Chapter 02
Nakapagtapos na'ko sa kursong kinuha ko at ngayon ay nagtatrabo ako isang kompanya na kilala ng marami. Dahil sa ganda ng naging interview ko ay 'yong may ari mismo ng kompanya ang tumawag sa'kin upang ilalok sa'kin ang trabaho bilang sekretarya n'ya.
Nong una ay nag alangan ako pero kaulanan ay tinanggap ko din dahil sa tingin ko maayos na experience din naman makukuha ko pag ganon.
Maayos naman ang naging pagtatrabaho ko dito kung 'di lang nagsimula magpakita ng motibo ang anak ng may ari ng pinagtatabahuan ko.
Ginawa ko ang lahat ng pag iwas pero sadyang makulit s'ya kaya andito kami ngayon sa malapit na coffee shop na nasa tapat lang ng kompanya nila.
Nakaupo lang ako sa harap n'ya walang balak na tapunan s'ya ng tingin o kung ano. Nasa labas din ang tingin ko nasa sasakyan na walang tigil sa pagtakbo sa gitna ng kalsada.
“Angela,” turan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Sumulyap ako sakanya para ipakita na narinig ko s'ya.
“I'm Erick,” tumango lang ako sakanya. “Aww, di ka interesado sa'kin?”
“Kung interesado ako sa'yo sana una palang ako na gumawa ng paraan para magpapansin sa'yo,” walang ka gatol gatol na sagot ko.
Natawa ito dahil sa sagot ko parang wala lang din 'yon sakanya kaya napairap ako.
“Ano ba kailangan mo?” Tanong ko nalang para matigil ang tawa n'ya.
“Let's date,” deritsang sagot nito kaya natigilan ako at napanganga.
“Baliw ka ba?”
“Sa'yo? Yes,” nakangiting sagot nito at sumimsim na sa kape n'ya wala din sa oras akong napainom sa kape ko na 'di ko alam na mainit pala kaya napaso ang labi at dila ko.
“Careful, mainit pa 'yan,” pinunasan nito ang labi ko na medyo natapunan ng kape.
“Thanks, date? 'Di ka ba nakainom ng gamot ngayon?”
Nagugulat ako dahil sa sinasabi ng tukmol na'to. Date? Ako? Insulto?
“Oo, bakit? Matagal na kitang gusto-”
Pinutol ko ang sasabihin n'ya dahil na naman sa gulat.
“Ako? Gusto? Gusto mo?”
Natawa ito sa reaksyon ko. “Yeah, I like you. May problema ba don?”
“Meron!” Mabilis na sagot ko na pinagtaka n'ya.
“Ano?”
“Wala, sige.”
“Anong sige?”
“Sige.”
“Huh? Sa date? Payag ka na?”
“Oo basta mangako ka sa'kin na magiging mabait ka sa date-”
“Yes!!” Naputol ako sa pag salita ng bigla s'yang sumigaw na para bang nanalo s'ya sa luto.
Sabog din talaga 'to.
“Later, sundoin nalang kita sa bahay n'yo, byeee.” Sigaw nito at walang ano anong tumakbo palabas ng Cafe.
Napailing nalang ako at wala sa sariling napangiti sa inasal ng lalaki.
Umuwi nalang ako dahil tapos naman na ang ko sa trabaho. Pagdating ko sa bahay ay wala akong nadatnan na tao kaya nagtaka ako sa ganitong oras at nakikita ko si Mama na naglilinis sa maliit n'yang garden pero wala din s'ya don ng madaanan ko papasok.
Ako na rin ang nagasikaso ng kakainin namin dahil dumidilim na rin, tumitingin din ako paminsan minsan sa pinto inaantay ang pag uwi ni Mama.
Tapos na'ko sa lahat ng gawaing bahay wala pa ring umuuwing Mama kaya nagsisimula na'kong kabahan sinubukan ko ding tawagan pero out of coverage area.
Naupo ako sa sofa sinusubukan pa ring tawagan ang numero na meron si Mama ng bigla namang bumukas ang pinto kaya patakbo akong lumapit dito at bumungad sa'kin si Mama na mukhang pagod na pagod.
“Maayos ka lang ho ba, Ma?” Mahinang tanong ko at inalalayan s'yang maupo.
Bakas din ang panghihina sa buong katawan ni Mama kaya mas lalong namuo ang pag aalala sa'kin.
Tumango lang s'ya sa'kin at humawak na para bang kumukuha s'ya ng lakas sa'kin.
“Bakit ngayon ka lang, Ma? May inasikaso ka po ba? Gusto n'yo ba kumain? O hahatid ko na kayo sa kwarto n'yo?”
“Kwarto,” mahina 'yon pero rinig ko kaya tumango ako at inalalayan ulit s'ya papasok sa kwarto n'ya.
Nang mahawakan ko si Mama ay parang ang laki ng ipinayat n'ya gayong ilang araw palang naman simula ng sakitan s'ya ng ulo. Humina din kasi sa kain si Mama kaya siguro mabilis na pumayat.
Ilang araw ang lumipas at naging palagi na ganon ang nangyayari, nauna akong umuwi kay Mama at aantayin ko s'ya hanggang ng alas otso ng gabi galing sa kung saan wala s'yang sinasabi sa'kin hanggang sa ngayonh araw ay 'di ko na natiis at nakuha ng magtanong.
Pero agad ding nagsisi dahil sa ginawa kong pagtatanong. Dahil sa sagot na nakuha ko na kahit sino ay 'di aakalaing meron ang Mama ko.
“May cancer ako, 'nak.”
Wala akong ibang ginawa sa gabing 'yon ay kundi ang umiyak. 'Di ko magawang matanggap na 'yong minamahal ko ngayon ay may dinadalang sakit at wala ng paraan para lunasan.
Walang gamot.
Wala ng paraan.
At ang masakit pa don ay may taning na ang buhay n'ya.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...