Chapter 10
Masaya akong naglalakad pauwi dahil 'di ako nagkamali na don kumain, masarap 'yong mga ihihaw lalo na Ang sawsawan ni Ate. Naguwi din ako ng kaunti para may maipatikim kay Mama.
Malapit na'ko sa bahay ng may matanaw akong isang sasakyan na nakapark malapit sa gate kaya binilisan ko ang paglakad. Napatingin din ako sa isang pigura ng lalaki na para bang may tinatanaw sa loob ng bahay.
“Eh? Sir?!” Gulat na tanong ko nang humarap sa'kin ang pigura ng lalaki at makilala. “Bakit po kayo andito? May nakalimutan po ba akong trabaho?” Sunod sunod na tanong ko sakanya at binuksan ang gate.
“Ah, nothing,” mahinang sagot nito sa'kin saka ako tinignan sa kabuuan.
Eh? Problema nito?
“Bakit po kayo napunta dito?”
“Galing ako sa bahay ng kaibigan ko malapit dito, I have to go,” mabilis na sabi nito.
“Teka po, kain ka muna may binili akong inihaw,” inangat ko pa ang hawak kong inihaw kaya napatingin s'ya don.
“I-” naputol ang sasabihin n'ya ng lumabas si mama Mula sa bahay namin.
“May bisita ka pala, 'nak. Bakit 'di mo papasukin?” Napatingin ako kay Mama bago tumingin ulit kay Sir na ngayon pala ay nakatingin na rin sa'ming mag ina.
“Pasok ka po muna Sir para kumain,” sabi ko. Tumango naman ito sa'kin at sumunod na kay Mama papasok.
Sinara ko naman ang gate bago sumunod sakanila papasok. Narinig ko naman na naguusap sila ni Mama kaya tumuloy muna ako sa kusina para ayusin ang pagkain at inomin.
“Naku! Ikaw pala ang boss ng anak ko? Pag pasensyahan mo na si Angela kung minsan ay masungit, ganon 'yon lalo na pag gutom kaya pasensya na ah.”
Nakita ko naman na ngumiti si Sir kay Mama kaya natulala ako saglit. Gwapo n'ya pag nakangiti.
Agad ding nawala ang ngiti ni Sir ng makitang nakatingin ako sakanya kaya lumapit na'ko sakanila para ibigay ang inihaw.
“Mama! Pinagsasabi mo kay Sir?” Tanong ko ng mailapag ko ang pagkain sa mesa. “Kain ka,” tumango ito at kumuha na.
Kumuha rin si Mama at 'di naman ako nabigo dahil nasarapan din s'ya sa inihaw ni Ate. Napatingin din kay Sir na kumakain rin mukhang gusto n'ya rin 'yon dahil napatango tango pa 'to.
“Kumusta ka naman,” biglang tanong ni Mama kay Sir na ngayon naubos na ang kinakain. Uminom muna 'to ng tubig bago tumingin kay Mama.
“Fine?” Maikli at walang kasiguradohang sagot ni Sir kaya na sakanya na ang buo kong atensyon.
Nakita ko naman kay mama ang awa pero agad din itong nawala at ngumiti s'ya kay Sir bago nagsalita.
“Alam mo ba dati 'yang si Angela ang dugyot dugyot n'yan, jusko!”
Siguro naramdaman din ni Mama na 'di masyadong okay si Sir sa tanong n'ya kaya iniba n'ya nalang ang usapan. Napangiwi naman ako sa sinabi ni Mama.
Sa lahat ba naman ng pwedeng sabihin 'yon pa?
Nilingon ako ni Sir kaya iniwas ko sakanya ang paningin dahil sa kahihiyan.
Mama talaga basta may taong napunta sa bahay kung ano anong sinasabi pakiramdam ko tuloy pinahihiya n'ya ako.
Kita ko sa peripheral vision ko na ngumisi si Sir dahil don. Pagkakataon nga naman. Tuwang tuwa ka pa na malaman na dugyot ako nong bata pa'ko.
“Oh? Hindi po halata ang ganda at ang ayos n'ya na po kasi ngayon,” rinig kong saad n'ya na agad nagpapula sa buo kong mukha.
Naramdaman ko ding na parang tinambol ang dibdib ko, abnormal na ata ako.
Nararamdaman kong umabot hanggang tainga ko ang pamumula kasi naman, tssk. Sa dami ng pwedeng sabihin 'yon pa.
Willing maging dugyot ulit.
Maganda daw ako. Magyayabang na ba ako non?
“Hindi na talaga 'yon halata kasi may crush na 'yan kaya nag aayos ayos na,” bulong ni mama pero rinig ko rin naman.
Nakayuko pa rin ako dahil alam ko sa pagkakataong 'to ay namumula pa rin ang buo kong mukha.
“Crush? Sino po?” Ramdam ko ang pang aasar sa boses ni Sir kaya tumingin na'ko dito ng masama. Ngumisi lang 'to sa'kin kaya inis akong iniwas ang paningin.
“Ang alam ko Laurent ang pangalan-”
“Mama!” Putol ko sakanya pero huli na'ko kasi nasabi na n'ya.
Tumalikod ako sakanila at patakbong pumasok sa kusina. Ang init ng mukha ko kaya wala sa sariling napatingin ako sa salamin na maliit namin na nakasabit sa ref.
Ang pula ng mukha ko parang kamatis!!
Pa'no ako nito papasok sa trabaho? Crush? Si Sir? Hindi!
Nakwento ko lang naman kay mama kung gano s'ya kasungit pero 'di ko sinabi na crush ko 'yon.
Omygad.
Nanay ko ata sisira na malinis kung konsensya.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...