CHAPTER 37

13 3 1
                                    

Chapter 37

Tatlong linggo na simula no'ng sabihin ni Ate Lea na uuwi sila ng Pilipinas, tatlong linggo na rin akong nag iisip kung sasama ba o hindi. Si Ate Sarah naman ay sasama daw s'ya para mabisita naman daw n'ya ang mga kaibigang nakakalimut na.

“Ano nakapag isip ka na ba?” Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may mag salita sa likod ko. “Hindi naman siguro kayo mag kikita do'n sa laki ba naman ng Manila.”

Nahilamos ko ang kamay sa mukha bago tumingin. “Oo na sasama na nga 'di ba?”

Oo nga naman ang laki ng Manila posibleng mag kita kami pero. . . .

Sumabay na sa'kin pag uwi si Ate Sarah tinamad daw s'yang mag maneho. Tahimik lang s'yang nakatingin sa labas ng bigla kong nag preno dahil may tumatawid na dalawang mag jowa.

Kailangan bang hawak kamay pag tatawid sa kalsada.

Napairap nalang ako at nag simula ulit mag maneho hindi ko na inintindi ang mga salita ni Ate Sarah.

“Ate! Good news sasama na daw si bunso sa pag uwi natin!” Masayang sigaw n'ya pagpasok pa lang ng pinto.

“Eh? Akala ko kakailanganin ko pa ng tulong Vince,” natatawang sabi n'ya kaya napairap ako at pabagsak na umupo sa sofa.

“Sunday alis natin,” napabalikwas ako sinabi ni ate Lea.

“What?!”

“Yup! Kaya ayusin mo na gamit mo,” tinawanan pa nila ako bago mag kasamang pumasok sa kusina.

2 days nalang! Shit.

Pumanhik na'ko papuntang kwarto para simulan ang pag empake ng damit, hindi pa man ako nakaka ilan na damit na pinasok nong tumunog ang selpon ko.

“Hm?” Sagot ko sa tawag bago iipit sa pagitan ng tainga at braso.

“Uuwi daw kayo?” Masayang tanong n'ya.

Agad naman na umikot ang mata ko dahil sa kadaldalan ng bibig ni ate Sarah.

“Yup!” Sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa. “'Wag mong sabihin na miss mo agad ako! Nagkita pa lang tayo last week,” natatawang biro ko, kung nasa harapan ko s'ya malamang na nakatanggap na'ko ng isang irap.

“Kadiri ang pagiging assuming mo,” tumawa nalang ako.

Nabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil sa usapan namin ni Vince, oo malaki ang Manila pero hindi maiiwasan ang pagkikita dahil sa mga kaibigan namin.

Pa'no pag may bago na s'ya? Pa'no pag nagkita kami? Kakausapin ko ba o iiwasan? Ang hirap naman! Wala na din naman kaming paguusapan kaya do'n nalang ako sa iiwasan s'ya.

Nanghihinang napaupo nalang ako sa sahig sa mga isiping 'yon, oo maayos na'ko pero hindi ko pa din maiwasang masaktan hindi ko pa din maiwasang umasa na baka pag balik ko ako pa rin.

Pero hanggang asa nalang ako kasi sa simula't sapol kasalan ko lahat, hindi ko din maisisi si Sofia saka mga alipuris n'ya. Okay na. Tapos na. Nakalipas na. Move on.

Memories is memories.

Past is past.

Move on. I didn't move on. I didn't try forgetting him. Why would I? He's the best thing came to my life.

Mabilis na lumipas ang dalawang araw kaya ngayon ay andito na kami sa labas ng airport, airport na'to ng Pilipinas. Inaantay nalang namin ang sundo, gabi na dito kaya ramdam ko na ang pagod at antok kaya naman pinahiga ko ang isang maleta ko at umupo do'n.

Inikot ko ang mata ko at lumabas ang maliit na ngiti sa labi, apat na taon sa apat na taon na 'yon ay wala pa ring pinagbago dito. Napatayo ako ng may tumigil na sasakyan sa harap naman at lumabas ang isang lalaki na nakadamit pang driver.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon