra. Pero kahit anong saya ay 'di ko pa rin naman matatago na naging gaya rin ako sa nanay ko na patagong umiiyak.

Minsan gusto kong humingi nang tulong sakanila pero kalaunan ay hindi ko rin nagagawa dahil sa tuwing nakikita ko ang malalawak nilang ngiti ay nahihiya na'ko mag sabi.

Faking yourself in front of other people are not new. It's became hobby. That you also forgot the real feeling of smile and the meaning of happiness.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon